5

1611 Words
Akay-akay si Rain ni Mindy habang paakyat sa itaas ng bahay. Wala namang gaanong nagbago sa mansyon liban sa mga bagong appliances at sa alagang pintura loob at labas. Sa tuktok ng hagdan ay nakasalubong nila si Hanz habang pababa naman. Bumuga ito ng usok habang may kausap sa phone. Naninigarilyo pa rin pala ito hanggang ngayon? Naninigarilyo pero pinkish pa rin ang labi. Maputi ang ngipin. Well, hindi naman yata heavy smoker. Baka tulad din ng Daddy nila na kapag tensyonado eh naninigarilyo kaya lagi naman nasisita ng mommy nila. Pero imposible naman na tensyonado si Hanz. Saan naman matetensyon? Baka sa inis sa kanya. Ni hindi man lang sila nito tinapunan ng tingin. Para lang silang hangin na hindi nito nakita samantalang sya ay di napigilan na huwag itong lingunin at habulin ng tingin. Halatang halata ka Rain Cassandra. "Hoy konting disiplina. Kitang kita ang pumupuso puso mong mata." saway sa kanya ni Mindy. Saglit siyang hindi nakapagsalita. "H-Halata ba?" di napigil na tanong niya sa kaibigan. Kilalang kilala pa rin talaga sya nito. Sampung taon sya noong huli silang makapag-usap tungkol kay Hanz. Noong paaminin sya ni Mindy kung crush nya ang adopted brother niya. Sino bang hindi magkaka crush sa pagka gwapo gwapong twenty year old na estudyante ng medicine noon na si Hanzxander Elizares? Eh halos ng lahat ng kaklase niya noong nagdalaga na siya ay nagpapapansin sa lalaki kapag sinusundo na sya sa school at laging galit kapag madilim na sya nakakuwi galing sa practice ng DLC. Inaabala raw niya ang pag-rereview nito para sa board exam. Naalala pa niyang laging naoobliga ito na maghatid at sundo sa kanya kapag may party sa school. Kung saan sya nakaupo ay naroon naman si Hanz kaya walang makalapit sa kanya na lalaki kapag gusto syang isayaw. Di rin naman sya makahuma kasi nagagalit na nga sa kanya at ang landi landi raw nya kapag pumapayag sya sa gusto ng mga ka schoolmates niya na makipag-sayaw. Mana raw sya sa nanay niya. Sino pa ba ang makakakilos sa ganoong bintang? Kaya madalas ay nag-aaway na sila hanggang sa pagdating sa bahay. Hindi naman sya pumapatol pero kapag masakit na masakit na ang kalooban niya, di na sya umiimik at umiiyak na lang sya nang tahimik. Hindi naman sya nagsusumbong. Ano namang karapatan niya? Ampon lang sya sa salita pero ni hindi nga sa papel. She’s not an Elizares. "How is he as a... Dictator?" di maiwasan na tanong na niya sa kaibigan nang maipasok na sya nito sa kwarto niya. "wow ingleshera ka na talaga." pangiti ngiti na tapik nito sa braso niya. Ang bigat bigat pa rin ng kamay kahit noon pa. Hindi sya umimik. Nasanay na rin kasi sya na taglish ang salita talaga. Ganoon sa bahay eh. "Tahimik lang yan si kuya Hanz," panimula nito. Kuya? Bakit sya di makatawag na kuya. Hindi sya sumagot kaya nagpatuloy ang dalaga. "Strikto siya pero di naman palaging galit. Sadyang ang hirap lang pangitiin. Pero wag ka ha, mahal na mahal yan ng mga trabahador ng buong hacienda kasi ang galing nyang makisama kahit di sya palaimik. Galante pa. Saka malaki ang pasasalamat sa kanya ng mga taga rito kasi nabuhay ‘yong lupa. Nabuhay yung mga tao, wala na kasing nag-asikaso simula noong lahat ng tatlo raw na anak ni lolo Don ay nagbase sa Manila. Natengga ang lupa at puro damo na para sa baka at kalabaw lang ang makikita." anito. Oo, alam niyang wala ni isa man sa mga anak ng lolo Daddy niya ang nagkagusto na tumira sa hacienda. Daddy niya CEO, tito HJ niya, President, tito Lyeon niya, professor na CEO pa ng cruise. Pero saan ba mas nafocus ang ang utak niya? Sa mga katangian na iyon ni Hanz na hindi niya alam. parang gusto niya tuloy magsisi kung bakit nagtanong pa sya. Parang lalo lang syang humanga sa lalaki na ubod ng sama ng ugali sa kanya. She still didn't bother to answer, so Mindy continued. "Gumanda yung hacienda. Dumami yung produkto, dumami ‘yong mga alagang hayop, maraming nakapag-aral, maraming napapagaling. Duktor sya di ba? Libre ang kunsulta sa kanya. Dumami rin ang mga turista at mga taong bumibisita rito dahil bukod sa sobrang ganda ng lugar, gwapo pa ang haciendero." anito at humagikhik. Parang gusto rin niyang kiligin. "Who is Arra?" bigla niyang naitanong nang sumagi sa isip niya. Kanina pa niya hawak ang mga damit na kinalkal niya sa luggage pero wala man lang ni isa syang naisasalansan o natitiklop man lang. Parehas sila ni Mindy actually, sige lang ang chismisan nila. Lumabi ang babae at sumimangot. "Si Dra Arra—hoy kapag nakita mo sya wag mong tatawagin na Arra ha. Nagagalit ‘yon. Dapat ay Duktora o kaya ay Miss Arra." anito sa kanya. Pakialam niya sa Arra na iyon. Baka tawagin nya pa iyon na Arra bruha. Baka si Hanz pa ang mapagalitan ng Daddy at Mommy nila kapag inaway sya ng Arra na iyon. “O ano naman si Arra Bruha? Sino sya?" seryosong tanong niya sa kaibigan. Handa ba syang malaman kung sino iyon sa buhay ni Hanz? Baka mamaya iiyak iyak na naman sya. Humagikhik ang babae. "Yun ay isa sa mga babaeng nagkakandarapa kay Kuya Hanz. Pero ang balita ko, sila na nga." anito sa kanya at parang tinitingnan ang reaksyon ng mukha niya. Ouch ha! Ouch! Itinaas niya ang kilay saka bumuntong hininga. Nakaramdam na naman sya ng inggit. Noon inggit sya sa grilfriend nito na kamuntik pakasalan. Ngayon inggit na naman kay Arra Bruha. "Anak iyon ni Mayor Crisologo si Arra bruha..." humagikhik ito."Veterinarian sya. Sya ang duktor ng mga alaga ni Kuya." "At si Hanz naman ang duktor ng alaga niya sa katawan?" prangkang tanong niya. "Hmmmn, parang ganoon na rin. Magjowa eh. Imposible naman na walang nangyayari eh minsan magdamag ang dalawa sa rancho kapag may nanganganak na baka, kalabaw, kabayo, manok, ibon, palaka..." Bigla syang natawa pero sa loob loob niya nasasaktan siya. Parang di niya maimagine o ayaw niyang iimagine na si Hanz ay may ginagawang ganoon sa ibang babae. "Maganda ba sya?" parang nalungkot ang mukha niya. Nagseselos kasi sya. Ang tagal tagal na niyang winiwish na maging girlfriend ni Hanz kasi nakikita niya na napapangiti ito ng girlfriend nito and she wishes that she'll be able to make it too kaso lagi lang naman umuusok ang tumbong nito kapag nakikita siya. "Maganda, kayumanggi pero sexy. Parang Mikee Cojuanco ang kulay." anito pa. Tumango sya. "Mahal niya ba?" parang sumakit lang lalo ang puso niya sa tanong nyang iyon. Gaga rin talaga sya. Gusto niyang laging sinasaktan ang sarili niya. "Siguro. Lagi naman iyon pabalik balik dito. Simula nang dumating si kuya, lagi na rin yung laman ng Hacienda at ng rancho. Minsan nga dito natutulog eh. Tapos madalas nagkukwentuhan yung dalawa at napapatawa nya si Kuya Hanz kaya..." natigilan ito nang may magsalita sa pintuan. "Pinagttsismisan niyo ba ako?" anang paos na boses na yun na sabay nagpalingon sa kanila. Napatayo kaagad si Mindy. "Mamaya na bes. May nilalaga pala ako." ani Mindy sa kanya at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. Naiwan pala nilang nakabukas ang pinto kanina. Narinig kaya nito ang iba pa nilang pinag-usapan? Patay! Nanatiling nakatayo si Hanz sa may pinto. Nakapamulsa ang isang kamay ng binata habang ang isa ay nakatukod sa hamba, may nakaipit na sigarilyo. He blew the smoke. "Did you forget it that I'm asthmatic?" tila pagtataray niya. She's not actually asthmatic pero kapag may usok o anong pwedeng masinghot niya ay nagbabara ang dibdib niya, pero tila wala itong pakialam. "I don't know. I just don't pay attention to the people who do not even exist in my very eye." anito sabay hithit na naman ng sigarilyo. Sinarili ni Rain ang pag-iiba ang tabas ng mukha. Walang hiya talaga ang bibig ni Hanz. Hindi ito makaramdam na nakakasakit. Nanigas ang mukha niya sa inis. "besides, getting oneself immune to allergen scrams the allergy." he blew the smoke again. Nanadya talaga. Ang yabang. Porke doctor kala mo kung sinong magsalita. "What do you want?" tanong niya rito at nang matapos na. Kinakabahan na naman sya ng sobra sa lalaking ito at mas lalo pang nagwala ang puso niya nang tumiim ang titig nito sa mukha niya. Dahil ba sa tanong niya? "Are you sure you really wanna know the answer?" dumako ang mga mata nito sa dibdib na naman niya. My gass! Is he emphasizing something green with that gaze? Ang ibig ba nitong sabihin ay gusto syang anuhin? Hindi! Binabastos sya ng lalaki. Alam niya yun. Nararamdaman nya na gusto sya nitong ipahiya. "follow me at my office. I'll make things clear," anito na tatalikod na sana pero nagsalita sya. "Why not say it here? What's the difference?" she shook her head in dismay. Tumalim ang mga mata nito nang tumingin sa kanya ulit. Matigas ang gwapong mukha na parang ngali ngali na syang pitikin. "Are you questioning me, Cassandra? Let me just remind you that YOU, live in my house. If you don't want to follow orders, then you're free to LEAVE! Gaddemmit! You're a pain in my ass! " singhal nito sa huling salita bago sya nilayasan. Grabe talaga ang sungit. Palayasin ba naman sya. Nakakapasama talaga ng mood ang adopted brother niya. Di nya alam kung kanino nagmula ang bunganga nitong walang kasintalim kung makapagsalita. His parents are tame and not like Hanz na grabeng talim ng mga sinsabi. Paro ano bang choice nya? Meron ba? Tingin nya, Wala. Pero kung pinasasakit nito ang kalooban niya, pasasakitin din niya ang ulo nito. Di naman sya basta patatalo kahit pa mahal niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD