"SA tingin mo ba ay gano'n kadali kong ibabalik sa kaniya si Marco Polo? Of course not. Kasal kami," medyo inis na sabi ni Kate kay Ever. Pagkasundo nila sa anak niya ay nagpasya silang dumiretso na ng uwi muna. Inimbitahan na rin niya 'to para makapag-merienda gaya nang nakasanayan na nilang dalawa. At ewan ba naman niya kung ano ang kaibahan ng araw na 'to sa iba at nabanggit ng kaibigan niya ang pagbabalik ni Monaliza. Binabanggit din naman sa 'yo ng utak mo 'yon araw-araw, Kate, dahil alam mong malaki ang posibilidad na mangyari. "Okay, kalma lang. Ang sa 'kin lang naman ay ang plano mo sa pagbabalik niya. Initial plan make things easier, Katherine Kate." tugon ni Ever, nagtaas pa ng dalawang mga palad at inilingan siya. Napabuntonghininga siya. Mariin niyang tinignan lang ang