Chapter 23 3rd Person's POV "Uyy ineng. Napapadalas yata pagsasama niyo ni Cairo. Ikaw ah. Napapadalas sa kusina si Cairo," pang-aasar ni Nora. Napatigil si Hailey at agad na nag-panic. "Nay Nora. Huwag kang mang-asar ng ganiyan. Baka may makarinig. Tinutulungan lang ako ni Cairo dahil tinutulungan ko din siya sa taniman niya," ani ni Hailey. Kahit kasi sa pag-aayos ng kusina katulad ng paggawa ng mga cabinet at pag-aayos ng dingding ng kusina ay ginagawa ni Cairo. Kapag sinabi ni Hailey ay sunod agad si Cairo. Naging malinis at maganda ang kusina dahil kay Hailey at Cairo. Masustansya din ang mga pagkain at hindi sila nauubusan ng stock dahil sa dalawang ito. Maraming natutuwang preso dahil hindi na sila nagugutom at masarap ang kinakain nila. May mga officer din na natutuwa at