Chapter 25 Arwin's Point of View (Paalala: Ang alam ni Arwin sa bahaging ito pa rin ay walang Breana kundi si Brent lang) Nang sinabi ko kay Brent na matulog na siya at saka na lang namin pag--uusapan kung anuman ang gumugulo sa kanya ay ako naman yung hindi na mapakali. Ramdam ko pa rin kasi at hindi nawawaglit sa isip ko ang aksidenteng pagkakadampi ng gilid ng labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung pareho kami ng iniisip at nararamdaman, kung iisa ang gumugulo sa amin ngunit hindi ako ipinanganak kahapon para hindi ko ramdam ang lagkit ng kaniyang mga tingin, ang mabilis niyang pag-iwas kung nasusukol ko siya at ang pagkataranta niya kung aksidenteng nasasagi ko ang ibang bahagi ng kaniyang katawan. Maari ring nagkakamali ako ng hinala. Ngunit nang tinawagan niya ako at wala siy