Liliana Salazar pov's
( Ang babaeng gustong Niya)
Ang Isang masayang kong umaga ay nauwe sa masalimuot.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napaka init nang dugo ni Heiross sa akin.
Kung makaasta siya,akala mo'y mas ma matanda pa ako sa kanya! Yung tipong ako dapat ang mag adjust palagi!
Uo naunawaan ko naman,dahil bayad ako sa sitwasyon ko.Pero kasi sumosobra na kasi siya eh.Palagi nalang niya akong pinag iinitan at pinapahiya.
Ang araw na iyon ay napakahalaga sa akin,dahil na din sa unang birthday ko na mawalay sa aking pamilya.Gusto ko sanang ienjoy ang mga oras na yun,maski alam kong sa loob loob ko ay napakalungkot ko.
Nang dahil kay Zeus at Elly ay naging masaya ang umaga ko nung araw na yun.Ewan ko unlike Heiross,Hindi nila talaga ako tinatrato na iba.
Kaya kahit minsan awkward,pero natuto na din akong sumabay sa lokohan nila,biruan at tawanan.
Bigla nalang kaming natigilan nang, biglang dumating si Heiross at nakakunot ang noo nito.
Aga aga! busangut agad!
At gaya nang nakasanayan niya, mabilis akong inutusan nito para ipagtimpla siya nang juice.Nakita ko kung paanu siya tiningnan nina Zeus at Elly,Pero gaya nang sinabi ko bayad ako.Kaya kailangan kong sumunod.
Pero ang hindi ko inaakala ay ang pag saboy niya nang juice sa aking mukha.
Halos natigilan ako nung mga sandaling iyon.Hindi ko talaga alam kong anung maramdaman ko nung mga sandaling tumalsik sa mukha ko ang juice.
" F*CK! what's this taste? Alam mo kahit kailan!Hindi ka talaga maasahan! Wala ka talagang silbi! Lumayas ka nga!" Ang sigaw ni Heiross sa akin,na kitang kita sa kanyang mukha ang lubos na nasusuklam sa akin.
At hindi din ako nakagalaw sa kinatayuan ko, kahit naramdaman ko na ang juice na nag tuluan sa aking mukha,sa aking damit.
Para akong nanigas,at hindi ako makapaniwala na nagawa ni Heiross sa akin yun.
" Kuya!!" Ang sigaw ni Zeus.
" What the hell!" Ang sigaw din ni Gael.
" What? she's not doing her job well! simpleng bagay! tatanga tanga!" Ang wika nitong muli na ngayon,ay naramdaman ko nalang ang aking luha na nagtuluan.
At nakita kong agad nalang tumayo si Zeus.
" you're impossible!" Ang wika nito at tumalikod na ito.
Napabalik ako sa aking ulirat nang bigla nalang hinawakan ni Elly ang aking palapulsuhan.
" let's go! baka makapatay pa ako dito! " ang wika ni Elly.At naka titig ito nang masama kay Heiross.
" What did you just said? Ang kapal mo din anoh? she's our maid! Then you will take her away from here? Para san?You know what Gael, you're too pathetic! Pati katulong talagang pinapatos mo pa!" Ang diin na wika nito kay Elly.
At sa sobrang bilis nang pangyayari ay nagulat nalang ako nang bigla nitong binitiwan ang aking palapulsuhan at mabilis binigyan nang suntok si Heiross.
" F*CK you! " ang galit na siagw ni Heiross.At walang pasabing sumugod din ito kay Elly,dahilan para magpanggulong ang mga ito.
Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko sa mga sandaling yun.Diko alam kung paanu ko sila aawatin.At bute nalang dumating agad si Zeus,na umawat sa kanila.
" What the hell is wrong with you guys?F*CK! ang tatanda niyo na! Nagagawa niyo pang maggaganyan!" Ang sigaw ni Zeus sa sa dalawa.Na ngayon ay parehas silang nag pupunas nang dugo sa kani kanilang labi.
Agad kong nilapitan si Elly at hinawakan ko ang mukha nito na may sugat.Uo Asawa ko si Heiross.Pero hindi niya ako gusto,kaya hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa kanya! Ayaw kong bigyan niya nang ibig sabihin ang mga paglapit ko sa kanya.
Mas mabute na din sigurong,iiwasan ko na din siya!
***
Pagkatapos nang kaguluhang iyon.Pinili ko nalang tumambay muna sa maids quarter.Ayaw kong pumasok sa kwarto ni Heiross! ni ayaw ko siyang makita!
Pero nagulat nalang ako,nang biglang pumasok si Zeus dun.
" Zeus..May iuutos ka po ba?" Ang tanong ko dito.
" Uhm..magpapasama sana ako sayo eh,may bibilhin lang sana ako" Ang wika ni Zeus.At kaysa naman magmukmok ako dito.Mas mabute nalang sigurong sumama ako sa kanya.
" Uo ba..Teka, okay lang ba nakashorts ako? nakapambahay lang ako eh" ang tanong ko dito,dahil wala talaga akong balak pumasok sa kwarto ni Heiross para magbihis.
" Okay na yan! Let's go"Ang saad ni Zeus at mabilis akong sumama sa kanya.
Talagang napaka compatible namin ni Zeus.Para kaming magkapatid.Minsan tinatawagan niya ang asawa niya,at pinakilalala ako nito.
Sobrang namangha talaga ako,dahil napakaganda pala talaga ni Athena.Hindi na ako nag taka kung bakit mahal na mahal siya ni Zeus.Bukod sa maganda na ito halos dyosa,ay sobra pang bait nito.
"Zeus,ayaw ko nang dress! ito nalang crop top at skirt." ang wika ko dito.Dahil bibilhin ba naman niya yung dress na nasa 15k.Nakkaloka ah!
At saka,bakit parang naninibago ako kay Zeus ngayon.Bakit parang mas bumait siya sa akin ngayon?
" Zeus,dimu mo naman kailangang gawin to.Okay ako.Wag niyo akong isipin.Kaya ko pa,para sa pamilya ko ay kakayanin ko." Ang wika ko kay Zeus.
" Pasensya kana talaga Lia kay kuya ah..Ewan ko ba,Haay basta andito lang kami lagi para sayo ah" Ang wika nito sa akin.
***
Akala ko ay derechu pauwe na kami,Pero nagulat nalang ako nang tumigil kami sa Isang kainan.
" Zeus,bakit tayo nandito?" ang takang tanong ko dito.
" Let's have our family dinner" Ang ngiteng wika nito.
" dinner? family? ba-baka magalit lang si Heiross.Uuwe na lang ako.Ayaw kong masira ang family dinner niyo Zeus." Ang wika ko sa kanya.
"Lia,mom and dad are waiting inside,come on..just don't mind him.We have to celebrate your special day" Ang ngiteng wika ni Zeus,so ibig sabihin alam nila? na birthday ko ngayon?
" Hi- hindi na kailangan yun.Masaya na akong mabait kayo sa akin,at tinanggap niyo ako." ang wika ko dito.
" Hey,cut that drama let's go inside" ang wika ni Zeus at hinila na ako papasok.
Pagpasok palang,ay makikita mo talagang medyo mamahalin din ang ganitong klaseng restaurant.May live band pa,pero acoustic lang.Hindi yung maiingay na banda.
Pero agad akong nakaramdam nang panlalambot nang masamang nakatitig sa akin si Heiross.
" Hey,just don't mind him" Ang bulong ni Zeus sa akin.
Kaya agad kaming lumapit sa kanila.
Pilit akong pinapakalma ni Zeus at maski papanu nakatulong ang sense of humor nito.Diko mapigilang mapatawa sa mga joke nito.
" Hi kuya,you seemed surprised.Ofcourse kasali kami we are family too." Ang wika ni Zeus at inilalayan pa talaga akong umupo.Hes so gentleman.
Malayong malayo sa lalakeng nasa katapat ko ngayon!
Kitang kita ko,Ang pagkadismaya nang itsura ni Heiross nang makita niya ako dito ngayon.Syempre,para sa kanya ay katulong lamang ako.Kaya dapat hindi isinasali sa ganito.
Bigla nalang akong natigilan nang marinig ko ang sinasabi nang isang host na nasa stage nitong restaurant.As in nasurpresa talaga ako.Hindi lang ako makapaniwalang ang isang tulad ko ay bibigyan nila ng ganitong pasurpresa.
" I would like to greet our birthday celebrant po ,na andito siya ngayon with her family"Ang wika nang babaeng nagsasalita.
At agad naman tumapat ang spotlight sa akin.Nakakahiya,pero masaya ako sa ginawa nilang to.
Agad naman akong natigilan,nang nagsalita muli ang mga host.
"Ah ayun ba yung si girl na naka white?Wow ang guapo nang boyfriend niya ah,total package teh!" Ang kilig na kilig na wika nang babae,at sumang ayon naman ang isa.
Anu daw? Boyfriend? so napagkamalan pang boyfriend ko si Zeus.
Hindi ko mapigilang mapatingin kay Heiross na ngayon tuloy tuloy ang kain nito.As in walang pakialam.
Agad naman akong nagulat ng bigla nalang nag abot ng regalo si Zeus at sina maam Mildred at sir Abel.Diko mapigilan ang mapaluha sa sobrang kasiyahan.Dahil ito ang unang birthday na nakatanggap ako ng regalo.
"Thank you po ma'am,sir, Zeus.Salamat dito.Hindi na sana kayo nag abala pa po." Ang wika ni Liliana.
" It's your birthday ofcourse your a part of our family now!" Ang wika ni Zeus sa akin.Pero muli itong umusap.Pero hindi sa akin, kundi kay Heiross.
" Oh kuya,hindi mo man lang ba babatiin si Liliana?"Ang tanong ni Zeus sa kanya.
Pero biglang lumapit muli ang mga host sa table namin,at may bitbit itong cake.
Pero ang mas kinakagulat ko,ang pagtanong nito kay Zeus.
Naku naman mga ate! Nakakahiya kay Zeus! Bakit naman,si Zeus pa ang tatanungin nila!
" Hello sir,gusto ko lang pong malaman kung anung wish mo para kay maam." Ang kilig na kilig na wika nang babae Kay Zeus.
Pero hindi pa man nakapagsalita si Zeus ay bigla nalang tumikhim si Heiross.Syempre ang panira nang moment!
" Excuse me,can you just put the cake on the table.And we have to continue our dinner!" Ang mauturidad na wika nito.Oh Diba?delubyo nga laging dala ng lalakeng to!
" ah..ganun Po ba sir..si- sige ho.. pasensya na po.Enjoy po." ang wika nang babae na tila napahiya ito at mabilis din itong umalis.
Sa sobrang asar ko kay Heiross,agad akong tumayo at balak ko sanang mag rest room.
Pero mali ang galaw kong iyon,dahil nakabunggo ako nang isang lalake.At natapon sa damit nito ang pagkain.
" Naku po! Sir, pasensya na Po, pasensya na po talaga,diko Po sinasadya."Ang paghinge ko nang paumanhin dito.
Pero mas matindi pa pala ang bunganga nito,kaysa kay Heiross.
" What the hell!!Are you that stupid?! idiot! Look at what you've done huh? do you know how much this suit I'm wearing no! Do you have any idea if how much it cost huh?! You're such a stupid ,little head!Tumabi ka nga! Tatananga tanga!" Ang mahabang wika ng lalake sa akin.Pero khit ganun pa man,need ko pa ding huminge ng paumanhin.
Nakatulala nalang ako sa sobrang daming masamang salita na sinabi ng lalake sa akin.Parang hiyang hiya ako sa mga sandaling iyon.
Pero nagulat nalang ako nang biglang lumapit si Heiross sa lalake at binuhusan niya ito nang pasta.
" What the hell!" Ang sigaw nang lalake,na agad tinapunan nang tingin si Heiross.
Pero namilog ang mga mata ko,nang hagisan ito nang cheque ni Heiross.
" Ayan! is that enough to pay your f*cking suits? hah? o baka gusto mo pang bigyan pa kita nang bonus!" Ang galit na wika ni Heiross sa lalake, na agad sinugod si Heiross nang suntok.
Pero mabilis kumilos si Heiross kaya agad napatumba ang lalake.
Hindi ko alam,kung anung sinasabi niya dun sa lalake.Pero kitang kita ko ang galit ni Heiross sa kanyang mga mata habang may sinasabi siya sa lalakeng yun.
Nantili akong nakatayo at hindi makagalaw,habang nasa likod ko si Zeus.Pero ganun nalang akong natigilan,nang hinaklit ako ni Heiross mula kay Zeus,at tumingin ito nang masama kay Zeus.At kinaladkad na ako nito palabas.
Hindi ko alam,pero parang nawalan ako nang boses sa mga sandaling iyon.Hindi lang ako makapaniwalang ginawa ni Heiross yun kanina.
" Sakay! I said sakay! " Ang mauturidad nitong wika sa akin.At agad naman akong sumakay.
Dumaan ang ilang minuto,pero walang gustong umimik sa aming dalawa.Pero agad akong nabahala nang huminto ang kotse nito sa isang hotel.
" A- Anung gingawa natin dito?" Ang tanong ko sa kanya.
" maglalaba, siguro!" Ang pabalang nitong sagot sa akin.
" Uuwe nalang ako,a- ayaw ko dito." Ang wika ko sa kanya,at agad naman itong naasar.
" Bakit? you want Zeus to be with you?Kaya mas gusto mong siya ang kasama mo kysa sa akin?" Ang wika niya sa akin.
" Hindi!" Ang sagot ko naman sa kanya.
" Bakit ba takot na takot ka? diba may nangyari na sa atin diba? Anung arte yan?" Ang wika nito sa akin,na agad akong kinakabahan.
Anu kayang binabalak niya?
Pero agad akong natigilan nang may bigla nalang yumakap sa likod nito.
Isang babaeng, sexy matangkad at maganda.At kung hindi ako nagkamali ay ito yung kasama niya nung grandball.
" Hi babe" Ang wika nang babae sa kanya na tila,miss na miss siya nito.Diko alam pero agad akong nakaramdam nang kakaibang kirot sa puso ko.Seeing them together.
Wala akong balak panuorin ang pagkamiss nila sa isat isa.Kaya ba gusto niya akong dalhin Dito? para ipamukha sa akin na may gusto na siyang ibang babae?Na wala talaga kaming chance!
Bakit? di naman ako umaasang magugustuhan niya ako!
Mabilis akong lumabas mula sa lobby nang hotel.At naglakad- lakad ako.Gusto ko munang makapag isa.
At bute nalang,sa paglalakad ko ay may nakita akong Parke.Agad akong umupo muna dun.At madami din namang mga taong nakatambay dun.
At dahil sa dami daming nangyari sa buhay ko ngayong araw,ay naisipan kong tawagan sina nanay at tatay.
Masaya ako kahit papanu, nang marinig ko ang boses nila nanay at tatay.At Masaya nilang ibinalita ang bahay na binigay nila ma'am Mildred at sir Abel.
Damang dama ko ang saya nila nanay at tatay.Siguro dahil sa buong buhay nila ay ngayon lang nila naranasan ang guminhawa.At inaakala talaga nila na bigay iyon nang amo ko.Hindi nila alam,sobra akong nagdurusa sa kapalit nang lahat nang mga yun.
Nakaramdam ako ng pailan ilang na patak nang ulan.Pero natigilan ako,ng biglang nagring ang phone ko.At si Elly iyon.
Sa totoo lang ayaw ko na siyang idamay sa mga hanash ko sa buhay.Kaya mas mabuteng wala na siyang alam.