11 Inapakan ni Hanz ang preno nang makita ang mga trabahador niya sa gilid ng kalsada, habang nagmamaneho siya para hanapin si Rain Cassandra. He immediately stopped when he saw a person to ask. "Mang Romy, may nakita kayong babaeng nakasakay sa puting kotse?" tanong niya sa matandang lalaki na may dalang itak. Nasa may gilid ito ng kalsada at may tinatabas na sanga. "Ah oo senyorito, naroon papunta sa rantso, may kasabay na babaeng nangangabayo, yung anak ni Edd," anito sa kanya. Tumango si Hanz, "Salamat," aniya at inarangkada ulit ang sasakyan. Malamang nakasalubong na ni Rain ang kaibigan kaya magkasama na ang dalawa. Pwede na syang bumalik kung tutuusin pero di nya magawa dahil sa kaisipan na sasakay yun sa kabayo kahit wala namang alam. Mataray talaga at napakatigas ng ul