Chapter1- I like it, Daddy

1766 Words
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Andrei pagkatapos nitong iabot sa akin ang mga bagong damit na binili nito. Ngumiti ako sa kan'ya pagkatapos ay dinampian ko siya ng tatlong smack na halik sa labi. Actually, wala kaming formal relationship ni Andrei. Parang mutual understanding lamang kami dahil alam ko naman na may girlfriend na siya. Mas matanda si Andrei sa akin ng labing tatlong taon. May trabaho na ito, isa itong airforce at ako naman ay nag-aaral pa sa isang pampublikong kolehiyo. Mayaman ang pamilya nina Andrei samantalang kami naman ay salat sa buhay. Nakakapag-aral lamang ako dahil tinatguyod ng aking mga magulang ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Crush ko siya noong highschool pa ako. Moreno at may itsura ito at higit sa lahat ay kumikinanang ang mga mata nito lalo na kapag ngumingiti. Kaya lang. May girlfriend na ito, isang nurse na nasa abroad. Pero okay lang 'yon sa akin kasi mahal ko na siya. First year college pa lamang ako ngayon pero dahil sa labis na pagmamahal ko sa kan' ya ay sumama at hinayaan kong magkaroon kami ng isang lihim na relasyon. Walang ibang nakakaalam sa totoong relasyon namin kundi kaming dalawa lamang. Kagaya nga ng sabi ko, may nobya na siya wala nga lang rito sa lugar namin ngayon. Alam kong maling relasyon ito at hindi rin madali dahil patago kaming nagkikita at nagsasama. Kapag mahal mo ang isang tao ay masaya ka na kahit na kayong dalawa lamang ang nagsasama sa isang tagong lugar. Kahit na ang mga kaibigan ko ay walang alam na may relasyon ako sa isang lalakeng may nobya na at engaged. Nararamdaman ko naman na hindi ako mahal ni Andrei. Side chick lamang ako nito at ang katawan ko lamang ang habol niya. Parausan kumbaga. Pero tanggap ko naman, siguro susulitin ko na lamang ang mga araw na magkasama kami at kapag darating ang isang araw na maghihiwalay kami ng landas ay may magaganda at masasayang memories akong naipon na magkasama kami. God!Mahal ko talaga siya! Nagtitiis ako. Kahit na minsan ay gusto ko nang aminin ang tunay kong nararamdaman para sa kan'ya ay pinipigilan ko lamang ang aking sarili dahil natatakot ako na baka mapahiya lamang ako. Ni isang beses rin naman ay hindi ko narinig sa kan'ya ang salitang "Mahal kita", sapat na 'yun upang tanggapin ko na lamang na iba ang pagtingin niya sa akin at sa nobya niya.' Yung nobya niya ay pangseryosohan samantalang ako ay pampalipas oras lamang. Tatawagan niya't itetext kapag kailangan na niya ako. Oo, tumatawag siya kapag kailangan lamang niya ako. Samantalang ako ay panay agn sulyap sa cellphone palagi kung nagmessage na ba siya o hindi pa. Walang patutunguhan ang relasyon namin pero sa kan'ya ako masaya. Sa kan'ya ko nararamdaman ang ganitong klaseng silab ng damdamin na hindi ko mapipigilan. Gabi gabi, bago ako matulog ay hinihingi ko sa Diyos na sana ay ako na lamang ang mamahalin niya. Na sana'y hindi niya ako titingnan na parang side chick lamang niya.Na sana ay ako na lamang ang seseryosohin niya. Pero impossible talaga iyon kaya hanggang sa pangarap na lamang muna ako. Ayos na sa akin kahit na hindi niya ako matutunang mahalin. Makasama, mayakap at makaniig lamang siya ay isang malaking bagay na para sa'kin.. Ganun ko siya kamahal. Isang malaking katangahan ito oo pero hindi ko kayang pakawalan si Andrei. "Oo, ang ganda nito Drei. Maraming salamat ha?" muli ko siyang niyakap ng mahigpit. " You're welcome, Rah. Basta't para sa'yo, ibibigay ko ang lahat." anito. "Salamat!" tipid kong sambit ."Ang puso mo ang gusto ko Drei, 'yun ang ibigay mo sa' kin, 'yun ang hinihingi ko sa' yo." Hindi ba nararamdaman ni Drei ang pagmamahal ko sa kan'ya sa mga halik at yakap ko? Hindi pa ba sapat ang mga oras na inilalaan ko sa kan'ya? Gano'n ba katigas na parang bato ang puso nito para sa akin? Napakadali nitong kunin ang aking loob pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong nararamdaman na katiting na pagtingin mula rito. Maybe, everything he feels is just lust. Alam kong darating ang araw na iiwanan rin niya ako, aaminin kong hindi pa ako gaano kahanda para sa araw na iyon. Sobra ko siyang mahal noon pa man. Bumaba ako sa entrance gate ng University mula sa kotseng minamaneho ni Drei. Dala-dala ko ang isang paper bag na may lamang mga damit. Napaka thoughtful ni Andrei, palagi itong may regalo para sa akin kapag magkikita kami at syempre may kapalit iyon na isang mainit na tagpo sa kama. Kapag nagsisipin kami, pakiramdam ko ay para akong bayarang babae. He really never cared about me. After s*x,he won't stay in bed with me and cuddle. Instead, he always stood up and light up his cigarette and smoke. Ang hiram na sandaling iyon ay isang malaking selebrasyon para sa akin. I would always rejoice with his presence and miss him on his absence. Why is he so numb? Ganito ba ang mga lalake? Hindi ko naman alam kasi hindi pa ako nagkaroon ng nobyo maliban sa kan'ya. During my free time in school, my mind can't let go of his thoughts. Palagi siyang laman ng isip ko. I had always be in love with him. "Wow, na late ka 'ata ah?" masayang sambit sa akin ni Geneviv nang makita akong paparating na sa kanilang tambayan. Sa isang kiosk iyon sa ilalim ng isang malaking punong narra sa loob ng university. Ang damit na bigay ni Andrei ay ibinilin ko na muna sa guard. Kilala naman ako ni Manong guard. Lahat naman ng ibinigay ni Andrei ay tinatago at inaalagaan ko talaga ng maayos. "Traffic besh eh. Tara na?" anyaya ko sa mga kaibigan ko. Naroon din sina Nancy, Espie, Geraldine ,at Gerwina. Lahat kami ay salat sa buhay pero pursigido sa pag-aaral.Lahat kaming magkakaibigan ay may mga part time job. Isa akong waitress sa isang sikat nna restobar. Malapit lamang iyon sa aking inuupahang apartment. Actually, magkatrabaho kami ni Geneviv. Ang iba naman ay may iba ring part time job. Malaking tulong na rin sa akin iyon para matustusan ko ang aking tuition, renta at iba pang pangangailangan sa eskwela. Nasa ibang barangay naman ang mga magulang ko't malayo sila sa siyudad na pinapasukan ko. Kinagabihan naman ay pumasok na ako sa restobar. Restaurant iyon na may banda pagsapit ng alas nueve.Maraming mga customers sa restobar dahil sa live band at klase klaseng alak na binebenta roon. Busy ako sa pag-aasikaso ng mga customers nang mamataan ko ang kapapasok pa lamang na grupo ng mga kalalakihan. Alas otso na pala ng gabi at ito talaga ang sandaling dumadagsa na ang mga tao sa bar. Matatangkad at ang ganda ng mga katawan ng mga ito halatang alagang alaga. Namataan niya ang isang pamilyar na bulto ng katawan. There he is, si Andrei. Mga sundalong kasamahan pala ni Andrei iyon kaya pala fit ang mga ito.Hindi nito alam na sa restobar na ito ako nagtatrabaho. Ang sabi ko lang sa kan'ya ay may part time job ako, hindi naman siya nagtanong kung saan kaya hindi ko na sinabi. He just smiled at me. Tumango naman ako sa kan'ya. Kung kami lang talaga officially, siguro ay ipapakilala na niya ako sa mga kasama niya bilang nobya niya. But hindi eh, wala kaming label. Tamang paasa na lamang ako, ganun. Lumapit ako sa grupo nina Andrei. Ako ang nakatoka sa table six kaya ako ang kukuha ngayon ng order nila. I saw his eyes staring at me, I'm so in love with him. With this man who can't love me back. Marami silang inorder na pagkain at mga alak. Narinig ko na birthday pala ng isang kasamahan ni Andrei. Pagkatapos kong kunin ang order nila ay bumalik na ako sa kitchen upang ibigay ang mga inorder nina Andrei. Hindi ko maiwasang kabahan sa sandaling 'yon. Lalo tuloy akong naconscious sa itsura ko. Sa gray na polo shirt na suot ko at pencil cut skirt. "Rah, ready na ang wine for table seven." sambit sa' kin ng isang kasamahan ko. Kinuha ko ang tray na may bote ng alak at dalawang wine glass. Dinala ko iyon sa table seven na nasa tabi lamang nina Drei. "Can I request you to pour the wine at our glasses?" Natigilan ako saglit nang magsalita ang lalaking customer sa table seven. Tiningnan ko ang lalakeng nagsalita. Nagkatitigan kami, ang ganda ng mga mata niya sobra. Napakaitim ng kilay nito, matangos ang ilong at ang ganda ng mga labi. Sa isang salita ay nuknukan ito ng gwapo. Ngumiti ako at tumango sa customer. Muli kong sinipat ang kabubuan niya. Nakasuot ito ng office attire, mahabang polo shirt at may necktie pa. Napaka neat nitong magdala ng damit. "Thank you, Miss!" sambit nito pagkatapos niyang punuin ang mga baso ng mga ito ng alak. Pagbalik niya sa kitchen ay nakahanda na rin ang order nina Andrei.Dalawa sila ni Geneviv ang nagtulungan para ihanda ang table ng mga ito. "Thanks boss Jay sa palibre!" dinig niyang wika ni Andrei sa kasamahan nito. "Wala 'yun, next month ay palibre mo naman ang matitikman namin Drei. Syempre, invited naman kami sa pamamanhikan mo' di ba?" sambit ng lalaking Jay ang pangalan. Natigilan ako, tila biglang nanlamig ang aking katawan sa narinig. Kaya ko ba 'to? Huh, ang sakit talaga. Hindi ko na tiningnan pa si Andrei at baka tutulo na bigla ang mga luha ko. Mamamanhikan? Ibig sabihin ay uuwi na ang nobya nito next month at agad agad na mamamanhikan na. Pagkatapos kong ayusin ang mesa ay nagpaalam na' ko sa mga ito. Wari'y gusto nang mahati ang puso ko. Hanggang sa natapos na ang kan'yang shift ay nandoon pa rin sina Andrei. Hanggang alas dies ng gabi lamang ako at iba na naman ang papasok. Habang nagpapalit pa lamang siya ng damit ay hindi ko maiwasang di mapahikbi sa sobrang bigat ng puso ko. Naglakad ako palabas ng restobar. Tumigil na muna ako saglit sa labas at muling lumingon sa loob. I saw Andrei, laughing like everything is okay. He isn't aware that someone is crying from afar because of him. Ang mga hikbi niya ay naging isang hagulgol. "I think you need this Miss." natigilan ako nang may nag-abot ng isang puting panyo sa aking harapan. Ito 'yung gwapong lalaki kanina sa table seven. Umiling ako. "Naku, thank you po sir pero hindi ko po matatanggap' yan." "Okay, its up to you Miss." sambit nito sa kan'ya at bigla na lamang itong bumaling sa kabilang direksyon. Pero unti unti siyang nahihilo. "S-Sir!" tawag niya sabay bagsak ng katawan niya sa lupa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD