Simula
“Damn it!” Napasuntok na lang si Bilial sa steering wheel ng kotse ng ayaw na mag-start ng sinasakyan nila. Bakit ngayon pa?! Sh*t talaga! Kung minamalas ka nga naman.
Napatingin siya sa likod ay nakita ang Underboss nilang mariing nakapikit habang nakahawak sa balikat nito na puno ng dugo. Nabaril kasi ito habang tumatakas sila at hindi niya na alam kung saang lugar ba sila naroroon.
“Boss—”
Naputol ang sasabihin ni Bilial nang marinig nila ang wangwang ng kapulisan. Nagkatinginan siya at ang kasama niya na si Gabriel. They need to divert the attention of these damn police officers!
Sabay silang bumaba ng sasakyan at tinulungan ang underboss nila na lumakad papasok sa gubat. Wala na silang choice kundi makipaghabulan at makipagtaguan sa mga pulis.
“Boss, tumakas ka na kami na ang bahala sa kanila. Baka sakaling may mga nakatira dito.”
Papalapit nang papalapit ang tunog ng sasakyan kaya nagmadali silang iniupo ang kanilang underboss sa isang malaking puno at agad tumakbo pabalik sa daan para tumakbo sa kabilang direksyon.
Alexiel found it funny. Sa gitna ng kagubatan at wala man lang ni isang ilaw na makikita sa tingin ng mga ito ay may nakatira dito? Stupido.
He gritted his teeth when he accidentally brushed his wound. Puno ng dugo ang itim n’yang kasuotan at meron ding mga tumalsik sa mukha niya. He looked so evil, so scary sabayan pa ng mala-abo nitong pares ng mata, making him looked like an angel when he is not. He is a devil himself. Not a savior but a punisher, a killer.
He slowly stood up and scan his surroundings. Damn those bastards! Alam n’yang may daga sa grupo kung kaya nakatunog ang mga pulis sa gagawin nila ngayong gabi.
Damn it! Nasira pa ang trabaho nila ngayong gabi at ilang milyon din ang nawala sa kanila. The person who caused this should hide dahil hindi na ito sisikatan ng araw. Dared to messed with them? There is only way to deal with them easily,—through death!
Walking forward, Alexiel’s focus was only on his front but his senses were sharp. Hindi siya pwedeng makampante. Although he can easily fight them, it was a fact that he was at a disadvantage.
As he wanders through the night, a cool breeze brushes against his skin. Ang ingay ng mga kuliglig sa gabi at ang pagtapak niya sa tuyong dahon ang tanging maririnig sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad patungo sa kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa.
Until a little light from a distance catches his attention. It was small, but he appreciated the fact that someone is living there; nonetheless, he wondered how they had ended themselves in this dense jungle. As he approached it, little by little unti-unting bumibigat ang pakiramdam niya. Bumibigat din ang paghinga niya. His eyes were clouded.
His breathing was deep but slow, when he was near he could see that the house was made in bamboo and their roof was made in anahaw leaf. Para itong isang bahay kubo. Bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang dalaga. The woman was wearing a sando blouse and a long skirt. Her hair was tied into a bun. May dala itong lampara at isang bowl ng pagkain para sa mga alaga nitong hayop at pusa. A woman was living here.
His body gave up on him just as he was going to call her. Bago pumikit ang kanyang mga mata ay nakita niya pa sa kanyang clouded vision ang pag-ikot nito sa kanyang direksyon.
---
Pagkatapos maghugas ni Uriel ng pinagkainan ay nilagyan niya ng pagkain ang isang bow na tira niya kanina para sa alaga n’yang aso at pusa. Wala ngayon ang lolo at lola niya tuwing Lunes hanggang Biyernes dahil nagtatrabaho ito. Nagpumilit nga siya na siya na lang ang gumawa niyon dahil matanda na ang mga ito pero nagpumilit din itong sila na lang dahil ayaw naman nila na maiwan dito at walang magawa. Sabi ng lola niya ay sanggol pa lamang siya ay dito na sila namalagi. Namatay ang nanay niya pagkatapos nitong manganak at tanging ang lumang litrato lamang nito sa kanyang kwentas na may locket ang tangi n’yang alala dito. Walang nasabi ang lola niya tungkol sa kung sino ang tatay niya dahil hindi din nila ito kilala. Gayunpaman ay masaya siya sa kung ano’ng meron siya ngayon.
Naglakad siya patungo sa pinto nila upang pakainin si Nissin ang kanyang pusa at si Nissan na kanyang aso. Si Nissan ay isang itim na pusa kung saan ang mga mata nito ay magkaiba ng kulay isang dilaw at isang asul samantalang si Nissan naman ay isang puting aso na sa tingin niya ay may breed dahil sa kakaibang itsura nito. Makapal ang puti nitong balahibo.
Sinindihan niya ang isang lampara bago lumabas. “Nissan! Nissin!” tawag niya sa mababang boses pero sapat na para makuha ang atensyon ng mga ito. Iwinagayway pa ni Nissan ang buntot nito nang makita siya na dala ang isang bowl.
Tumahol ang aso na tila ba ay nasasabik.
“Ito na kumain kayo ng mabuti,” turan niya at nilagyan ang tig-isa nitong bowl. Napangiti si Uriel habang pinagmamasdan niya ang mga ito. Bata pa lamang siya ay kasama niya na ang dalawa sa gubat. Kasama niya ito sa panghuhuli ng isda sa ilog at pagkuha ng mga gulay at prutas.
Habang pinagmamasdan niya ang dalawa ay napukaw ang atensyon niya sa isang ingay. Ingay na tila ba ay nahulog kaya napatingin siya sa direksyon niyon. Kumunot ang noo niya bago unti-unti itong nilapitan. Kinakabahan man ay naglakas siya ng loob para ito’y masuri. Hayop kaya ito.
Nang maaninag ni Uriel ang isang katawan ng lalaki na nakabulgta ay napasinghap siya. Namilog ang kanyang mga mata at tumibok ng malakas ang kanyang puso. Hindi lang dahil nakabulagta ito bagkus ay dahil sa dugo na nasa damit at katawan nito. Ano ang nangyari dito? Sino ito? At bakit ito napunta sa lugar na ‘to?
Walang ano-ano’y lumuhod siya para tingnan ang kalagayan nito. Nakatabing ang buhok nito sa mukha kaya hindi niya makita ang itsura nito pero wala na s’yang pakialam dahil masama ang kalagayan nito at kailangan niya itong tulungan. Isinaklay niya ang braso nito sa kanyang balikat habang ang isang kamay niya ay nakakapit sa bewang nito. Mabigat!
Napansin iyon ng alaga n’yang si Nissan kaya tumahol ito habang nakatingin sa kanilang dalawa.
“‘Wag kang maingay, Nissan. Kumain ka lang d’yan.”
Tinulak niya ang pinto ng bahay at nilagay ang lalaki sa kama niya. Napahinga siya ng malalim at napahilot sa braso. Ibang klase! Masyadong mabigat ang katawan ng lalaking ito buti na lang at sanay siya sa pagkuha ng tubig sa ilog gamit ang timba kaya nakaya niya itong buhatin.
“Kukuha ako ng maligamgam na tubig at panggamot,” mahinag sam,bit niya bago lumabas ng kwarto. Hindi alam ni Uriel na ang pagtulong niya sa isang mapanganib na lalaki ay magreresulta sa pagkakasangkot niya sa buhay nito sa mundo ng Mafia.