MARAMING gawain. Tambak ang mga papeles na dapat bigyang pansin ni Marco Polo, mga papeles na dapat niyang i-review, pasadahan ng basa bago pirmahan dahil until now ay wala pa rin ang CEO ng kumpanya upang gumawa niyon. Which is means na siyang CCEO, na kahalili nito ang gagawa. Pero heto siya, buhat nang pumasok siya sa sariling opisina may ilang oras na rin ang nakararaan, tulala. Oo, na para bang pumasok lang siya ngayon sa office para tumulala. Tulalang pinaglalaruan ang puwitan ng fountain pen na tangan niya habang nakatulala lang siya sa kawalan. Ah, hindi niya akalain na sobrang gagasgasin niya ang salitang 'tulala' sa araw na 'to. At oo, kasalanan lahat 'yon ni Monaliza. Bakit kay sarap paglaruan sa balintataw ang maganda, matapang at maliit na mukha nito? Hanggang ngayon ay