"HINDI tama na kapag naiinis ka ay nagwo-walk out ka na lang bigla," ani Marco Polo sa seryosong tinig sa anak nito. Natigilan si Monaliza sa bigat ng boses na pinakawalan ng huli sa anak pero pinagpatuloy niya pa rin ang pag-upo sa isa sa mga upuan na naroon sa hapag. Sa kabisera ni Marco Polo siya naupo. Si Gift Pauline naman ay tahimik na naupo sa tabi ng kaniyang ama. Mula sa pag-walk out kaninang umaga ay ngayon lang na alas siete na ng gabi lumabas mula sa sarili nitong k'warto ang walong taong gulang nitong anak. Grabe rin pala magtampo. Baka nakatulog din 'to sa haba ng oras na 'yon. Sa totoo lang, para sa walong taong gulang na bata, halatang mas matured ang anak nina Kate at Marco Polo sa mga kaedaran nito. Graceful din kumilos, para nang sampu o labing isang taon, bukod sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books