Chapter 1
3rd Person's POV
Messiah Jimenez, 20 years old. Perpekto siya sa kahit na anong aspekto maliban sa pagiging playboy nito, pasaway sa klase at talagang sakit sa ulo ng mga magulang nito. Wala itong kontrol kaya minsan na itong pina-rehab ng ina sa pag-aakalang may sakit sa utak ang anak.
"I can't believe this! Pina-rehab ka talaga ng mom mo? Akala ko nagbibiro ka lang last time 'nong sabi mo na hindi ka makakapunta pansamantala sa gathering natin dahil pina-rehab ka ng mommy mo!" natatawa na sambit ni Owen Ameda, isa sa bestpare ni Messiah at partner in crime sa grupo.
"Kahit ako hindi makapaniwala ng sinabi iyon ni mom. Basta kinabukasan may sumundo na lang sa akin na mga staff ng rehabilitation center at sinasabing oobserbahan lang daw ako ng ilang araw," gusot ang mukha na sambit ni Messiah bago ini-straight inumin ang hawak nitong kopita na naglalaman ng mataas na uri ng alak.
"Tangna, iba din trip ng nanay mo ah! Hindi ba natatakot mommy mo na baka makasira pa sa image ng pamilya niyo kapag nabalitaan ka na-rehab? Isipin pa ng ibang tao ma nagdo-droga ka o may tama ka talaga sa utak," sabat ni Owen Almeda na mamatay-matay katatawa habang nakaupo sa dalawang hita nito dalawang babae na kasalukuyang hinahalikan siya sa leeg.
"Kahit ako ang mommy mo, Messiah. Kung hindi kita ipa-rehab— ipapa-admit na kita sa mental hospital kasama ni Owen. Kahit sino iisipin na nababaliw ka na. Magnakaw ka ba naman ng motor at mangatok ng pintuan sa mga hotel room tapos babatiin niyo ng april fools day kung february pa lang ngayon," ani ni Cross na kinahagalpak ng tawa ni Jackson matapos maalala ang araw na iyon.
"What the heck, Cross. Don't tell me pati ikaw sesermonan kami!" sigaw ni Messiah dahil sa lakas ng tugtog. Kung hindi siya sisigaw hindi sila magkakarinigan.
"Amen!" sagot ni Owen na kina-pokerface ni Cross ng parang mga tanga na nagtawanan ang dalawa.
Sa grupo si Owen at Messiah ang pinakasakit ng ulo. Lagi silang bitbit nito sa gusot at gulo dahil silang dalawa ni Jackson ang pinakamatanda at matino kaya wala silang choice kung hindi gawin ang best nila para ilayo sa kahit na anong gulo ang dalawang lalaki. Napasapo na lang si Cross Argen dahil pakiramdam niya masisiraan na din siya ng ulo.
Nagsimula na ang sayawan. Malakas na tugtog ang dumagundong sa labas at loob ng bar— buong magdamag nagsaya at napagkalasing sina Owen at Messiah. Matapos malasing at magsawa sa pagsayaw— aayain na lang ng mga ito ang mga babae sa isang hotel o kahit saan para magpainit sa gabi nila.
Ganoon ang naging routine ng isang Messiah Jimenez not until ipakilala ng ina ni Messiah si Eira Averie na sisira sa buhay at magpapabago ng ikot ng mundo niya.
"Mom! Kung girlfriend lang ang hanap niyo madami ako 'nan. Hindi ko kailangan ng isa pang-girlfriend," ani ni Messiah matapos ito umuwi sa bahay nila sa gitna ng hating gabi galing sa bar— puno ng kiss mark ang leeg at gusot-gusot ang suot na polo.
"Mom, I'm tired— bukas dadalhan ko kayo ng apat na girlfriend, cut that crop at hayaan niyo na ako matulog," inaantok na sambit ni Messiah matapos halikan sa pisngi ang ina na kasalukuyang gusot ang mukha.
Kumaway ang binata habang nakatalikod at tinungo ang hagdan. Napa-poker face ang ina ng binata hanggang sa mapalingon ito sa asawa na kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie at naglalakad patungo sa babae.
"Bakit sa dami ng pagmamanahan sa iyo ng anak mo, pagiging matigas pa ng ulo ang minana niya sa iyo," bungad ng ginang sa asawa na napangiwi na lang.
"Honey, pagiging matigas lang ng ulo ang namana sa akin ng anak mo at rest sa ugali at habit niya— sa iyo nakuha," sagot ng lalaki matapos halikan sa pisngi ang asawa.
"Ganoon ba iyon? Ano ng gagawin natin? Hindi pwedeng habang buhay ganito na Lang si Messiah. Ayoko magkaroon ng apo na lahat panganay," may inosenteng sagot ng ginang na kinahilot ng sentido ng lalaki.
"How about kontakin mo si Allan?" suhestyon ng lalaki na kinatakha ng ginang.
"Si Allan?" ulit ng ginang hanggang sa pumasok sa isip nito ang batang babae na inaanak nila mag-asawa.
Eira Averie Mayers, isang 21 years old na masyadong devoted sa pamilya, sa lahat ng bagay at pagkakataon. Magaling ito sa lahat ng bagay, independent at malaki ang sense of responsibility kaya ng humingi ng favor sa kanya ang ina about sa anak ng kumare niya.
Agad pumayag ang dalaga without knowing kung anong klaseng tao ang dapat niyang paumuhin at baguhin.
"Princess, kung ayaw mo umalis ng bahay, sabihin mo lang kay kuya— gagawin namin lahat para makumbinsi si mom na huwag ka ng papuntahin doon para maging babysitter," ani ng binata na si Eros Aken Mayers na sinegundahan ng isa pang nakakatandang kapatid nito na si Evan Arjemn Mayers.
"Kung hindi namin makumbinsi si mom pwede naman si Eiron na lang ang papuntahin natin doon. Magkamukha naman kayo ni Eiron," suhesyon ni Evan na kinatango-tango ni Eros.
"Hindi ba masyado na kayong unfair— hindi niyo ba narinig usapan nina tita Michelle at mommy. Kailangan 'nong Messiah ng girlfriend hindi babysitter— lalaki ako for god's sake, kita naman na magkaiba kami ni Eira— lalaki ako babae iyan," sabat ni Eiron Aveno Mayer— identical twin brother ni Eira.
"Pero magkamukha kayo at isa pa sabi ni tita Michelle may sakit sa utak ang Messiah na iyon paano kung harrass-in niya ang princess natin!" ani ni Eros bago niyakap ang babae na kinatawa ng mahina ng dalaga.
"Kuya, hindi niyo kailangan mag-alala. Ayos lang ako at babalik din naman ako— 2 years and a half lang naman ako mawawala sa mansyon na ito. Sabi din naman ni tita, kung hindi ko kaya ang trabaho pwede ako bumalik dito anytime," ani ng dalaga na may ngiti sa labi.
Hindi na nito natapos ang pag-iimpake niya dahil matapos malaman ng mga kapatid ang nangyari— pagdating sa mga trabaho ng mga ito, pinasok na lang siya sa kwarto at pinalibutan siya habang nakaupo siya sa gitna ng kama.
"Basta princess, lagi mo kaming kokontakin okay at kapag may ginawa sa iyong hindi maganda ang lalaki na iyon— bigyan mo ng malakas na upper cut, kami na bahala kina mommy. Huwag mong isipin na kailangan mong pagpasensyahan ang gago na iyon dahil family friend natin ang pamilya nila," bilin ni Evan na nakapatong ang kamay sa ulo ng dalaga na puno ng pag-aalala ang expression.
"Don't worry, kaya ko naman protektahan ang sarili ko. Mag-iingat ako doon at agad ko kayo kokontakin kapag nakarating na ako," may ngiti sa labi na sagot ni Eira. Niyakap siya ng mga kapatid na lalaki— pagkatapos 'non ay nagpaalam na ang mga ito para matapos siya sa pag-iimpake at makapagpaghinga siya ng maaga.
Eira Averie Mayers's POV
Nang maisara ko ang maleta— bumukas nag pinto at pumasok si dad. Lumapit si dad sa akin at umupo sa gilid ng kama.
"Nadala mo na lahat ng gamit mo?" tanong ni dad bago ginala ang paningin sa kwarto ko.
"Nakakalungkot lang, magiging bakante na ito kapag nawala ka," ani ni dad na kinatawa ko ng mahina. Umayos ako ng upo at tinanggal ang ilang gamit ko sa kama.
"Dad, babalik din ako," sagot ko habang nilalagay sa iisang lalagyan ang mga personal hygiene ko sa iisang bag.
"Balita ko sakit talaga sa ulo ang anak nina Michelle. Kung hindi mo din talaga siya makontrol— pwede kang bumalik dito, hindi mo kailangan obligahin na naman ang sarili mo dahil sa mommy mo," ani ni dad na kinangiti ko. Tiningnan ko si dad at binaba ang hawak kong bag.
"Malaki ang tiwala sa akin ni mom. Hindi din ako kasing weak ng iniisip niyo dad. Baka nakakalimutan mo, anak ako ni mom. Kung kinakailangan ko balian ng buto ang anak ni tita Michelle para tumino gagawin ko," ani ko na kinatawa ni dad. Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.
"That's my girl," bulong ni dad. Kahit kailan hindi ko bibiguin sina dad— hindi ako mahina at ayokong nadi-dissapoint sila sa akin.
Kahit na anong mangyari, papatinuin ko ang lalaking iyon katulad ng gusto ni mommy at tita at babalik dito. Hindi ko sisirain ang expectation nila.
Kinaumagahan,
Kumakain pa lang ako ng breakfast— dumating na sina tita Michelle. Bahagya akong na-amaze matapos makita ang dalawa. Mukha silang mga model sa mga nakikita kong magazine dahil sa features nila na hindi halatang nasa 50s na din ang mga ito.
Napatingin ako sa mga kapatid kong nasa harapan ng lamesa nang umismid ang mga ito at pinagpatuloy ang pagkain. Gumuhit ang ngiti sa labi ko sa idea na ayaw talaga ako paalisin ng mga ito.
Kinausap nina dad at mom sina tita Michelle hanggang sa matapos na din ako kumain at puntahan sila sa living room.
Napatingin sila sa akin kaya agad ako bumati.
"Napakagandang bata," may ngiti na sambit ni tita Michelle na kinangiti ko.
"Maraming salamat, tita. Ako po si Eira Averie Mayers, kinagagalak ko po kayo makita ulit," bati ko.
"Gosh! Gusto ko na talaga siya maging daughter-in-law!" ani ni tita bago ako parang batang inikutan. Pinigilan naman siya ng asawa na si tito Michael at naiiling na hinapit sa bewang.
"Huwag mong takutin ang bata," bilin ni tito na kinasimangot ni tita na kinatawa ni mom.
"Usapan 2 years lang, Queen. Hindi mo pwede pilitin si Eira na maging in law— usapan iyon," paalala ni mom na kinatingin ko. Wala akong idea sa usapan nila dahil si mom at tita talaga nag-usap ng araw na iyon. Ini-inform lang ako ni mom about sa anak ni tita na si Messiah pero hindi niya sinabi ang usapan nila.
"Basta! Si Eira pa din gusto ko maging daughter-in-law wala ng iba kung hindi si Eira ang mapapangasawa ng baby boy ko— ikukulong ko na lang ang batang iyon sa tower at hindi siya mag-aasawa," ani ni tita na may pagtaas pa ng kamao na kinangiwi namin pareho ni tito.
Hindi ko pa nakikita si Messiah pero malaks ang kutob ko na base sa description ni mom— walang sakit sa utak si Messiah. Minana lang talaga niya ugali ng mommy niya.
"Queen, sina Eira at Messiah pa din ang ang magde-decide kung sino papakasalan nila, tigilan mo pagiging control freak mo maawa ka, huwag mo idamay anak ko," ani ni mom na mukhang pati siya nai-stressed na din. Natawa lang si tita at hinablot ang braso ko bago iyon niyakap.
"What ever, basta pahiram nitong anak mo," ani ni tita na kinatingin ko. Honestly, ang cute ni tita ngayon pero habang tinitingnan ko ngayon si tita may something sa kanya na hindi mo gugustuhin umapila sa lahat ng gusto niya mangyari.
Imagination ko lang siguro, tiningnan ko si mommy ng lumingon ito sa akin— hindi ko alam pero parang nagdadalawang isip ito. Anong nangyayari?
"Don't worry mom, ayos lang ako. Sabi naman ni tita pwede ako umuwi anytime kung hindi ko kaya ang trabaho," ani ko na hindi naman mangyayari dahil gagawin ko lahat para maging successful kung ano 'man ang mission ko sa anak ni tita.
Tinulungan ako nina dad para dalhin sa sasakyan ang mga gamit ko. Nagpaalam na din ako at sabi ng mga kuya ko— once a month pupuntahan nila ako para dalawin na hindi ko naman pinayagan.
"Hindi iyon vacation, kuya okay? Kontakin niyo na lang ako sa phone or sa video call— huwag kayong pupunta. Aalis na ako," ani ko na kinabagsak ng balikat ng mga kapatid ko.
"Mag-iingat ka doon," ani ni mom bago ako niyakap na kinangiti ko. Niyakap ko pabalik si mom.
"Okay mom, kayo din," sagot ko. Nang humiwalay sa akin si mom. Niyakap din ako ni dad at sinahihan na magi-ingat din at umiwas sa gulo hangga't maari.
Pagkatapos ng dramahan session namin doon. Sumakay na din ako sa sasakyan at nagpaalam na din sina tita.
Ito iyong unang pagkakataon na mapapalayo ako ng matagal kina mom pero kakayanin ko dahil nage-expect sila. Hindi ko sila pwede ma-dissapoint.
Napatigil ako ng hawakan ni tita ang kamay ko matapos umandar ang sasakyan. Nilingon ko si tita.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni tita. Tumango ako.
"Ayos lang ako tita. Iba lang pakiramdam ko sa idea na mapapalayo ako sa parents ko," sagot ko na kinatawa ni tita.
"Ang swerte talaga sa iyo nina Allan. Bukod sa maganda na mabait ka pa," ani ni tita na kinangiti ko.
"Hindi mo masasabi tita na mabait ako kapag nabalian ko ng buto ang anak niyo," natatawa na biro ko. Honestly, hangga't maari ayokong gawin iyon lalo na at anak siya ng kaibigan ni mommy.
"Gosh! I like you na talaga Eira! Please, gawin mo iyan sa anak ko para tumino. Marami naman access ang pamilya namin sa kahit saan na hospital. Kahit saan mo ipa-confine anak ko ayos lang hindi mo na kailangan problemahin ang hospital bills," ani ni tita. Kung hindi agad ako nakabawi sa pagkakagulat napanganga na ako sa sinabi ni tita.
Narinig ko pang napaubo si tito matapos marinig ang sinabi ni tita. Kumikinang pa ang mga ito habang hawak ang mga kamay ko.
"Michelle, baka nakakalimutan mo anak pa din natin si Messiah at anak ni Erin ang kausap mo."
"So what? Titino lang naman yata iyon si Messiah kapag nabaldado na," sagot ni tita na napairap na lang sa kawalan. Ano bang klaseng tao si Messiah at bakit kailangan niya pa mabaldado para tumino?