9 Naalimpungatan si Rain nang parang may kaluskos syang narinig sa kung saang parte ng bahay. Kaagad syang bumangon para icheck kung ano iyon. Paglabas niya sa kwarto ay sumilip kaagad siya sa indoor balcony at nakita niya si Hanz na pasuray suray habang inaalalayan ng isang babae. Pamilyar sa kanya ang babae. Pilit niyang inalala kung sino iyon. God! Ito ang nakita niyang kasex ni Hanz noon sa barn nila. Ito ba ang Arra? Nakalimutan niya. Kababata ito ni Hanz, alam niya. "Cassandra!" sigaw ng babae sa kanya. Umecho pa yun sa kabahayan. Pabalik na sana sya sa kwarto at pababayaan ang mga ito nang marinig niya yun kaya napilitan syang sumilip ulit. Kilala pala sya ng babae. "I need help, please. He's so big," aniyon sa kanya habang nakahawak sa barandilya ng hagdan. Eh gaga ka