Chapter 26 3rd Person's POV "Masyado ka pa na bata para intindihin ang sitwasyon ng parents mo," ani ni Cairo at ginulo ang buhok ng batang lalaki. 3 hours before ang lunch ay nasa kusina na sina Hailey para magluto Naging busy sa kusina si Hailey at inaantok naman na humiga si Calypso sa table. Ginawa niyang unan ang manika niya at natulog. "Little star, nagugutom—" Napatigil si Hailey noong paglingon niya ay nakita niya si Calypso sa table. Tulog na ang batang lalaki. Napangiti na lang si Hailey at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Matapos makapagluto nina Hailey ay nilagay na nila ang mga iyon sa cart. Ilalabas lang iyon nina Edith at may mga kasamahan na silang lalaki na kukuha 'non then dadalhin sa cafeteria para i-prepare. Lumapit si Hailey sa lamesa at maingat na binuhat s