3
Makailang ulit na pinahid ni Rain ang luha nang maalala ang bagay na yun. Nang masiguro niyang hindi na halata na umiyak siya ay saka sya lumabas sa banyo.
Hanz was no longer on the couch. Wala na rin ang bag niya. She shook her head. That man is really impulsive and unpredictable. Walang nakakatiyak kung anong mga kaisipan ang tumatakbo sa utak nito.
Like he's mad at her but he always carries her bag for her. Parang gusto niyang isipin na baka naman napatawad na sya nito sa kasalanan na hindi naman niya ginawa o ginusto talaga. And what's more funny is the thought na parang ito pa ang may karapatang magalit sa kanya samantalang sya ang nawalan ng puri.
Mahirap kasing arukin ang ugali ng lalaki at lumaki na lang sya na araw araw itong nakikita pero di nya makuha ang tamang galaw para mapalapit ito sa kanya. Kahit hindi naman bilang boyfriend o kung ano. Kahit bilang kaibigan sana pero wala. Lumalaki sya noon na umiiwas ito lagi sa kanya.
Kaya di niya maiwasan na isipin na baka nagseselos ito sa pagmamahal ng mga magulang nito, o baka iniisip na kahati pa sya sa mana kung sakali, o baka dahil sa wala itong tiwala sa mga magulang na pinagmulan niya. Sa isang ina na starlet sa club at isang ama na nasa kulungan.
Sinalo na yata lahat ang kasaman sa mundo ng mga magulang niya. Pero pwede ba niyang kasuklaman ang mga ito? Her mommy Alex always tells her that she shouldn't hate her parents. That it's not her fault if she was born in this world.
Pero paanong hindi sya maiinis sa sarili niya kung ang tingin sa kaya ni Hanz ay walang kwenta rin tulad ng mga magulang niya?
"Do you have any plan to stand there for the rest of your life?" masungit na tanong ni Hanz na nagpalingon sa kanya sa may pintuan.
He's holding the knob at bahagyang nakabukas ang pinto kaya kitang kita niya ang binatang nakadungaw doon.
Kanina pa pala sya nakatanga.
"I was looking for my bag." palusot niya sa binata.
"It's with me.” anito na walang kangit ngiti. Parang salubong pa ang kilay nito sa kanya.
She mimicked his words na lalong nagpatigas sa mukha ng stepbrother pero hindi niya pinansin.
Mabilis syang kumilos papalabas ng kwarto at hindi naiwasan na matingala niya ang mukha nito nang tumapat siya sa may pintuan.
He caught her, "What?" his stern face.
"Nothing. May wrinkles ka na kasi. You should..." aniya pero wala namang wrinkles. Palusot lang ulit kasi di nya napigil na hindi matingnan ang mgaganda nitong mga mata na kuha sa ama.
Hindi naman ito actually talagang mukhang thirty two. He's still so handsome ang empowering with authority.
Hanz cuts her.
"Mind your own life," masungit na sabi nito saka marahas na isinara ang pinto at walang kapaa paalam na nilayasan sya.
"Sa kotse ko ikaw sasakay. Ipakukuha ko na lang ang sasakyan mo kay Mang Lemuel." anito na pinindot na ang elevator kaya nilakihan pa niya ang mga hakbang para makaabot sa pagbukas niyon.
"Yung luggage ko," aniya.
"Get it." he simply said as they both hopped inside the elevator.
"It's heavy." aniya.
Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya pero hindi nagsalita kaya nanahimik na lang din sya.
Hanggang sa makalabas sila ng motel at tinungo ang kotse niya ay wala pa rin itong kaimik imik. Ang buong akala niya ay sya ang pagbibitbitin talaga nito ng luggage niya pero hindi naman pala.
Daig pa ng mga iyon ang magaan na pad ng papel na binitbit nito nang walang kahirap hirap, at walang salitang iniwan na naman sya at ito naman ang sumakay sa sariling sasakyan. Her jaws dropped in amusement. It's a black jaguar land range rover. Di sya makapaniwala na ganoon kagara ang sasakyan nito at ginagamit lang na panglibot sa ganoong lugar? Walang kaduda duda na boss talaga ito sa lahat ng bagay.
Napaigtad pa sya nang bumusina ito, signaling her to hop in. She opened the door and what greeted her nostrils was that addicting scent of manliness. Ang bango bango ng sasakyan pagbukas pa lang ng pintuan.
"Sasakay ka ba o iiwan kita?" seryosong tanong na naman nito kaya kumilos na sya kaagad.
Napanganga sya sa loob niyon. Hindi pa sya nakakasakay sa isang rover. Kasi kahit daddy Santi niya ay hindi ganoon ang sasakyan. Pero pinilit niyang itago ang paghanga. Baka kasi sabihin na naman nito ay mahilig sya sa mga magagarang bagay and worse ay pagbintangan na naman sya na yaman ang habol niya sa pamilya nito.
Napasulyap pa sya sa rearview mirror para tingnan si Hanz. Nagmamaneobra na ito papalabas ng parking space. Gwapo talagang sobra ang lalaki. Ang di nya alam ay bakit di na ito nag-asawa sa dating girlfriend nito. May girlfriend na kaya ito ngayon sa Hacienda?
Halos isang oras ang byahe mula kabayanan papuntang old mansion ng mga Elizares. Nakapagbakasyon na rin sya roon noon ng ilang beses at sa malawak na bukirin sa kabilang kalsada niya nakita ang isang magsasaka na tinamaan ng kidlat. Simula noon ay hindi na nya ginustong bumalik doon pero kailangan ngayon habang mainit pa ang desisyon ng korte tungkol sa ginawa niyang pagtestigo sa p*****n na nakita niya sa bar. Ang sabi ng Daddy Santi niya ay mas safe na sa Hacienda muna sya dahil baka balikan sya ng pamilyang naiwan sa labas ng convicted prime suspects sa paggasaha at pagpatay sa isang babae na kahit parang wala ng buhay ay pinagsasamantalahan pa rin nang walang sawa.
Tapos na ang security niya dahil tapos na rin ang kaso. Kaya sa halip daw na mag hire ng bodyguards ay magbakasyon na muna raw siya dahil mas protektado sya ni Hanz.
Duda sya syempre. Baka ibigay pa sya nito sa mga kriminal na yun kapag nakatakas ang mga yun. Pero masasabi ba niya sa Dad Santi niya ang tungkol doon? Syempre hindi.
Bumuntong hininga sya saka ulit sumulyap sa salamin. Ngayon ay nagtama ang mga mata nila ni Hanz pero sya ang nagbawi.
"You've grown up so fast Cassandra." sabi nito.
Cassandra? Dati Rain ang tawag nito sa kanya. Ang sabi pa nga ng Mommy niya eh ito raw ang nagpangalan sa kanya noong ampunin sya kaya Rain Cassandra ang pangalan niya at ito rin daw ang nagpauso ng Rain sa halip na Sandi. Pero wala raw itong ibang gustong tumawag sa kanya ng Rain kundi ito lang pero ngayon, hindi na Rain, hindi pa Sandi. Cassandra talaga.
At himala nagsalita ito pagkalipas ng mahaba habang byahe na sa palagay niya ay umabot na sa halos thirty minutes.
Nalibang na nga lang siya sa kakatingin sa mga punong nagsitumbahan at dahil sa bagyo kahapon.
"Yeah." aniya at sumulyap ulit siya sa lalaki pero ngayon ay nakita niyang hindi ito sa mukha niya nakatingin kundi sa dibdib niya.
Biglang uminit ang pisngi niya at pasimple niyang itinaas ang neckline ng suot niyang blouse. Ang lalim kasi ng uka kaya halos umaabot na sa kalahati ng dibdib niya kapag hindi niya madalas na itaas.
Di naman nya yun talaga dapat isusuot pero yun ang nakuha niya at sa pagmamadali ay hindi na niya pinaltan.
"You should wear your dress properly. Based on how you carry yourself wearing it." anito na nakatutok na ulit sa daan ang mga mata.
Ano bang ibig sabihin nito? Dahil ba sa itinaas niya ay ibig nitong sabihin na hindi niya kayang dalahin ang sarili niya sa ganoong klase ng blouse?
Di naman talaga niya dapat itataas kung hindi nito tiningnan. Iba kasi ang tingin ni Hanz, parang nakakasunog ng buong katauhan.
"I can. it's just that..." di niya alam kung anong idudugtong. Alangan sabihin niya na kinabahan sya sa pagkakatitig nito. Mamaya mapahiya na naman sya at sabihin na malisyosa ang isip niya.
"That what?" walang emosyon na tanong nito.
Hindi sya nakasagot.
"Na hindi mo kayang talunin ang titig ko?" diretsong tanong nito na ikina blush na naman niya.
Parang bigla eh gusto niyang buksan ang bintana at humigop ng hangin. Parang nauubusan na kasi sya.
"Oh come on. You're immune. Ilang lalaki na ang nakatitigan mo sa mga bar na pinupuntahan mo? Nakahalikan? Nakasex?" anito pa.
Wala talagang preno ang bibig nito. Magsasalita kapag gustong magsalita kahit pa makasakit.
Ganoon ba talaga ang tingin nito sa kanya? Ang maglandi at makipag s*x sa ibat ibang lalaki? Saka paano nitong alam ang tungkol sa pag pupunta sa mga bar? Sinong nagkwento? Ang mga adopted parents ba niya? Sana naikwento na rin na wala pa naman nakakahalik sa kanya sa labi, at walang ibang lalaking nakakakuha sa kanya–bukod dito–noon.
"You don't care. Like mother, like daughter. Right?" she teased him and saw his jaw clenched.
"True." he simply said after a while as his face turned gloomy.
That strikes her once more. Di nya akalain na sya rin ang masasaktan sa sagot nito. Sana hindi na lang niya sinubukan na sumagot pa. Wala rin naman silbi at walang magbabago sa pagtingin nito sa kanya.
Nanubig ang mga mata niya kaya tumingin sya sa labas ng bintana.
Hindi na ito ulit nagsalita pa kaya hindi na rin sya nagsalita. Buti na yun dahil ang bawat kataga na galing sa bibig nito ay parang matatalim na kutsilyo na pumapatay sa buo niyang pagkatao.