PROLOGUE

2519 Words
PROLOGUE "Hi." Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tiningala ang may nagmamay-ari ng bosesna iyon. Pasikreto akong napamura ng makitang nasa harap ko ang kinababaliwan ng mga babae sa buong campus namin. Umupo ito sa bakanteng upuan sa harap ko saka iniabot ang isang long-stemmed rose. "Uh, para sa'yo.." Nagsimula na namang magbulungan ang mga babae sa ibang table. Kung kanina ay maingay ang buong canteen, ngayon ay halos bulungan nalang ng iba't-ibang estudyante ang naririnig ko. "Ano ba ang nakita ni Wright sa babae 'yan? Mas maganda naman ako sa kanya, a." "Ginayuma niya ang Wright natin! Punyemas!" "Hala, girl. Laway mo naman. Ew." Huminga ako ng malalim. Dalawang linggo na akong nakaktanggap ng mga lait mula sa kanila. Sa katunayan, rinding-rindi na ako. Tumayo ako at inayos ang libro ko. Inilagay ko na rin sa balikat ang bag ko. "Uh, 'di ko yan matatanggap. I'm sorry." Papaalis na sana ako nang may mainit na kamay ang humawak sa braso ko. Napasinghap ang mga babae sa kabilang table. Lalo tuloy lumakas ang bulung-bulongan. Hinarap ko siya. Hawak pa rin niya ang rosas at seryosong nakatingin sa akin. "'Wag mong pakinggan ang sinasabi ng iba sayo. Sa akin ka lang maniwala. Seryoso ako sa'yo." Tinitigan ko siya. Six foot, all muscles and the most arresting face—thin lips, straight nose, chiseled jaw—his unique eyes hypnotizing. Sometimes I get caught staring into those eyes and forget where I am. Wright is the sexiest man—sinful and beautiful—my eyes have ever graced. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin bago pa man ako matunaw sa intesidad ng tingin nito. "Bakit ako?" Pinigilan kong manginig ang boses ko. "Bakit hindi ikaw?" Ano ba kasi ang intensyon niya? Nagkakilala lang naman kami nang dahil sa kape. Padaan kasi ako noon sa gilid nila ngunit nasunggo ako ng babaeng kasama nito. Sa sobrang inis niya ay ibinuhos sa akin ang mainit na kape na natira sa baso nito. Namula ang balat ko. Nagalit si Wright sa babae at hinila ako papunta sa Clinic para gamutin. Pinahiram niya rin sa akin ang varsity jacket. Yes, mabait si Wright sa akin, pero hindi ko gusto ang araw-araw na paglapit niya sa pagkatapos nun. Sa tingin ko kasi, sa bawat daanan ko may papatay sa akin. "I mean, maraming magagandang babae ang nagkakagusto sayo. Bakit 'di nalang sila ang ligawan mo, hindi ka na nahihirapan pa." Hindi naman sa nagbibilang ako pero dalawang linggo na niya akong nililigawan. Sabi ng iba ay ako lang daw ang niligawan ni Wright ng ganoon katagal. "I'm surrounded by women who wanted me, but you're the only one that I wanted." Hinawi nito ang buhok ko at inipit sa tainga ko. Nang ngumiti ito ay halos manlambot ang mga tuhod ko. "I love your simplicity, Melissa." This ain't good. "Uh.. t-thankyou." Mabilis kong kinuha ang rosas sa kamay nito para matapos na. Inayos ko ang salamin ko sa mata. "S-Sige.. Baka mahuli pa ako sa klase ko." Lumakad ako papunta sa may pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na rin ako. Binilisan ko ang lakad ko. Sumasabay pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Curse his silver tongue! Napahinto ako nang may bultong humarang sa dadaanan ko. Napaatras ako. Ano na naman ang kailangan niya? "Bakit?" Tanong ko. Kinamot nito ang sariling batok na parang nahihiyang binatilyo. "May gig kami mamaya sa Floderizo Bar. Pwede ka bang manuod?" Bar? Floderizo? Kilala ang Bar na iyon dahil doon nagpupunta ang ilang kilalang personalidad. Ang tanging nakakapasok lang doon ay yung mga members. Hindilang basta members, mga mayayamang tao ang sumasali roon. "Uh, ayoko." Mabilis kong sabi. Lumarawan sa mga mata nito ang disappointment. Nag-iwas ako ng tingin. "Saka hindi ako papayagan ni Lola." "Susunduin kita sa inyo." Determinadong sabi nito. "Hindi mo alam ang bahay namin." Sabi ko. Inayos kong muli ang salamin ko atsaka lumakad sa gilid nito. Naramdaman ko na naman ang mainit na kamay niya sa braso ko. Hinarap ko na ito. "Sabihin mo sakin para malaman ko." "Masyado kang mapilit, Wright." Napanganga ito. "Can you.. Can you say that again?" "Ang alin?" Ano ba ang sinabi ko? "My name." "Uh.." Anong problema nito? Iyon naman talaga ang pangalan niya ah? Geez! "Wright." "Music in my ears, Babe." Napatunganga ako nang bumigat ang talukap ng mga mata niya. Napalunok ako. "Wright.. P-Please let go of my arm." "Not until you give your address." Wala rin naman akong magagawa. Huminga ako ng malalim. Suko na ako. Sinabi ko ang buong address namin. Bahala na siyang maghanap. "Susunduin kita ng Six O'Clock." Six?! Teka! Anong sasabihin ko kay Lola?! "Huh? Wait---" Hindi na ako nakapagsalita dahil tumakbo na ito palayo sa akin. Nakita ko pa ang pagtaas ng kamay nito na parang nanalo sa lotto. Nasapo ko ang noo ko. "Napasubo ata ako. Asar!" Pagkatapos ng klase ko ng alas-kwatro ay umuwi agad ako sa bahay namin. Nagmano ako kay Lola nang makita ko itong nag-gagansilyo sa rocking chair nito. Malakas pa rin si Lola ngayon, paminsan-minsan ay tinutulungan ko siyang magtinda ng gulay sa palengke. Ipinagluto ko si Lola ng kanyang hapunan bago ako pumasok sa kwarto ko at nagbihis. Pinili kong suutin ang itim na skater skirt at tinernuhan ng itim rin na sleeveless na pantaas. Dahil na rin sa puro itim ang suot ko ay mas lalong lumutang ang kaputian ko. Inilugay ko na rin ang shoulder length na buhok. Natural ang pagkakulot n'on sa dulo. Baka naman sabihin si Wright, pinaghandaan ko ang pag-imbita niya sa akin. Ayoko lang na ma-out of place o mapahiya siya dahil mukhang katulong ang kasama niya. Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Lola na nakatayo sa ay harap ng pinto ko. Sinuyod nito ang kabuuan ko. Biglang kumislap ang mga mata nito at gumuhit ang ngiti sa labi. "Apo, saan ka ba pupunta at bihis na bihis ka?" Nahihiya akong napangiti. "May.. kaibigan po ako na susundo sakin." Hinaplos nito ang buhok ko. Bihira lang ak makita ni Lola na nakababa ang buhok kaya siguro nasabik itong hawakan iyon. "Kaibigan? Mag-iingat ka, Apo ko." "Opo, Lola." Sabi ko. Wala na akong ama at ina, namatay sila dahil sa isang aksidente. Kaya si Lola nalang ang kamag-anak ko na kumupkop sa akin. Wala na kasi ang kong iba pang kakilala na kamag-anak namin kundi si Lola, siya ang Nanay ni Mama. "Saka palagi naman akong binabantayan nila Mama at Papa." "Dalaga na talaga ang apo ko." Sinakop ng mga kamay nito ang pisngi ko at saka ibinaba ang ulo ko. Hinalikan niya ako ng marahan sa pisngi. Napatingin kami ni Lola sa may pinto nang may kumatok roon. Pumunta ako roon at saka binuksan ang pinto. Nakaitim lang ito na polo at tinupi hanggang siko ngunit nakikita pa rin ang kakisigan nito. Kahit ano siguro ang magandang damit na iayos ko ay magmumukha pa rin akong kaulong kapag natabi sa kanya. "Good Evening.." Bumaba ang mga mata nito sa damit na suot ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Beautiful." "Iyan ba ang kaibigan mo, Melissa?" In-adjust nito ang salamin. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi nito. Humalakhak pa ito ng mahina. "Napakagwapo mo naman, Hijo." "Bagay po ba kami ni Melissa, Lola?" "Sige, Lola. Aalis na kami. 'Wag niyo pong kalimutang magkandado." Bilin ko saka nagmamadaling hinatak palabas si Wright. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng passenger seat ng kotse nito. Kaya pala nahanap niya ang bahay namin. May GPS pala ang sasakyan niya. Hindi ko dapat minaliit ang isang taong katulad niya. Huminga ako ng malalim. Bumaling ako sa kanya, may ngiti pa rin sa mga labi nito habang diretsong nakatingin sa may daan. "Wright, pagkatapos niyong tumugtog, pwede bang ihatid mo na ako? May gagawin pa kasi akong project." Kunot noong bumaling ito sa akin. "Hindi pa nga tayo nakakarating, gusto mo ng umuwi. Ayaw mo ba talaga akong makasama? Ayaw mo ba sa akin?" "If I say 'Yes, I don't like you', would you stop?" Hindi na ito nagsalita. Hinimas nito ang panga. Tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan at hindi na rin umimik. Pagkatapos ng kalahating minuto ay nakarating na kami sa Floredizo Bar. Tinulungan akong bumaba ni Wright. Tahimik akong nagpahila rito, baka kasi nainis ko siya kanina. May limang bouncer ang nakatayo sa harap ng back door. Nag-alangan pa ako kaya napatigil ako sa paglakaad. Parang naramdaman naman iyon ni Wright. Hinawakan niya ang bewang ko, napatingala ako sa kanya. "I'm here." Malambing na sabi niya. Tumango ako at nagpadala sa kanya. Agad kaming pinapasok ng malalaking lalaki na iyon, kahit pala backstage ay maingay pa rin. May humarang sa amin na isang babae atsaka pinalupot kay Wright ang braso nito. "Long time no see, Wright." Matangkad ito, maganda ang hubog ng katawan. Pero alam ko kung ano ang itsura ng pekeng dibdib sa totoo. At yung kanya ay naghuhumiyaw na peke. At hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis nang ikapit nito sa braso ni Wright ang braso niya. Nginitian lang siya ni Wright at saka inalis ang braso nito sa hawak ng babae. Napanganga ang babae sa ginawa ni Wright. Hinila niya akong muli at nagpatuloy sa paglalakad. Maraming kababaihan ang bumabati sa kanya pero hindi niya iyon pinapansin. "Hey, Wright." "You wanna get laid tonight? I'm free." Nang-aakit na sabi ng isang babae. Hindi niya ako pinansin bagkus ay tinulak pa niya ako paalis, nakita ko ang pagsasalubong ng kilay ni Wright. Mahigpit nitong hinawakan ang magkabilang braso ng babae atsaka tinulak ng malakas. Muntik pa itong matumba kung hindi lang nahawakan ng isang lalaki sa likod nito. "I. Don't. Need. You. b***h. Back off." Hinawakan niya ang kamay ko atsaka ako hinilang muli. Tumataas-baba ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng paghinga niya. Napatingin siya sa akin nang pisilin ko ang kamay niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Isang malalim na hinga ang pinakawalan niya at saka pinisil pabalik ang kamay ko. Napangiti ako nang kumalma ito. Napunta kami sa ikalawang palapag. Hinila ako ni Wright papasok sa isang kwarto na puno ng salamin. Kapag tumingin ka sa baba niyon ay kitang-kita mo na ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. "Kanina ka pa namin hinihintay, Wright.." Lumapit sa amin ang isang babae. Kilala ko ito. Siya ang bokalista ng banda nila Wright. Si Raquel Aquino. Maraming kalalakihan ang sumasamba sa kanya. Paanong hindi? Napakaganda niya at sa oras na kumanta siya ay para kang nahi-hypnotized na mala-anghel niya boses. Bumaba ang tingin niya sa akin. "Bakit mo siya dinala dito?" Nagsalubong muli ang kilay ni Wright. "Anong masama kung dalhin ko dito ang nililigawan ko, Racky?" "S-Seryoso ka na talaga? Akala ko ba---" "Shut up!" Napangiwi ako nang sumigaw si Wright. Ngayon ko lang siyang narinig na sumigaw nang ganoon. "Easy, dude." Napatingin ako sa likod ni Racky. Isa rin ito sa mga kabanda ni Wright. Si Leon. ang pinaka-misteryosong kaibigan ni Wright. Bibihira lang itong ngumiti, at kapag tinitigan ka niya ay para ng sobrang liit mo sa kanya. "You don't need to shout at her." "Hey!" Sambit ng isang lalaki. Umakbay ito kay Wright. Iisang tao lang ang kilala kong may pulang buhok. Si Fier. Sinong hindi makakakilala sa kanya, sa reputasyon niya bilang Boyfriend in an hour. Iba't-ibang babae ang kasama nito oras-oras. "Isinama mo pala sa Melissa. I'm Fier." "Nice to meet you." Nakangiwi kong bati. Sa kanaya ako ilang, ayoko kasi sa mga playful na tao. Humalakhak ito at pumunta sa harap ko. "Nice? Hey, Sweetheart, I'm an asshole." "Then, let me rephrase my greetings. It's so nice to meet an asshole like you, Fier." Ewan ko, basta nalang dumulas sa dila ko iyon. "I like you." Pagkasabi ni Fier n'on ay mabilis akong napunta sa likod ni Wright. "She's not your toy, Fier." Madiin na sabi ni Wright He smirked. "I know. She's yours." "Fier, Wright, Racky, ready na tayo." Ma-awtoridad na sabi nito. Natigil ang pagbibigay ng death glare ng dalawa. Hinatak ako ni Wright papunta sa may salamin. Hinrap niya ako sa pwesto na makikita ko ang stage. "Watch me." Bulong nito mula sa likod ko. Napasinghap ako ng mabilis siyang humalik sa pisngi ko. Bumaba ang mga ito sa stage. Nagsigawan ang mga tao nang magsimula silang tumugtog. Pinagmasdan ko kung paano magwala ang ilang tao roon, may mga nakita rin akong kilalang personalidad na halos matanggal na ang ulo sa kaka-headbang. Maski ako ay hindi ko maiwasang umindak sa tugtog nito. "Bakit lola mo lang ang kasama mo sa bahay niyo?" Tanong ni Wright sa akin. Nasa gitna na kami ng dancefloor at mabagal na sumasayaw sa tugtog. Hindi lang pala puro rock ang pinapatugtog sa mga bar. Nakalagay ang mga kamay ko sa balikat niya. Nakapaikot naman ang mga kamay niya sa bewang ko. "Patay na kasi ang mga magulang ko. Namatay sila nung pitong taong gulang palang ako." "Oh.. I'm sorry." Hinalikan nito ang buhok ko. "Ako naman, buhay pa ang mga magulang pero hindi ko maramdaman ang presensiya nila." "Business?" "Yup." Ngumiti ako ng tipid. "You can't have it all. Siguradong may kulang sa buhay ng tao." "Kapag sinagot mo ko, buo na ako." TInaasan ko ito ng kilay. Sigurado ako hindi pa ito lasing. "How many girls have you catch using that sweet tongue of yours?" "Damn. I never sweet talk to any girl I f****d. It's just pure sex." Napangiwi ako sa sinabi nito. Napapalatak naman ito. "Wrong choice of word?" Namula ako. "I'm a virgin but my mind is not that innocent, Wright. I'm aware of men's libido." "But you're different, Melissa. Just give me a chance to prove it." Hindi na ako nagsalita. Tinitigan ko nalang ang mga mata nito. Naramdaman kong nawala ang mga kamay nito sa bewang ko at lumipat iyon sa magkabilang gilid ng mukha ko. "Ano'ng gagawin mo?" Hinawakan nito ang salamin ko. "Titingnan ko lang kung ano ang tinatago mo sa ilalim ng makapal na salaming ito." "H-Huh? No. 'Di ako makakakita." "Sandali lang." Pumikit ako nang mahubad iyon ni Wright. Unti-untia akong dumilat dahil sa utos niya. Kahit na medyo malabo ang paningin ko ay alam kong nakangiti ito. "You're hiding the most beautiful eyes I've ever seen." "I-I can't see, Wright. Give it back to me." Sinubukan kong kunin yung salamin pero itinass niya iyon. "You don't need this. Just close your eyes and feel me." GInawa ko ang iniutos nito. Huminga ako ng malalim atska pumikit. Naramdaman kong may mainit at malambot na bagay ang dumampi sa labi ko. Napadilat ako at sumalubong sa akin ang nakapikit na mga mata ni Wright. Dahil sa marahan at nakahuhumaling na tamis ng labi nito ay bumigat ang talukap ng mga mata ko at unti-unting pumikit. Marahan lang ang paghalik ni Wright, parang in-a-adjust palang niya ako sa sensasyong pinaparamdam niya sa akin. Nagkabuhol-buhol ang isip ko at hindi ko na alam kung nasaan kami. Dumilat ako nang humiwalay na ito sa akin. "So beautiful." Bulong nito. Pinagdikit niya ang noo namin. "Have you felt it?" I can't lie to myself anymore. "Y-Yes.." "Happy to hear it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD