Chapter 25

2334 Words
Liliana Salazar pov's (The game of Elly) " Akala ko ay hindi kana sasama sa akin." ang wika ni Elly habang nakatuon ang atension nito sa pagmamaneho. " Akala ko nga din eh.Pero bigla ko kasing naisip na nakakamiss din pala ang magtampisaw sa dagat.Kaya ayun mabilis akong nag impake."Ang ngiteng wika ko sa kanya.Kahit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.Pilit ko pa ding ngumite sa kanya. Lumingon lang ito sa akin,at tumitig nang panandalian.Syempre dahil nagdadrive ito. " Ayos ka lang ba?" ang pormal na tanong nito sa akin. " Ako?hahah bakit mo naman natanong yan? syempre ayos lang ako noh." Ang sagot ko. " Okay.Sabi mo eh." ang simpleng wika nito. Nang dumating na kami sa sinasabi niyang beach resort.Ay agad akong nanakbo papasok dun. Grabe ngayon lang ako nakakakita nang ganito kaganda.May mga dagat din sa amin.Pero ibang iba ang mga iyon dito.Para akong inosenteng sobrang manghang mangha sa lugar na ito. Ang dagat ay sobrang blue.Ang linis walang kahit na isang bato sa baybayin nito.Puro buhangin.At ang hotel grabe ang bobongga nang mga iyon.Masyadong magarbo ang lugar na ito.Siguro kasi dahil puro mayayaman ang nagpupunta dito. Agad naman akong natigilan nang may bigla nalang umakbay sa akin. " You like it?" Ang tanong ni Elly sa akin. Agad naman akong napalingon dito. " Uo Elly,Ang ganda ganda dito! Grabe."Ang ngiteng sagot ko sa kanya. " Yes,pinili ko talaga dito para sure akong mag enjoy ka.Pero bago ang lahat halika ka na muna at mag check in muna tayo sa loob.Mamaya na tayo mag iikot." Ang wika ni Elly sa akin. " Elly, gusto kong makita ang sunset mamaya." ang paglalambing ko naman nito. " Okay,no problem." ang ngiteng sagot niya at agad naman akong naexcite. Isang room lang ang kinuha ni Elly para sa amin.Pero dalawa ang kama nun.Wala na kasing available kaya kysa uuwe kami.Pumayag nalang ako sa 2 bedrooms.Kasi sure naman akong wala itong gagawing masama sa akin. " Wow Elly ang ganda dito sa room nato! Tanaw na tanaw ang karagatan.Grabe nakakamangha talaga ang ganda dito.Salamat talaga Elly sa pagdala mo dito sa akin." Ang wika ko kay Elly. " Naku tama na yang pasalamat Lia, Magbihis kana at hihintayin kita sa baba.Palubog na ang araw.Sabay nating panuorin ang sunset." Ang wika ni Elly at agad naman akong sumang ayon. Nagpalit ako nang isang beachdress na kulay puti at bulaklakin ang desenyo nito.Old fashion pero keri lang naman kasi maganda naman yung dress. Nang tumunog ang elevator ay agad akong lumabas dito.Pero ganun nalang akong natigilan nang makita ko si Heiross.Naglalakad ito at nakakapit ang mga braso nang Dennise na yun sa mga braso niya. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanilang dalawa.They are so perfect together.Parehas silang guapo at maganda.Parehas pang matangkad at galing sa high standards na pamilya.Siguro yun talaga ang mga tipo ni Heiross. "Ayan kasi umasa ka sa mga mabulaklak na salita nang lalakeng iyon! Eh di anu ka ngayon?"Ang bulong ko sa aking sarili. Agad naman akong nagulat nang bigla nalang dumating si Elly. " Hey,kanina pa kita hinihintay dun sa lobby.What took you so long?" Ang tanong ni Elly sa akin. " Ha? ihh anu kasi- uhm nagkamali ako nang pindot sa elevator" ang napipilitang ngiteng wika ko sa kanya. " Ikaw talaga,Ang cute cute mo talaga! Halika kana nga." ang hila ni Elly sa akin.At agad naman akong nagpatianud sa kanya. Pagkatapos naming masaksihan ang sunset na iyon.Pakiramdam ko ay kasabay sa sunset na yun ay ang paglubog nang pag asang may chance pa ang marriage na namin ni Heiross. " Lia,kanina ko pa napapansin.Parang bigla ka nalang tumamlay jan?May problema ba?" Ang tanong ni Elly sa akin.Agad naman akong nag isip nang idadahilan. Dahil ayaw ko namang sabihin sa kanya kung anu ang nasaksihan ko kanina. " ha? ihh kasi.. namimiss ko lang sina nanay at Tatay." Ang mahinang wika ko sa kanya. " Gusto mo bang puntahan sila?" Ang tanong naman ni Elly sa akin,na tila naluluhang din ito. Bigla naman akong napatingin sa kanya. " Sana,pero hindi pa sa ngayon.Tatapusin ko muna ang trabaho ko Elly." Ang wika ko sa kanya. " Alam ko na.Halika boodle fight tayo nang puro seafoods.Para mawala na yang lungkot mo." Ang ngiteng wika ni Elly at agad naman akong napangite.Dahil Isa sa mga paborito ko talaga ang seafoods. Kahit anung pagpagaan ng loob ko ni Elly.Ay hindi ko pa din talaga maiwasang maisip ang nakita ko kanina. So andito din pala sila?Agad nalang akong napapikit. " Bakit ba ako nag iisip nang husto? Ihh Anu ngayon kung andito siya? Bakit siya lang bang may karapatang sumaya? Atleast ako andito lang para mag enjoy! Hindi katulad niyang nakipaglampungan pa sa iba!" ang bulong ko sa aking sarili. After naming kumain ni Elly ay tumambay muna kami sa isang parang bar siya.Pero open area ito.Kaya medyo madami dami din ang taong nakatambay dun kasi may live band na tumutugtug dito. Kumuha nang beer si Elly at isang basong juice.At umupo ito sa table namin. " hey,Diba marunong kang kumanta? bakit hindi ka maki jamming? " Ang wika ni Elly sa akin na agad naman akong napailing iling. " Tumigil ka nga Elly! nakakahiya ka!Hanggang banyo lang tong boses ko noh!" ang wika ko dito sabay inum nang juice. Pero sa pag angat nang ulo ko ay bigla ko nalang nakita ang dalawang pares na kanina ko pa iniiwasang masilayan.Pero sadyang nag abot pa din ang paningin namin. Agad naman napatingin si Elly sa akin,na tila nakita din nito ang nakikita ko. At sa pagbalik nang mga mata ko ay bigla nalang bumibilis ang t***k nang puso ko nang magkasalubong ang mga mata namin ni Heiross. Tinignan niya ako with no emotions at ako naman ay nakatitig sa kanya na punong puno nang kirot ang puso ko.Ako ang asawa niya pero ibang babae ang nakasalampak sa kanya ngayon. Narinig ko ang pagtikhim ni Elly,dahilan para mapatingin ako sa kanya. " Ayos ka lang?Gusto mo nabang bumalik sa hotel?" Ang tanong nito.Agad naman akong ngumite. "Hindi,ayos lang ako." ang wika ko sa kanya. " Kapal talaga nang mukha nang lalakeng yan! Gusto ko na talagang bigyan nang Isa yan sa totoo lang!" Ang inis na wika ni Elly sa akin. " Hayaan mo na.Jan siya masaya ihh." ang wika ko sabay inum ulit nang juice.Dahil ang totoo.Sobrang bigat na nang kalooban ko ngayon. " Tss!He's total a jerk!Hayaan mo,akong bahala! Basta sumakay kalang sa lahat.Trust me Lia magugustuhan mo ang larong ito." Ang wika ni Elly sa akin.Na agad naman akong komontra. " Naku Elly,ayaw ko nang away o gulo.Kaya hayaan nalang natin.May karapatan naman talaga siyang makipagdate sa Iba.Kasi hindi naman kami kasal dahil sa mahal namin ang isat isa.Ako ang may kailangan Elly.Kaya hayaan nalang natin." Ang wika ko kay Elly. " At sinong may sabing manggugulo ako? Basta,I want you to trust me on this! Bibigyan ko lang nang leksyon ang g*gung yan!" Ang wika ni Elly at sabay kindat pa nito. Hindi ko mapigilang mapalingun sa gawi nila Heiross at yung Dennise na yun. Mukhang enjoy na enjoy talaga sila sa isat isa. At natigilan naman ako sa palakpakan nang lahat nang tao,nang natapos ang kanta nang isang bokalista.At agad itong nagsalita. " Hello everyone, magandang gabi po sa inyong lahat.We are free to sing with you guys.Feel free po ang mga nais mag jamming.So any one? wants to share a song with us tonight?" Ang wika nang isang vocalista at tila napangite naman ako nang madaming gustong magpresentang kumanta. Pero natigilan ako nang bigla nalang nagsalita si Elly. " Here! My girlfriend really loves to sing.And she wants to sing a song for me tonight." Ang ngiteng wika ni Elly na halos tatadyakan ko na ito sa ilalim nang mesa.Dahil sa mga pinagsasabi nito ngayon. " Huy Elly! anu ba! tigilan mo na nga yan!nakkahiya ka talaga!" ang bulong ko dito. " Oh,hi there.Ang cute naman nang couple nato.And I must say that your boyfriend is too much inlove for you ma'am, because he is really proud of you." Ang wika nang bokalista.Na halos hindi na ako makapgsalita.Dahil sa akin na nakatutuk ang spotlight. " Go babe.." ang wika ni Elly sa akin.Na halos gusto ko na itong hamabalusin. May pa babe babe pang nalalaman! " Humanda ka sa akin mamaya." ang ngiteng wika ko dito.Pero alam niyang masama ang ibig sabihin ko nun. Wala akong nagawa kundi ang tumayo.At umakyat sa maliit na stage.Halos nangangatog ako sa sobrang kaba.Lalo na nang nakita ko kung paanu ako titigan ni Heiross. Para itong nag aapoy sa galit.At tila gusto na itong sumabog.Pero I hate him! naiinis ako sa kanya.Galit ako sa kanya! Kaya tama si Elly,dapat sasakay ako sa laro ni nito.Nang sa ganun patas na kami!Bakit ko nga naman siya iispin,ihh ako nga hindi niya iniisip?Bahala nga siya sa buhay niya! Kasalukuyang nasa stage na ako,at binigyan agad ako nang mikropono nang babaeng bokalista. " Hi anu pong pangalan niyo?Ang cute mo naman ma'am.Grabe bagay na bagay kayo nang boyfriend mo.Baka naman may kamag anak pa yang boyfriend mo ma'am,reto mo naman ako." Ang pagbibiro nito sa akin. " Wala ihh..Nag iisa nalang yang si Elly." Ang sagot ko naman. " Wow,Elly pala name niya.Grabe guapo nang boyfriend mo ma'am.Pero teka bago mo pa ako masampiga dito.Anu nga ulit name niyo ma'am?" ang ngiteng tanong nito sa akin. " Lia po" ang wika ko na agad namang kinikilig ang babae. " Wow,Elly and Lia very meant to be talaga." Ang wika nito.Na agad lang akong napangite. " So ang kakantahin niyo po ba ay idedicate mo ba sa pogi mong boyfriend?" Ang mausisang wika nito na tila kinikilig pa ito.Agad naman akong ngumite dito. " Of course siya lang kasing totoong nagmamahal sa akin." Ang wika ko habang nakatitig kay Heiross. At halos wala itong kurap na tumititig sa akin.At kung nakakasugat lang ang titig.Malamang kanina pa ako duguan dito. Agad tumipa nang piano ang pianista.At inumpisahan na nito ang female key nang "Can you fell the love tonight" It's a classic song.Pero isa iyon sa mga paborito kong kanta.Dahil napakasarap sa taingang pakinggan.Kahit kabado ako ay pinanindigan ko na din ang kalokohang ito ni Elly. Agad ko namang narinig ang boses ni Elly. " Go babe,I love you!" Ang sigaw nito.Na halos nag paakyat lahat nang dugo ko sa aking mukha.nang marinig ko ang mga hiyawan nang lahat. There's a calm surrender To the rush of day When the heat of the rolling wave Can be turned away An enchanted moment And it sees me through It's enough for this restless warriors Just to be. with you.. And can you feel The love tonight.. Tila napakatahimik nang lahat at tanging boses ko lang ang tangi kong naririnig sa mga sandaling iyon. Nakita ko kung paanu ako titigan ni Elly. At lalong lalo na si Heiross na tila napatitig ito nang husto sa akin. Hindi ko alam kung paanu ko natapos ang kantang iyon.Pero narinig ko nalang ang hiyawan nilang lahat at palakpakan. " Wow! that was the sweetest voice I've ever heard.No wonder! kung bakit Inlove na Inlove si sir Elly sayo Lia.Maganda na magaling pang kumanta!" ang wika nang bokalista at agad lang akong ngumite at nagpasalamat. Mabilis akong inilalayan ni Elly nang makababa ako nang stage. " Bwecit ka! pinahamak mo ako!" Ang bulong ko dito.At ngumite lang ito at bumulong din. " Ang galing mo.Im so proud of you" ang bulong nito na agad naman akong napangite. " Halika na nga! bumalik na tayo sa room natin! nakkahiya na jan." ang wika ko at naglakad na kami pabalik sa hotel. Kinabukasan,maaga akong gumising at ganun din si Elly.Niyaya ko siyang mag swimming nang maaga kasi ayaw ko sa tanghali dahil sobrang tirik ang init.At Isa pa ayaw kong makitang muli ang mukha nang dalawang taong ayaw kong masilayan. Nang makababa na ako mula sa hotel room ay ganun nalang akong titigan ni Elly.Naiilang ako sa bawat titig nito sa akin. Nakasuot kasi ako nang see through na dress at syempre mag suswimming kaya naka two pieces ako.Joke lang guys. Shorts at spaghetti blouse lang suot ko.wala akong pang two piece noh! baka habulin lang ako nang mga isda sa dagat. " Lia,pwede bang mag t-shirt ka nalang.Masyado atang hapit ang pang itaas mong kasuutan.Baka mabastos kapa sa labas." Ang wika nito sa akin. "anjan ka naman ihh,Saka maaga pa,sure akong wala pang mga tao dun."Ang sagot ko naman. Mabilis kaming nanakbo papunta sa dagat nang bigla nalang may narinig akong tumawag sa akin. " Lia! " ang baritonong boses nito. " What the hell are you doing here?!" Ang galit na tanong nito. Agad ko lang tinignan nang masama ito. " ininvite ko siya!Gaya mo,ininvite mo din si Dennise Diba? to have company right? Kaya I invited Lia! Besides,she is just your maid,right?Kaya she had the right to go with me!Bakit may problema kaba dun Heiross?" Ang tanong ni Elly dito. " Eh kung sabihin ko sayong meron? huh?" ang sagot naman ni Heiross dito. "Then! problema mo na yan! wag mo kaming idamay! why don't you go to Dennise instead! kaysa mangialam ka sa A amin ni Lia! tss!" Ang wika ni Elly at agad niyang hinawakan ang aking mga braso at hinila na palayo kay Heiross. Hindi ko mapigilang mainis talaga kay Heiross! nakakinis talaga siya!Kapal niyang magtanong sa akin! Kaya dinaan ko nalang lahat sa paglanguy.Nag paligsahan pa kaming lumanguy ni Elly.Hanggang sa kami ay mapagod. Masaya ako.At sobrang nag enjoy.Pero may puwang talaga sa puso ko na napakahirap ipaliwanag. Masaya kaming umahon ni Elly sa dagat.At nagdecide na kaming kumain muna. Pero ganun nalang akong natigilan nang bigla nalang bumulagta si Elly sa buhanginan. Sobra akong nashocked.Nang makita ko ang dalawang lalakeng armado at sapilitan nila akong isinama.Habang ang Isang lalake ay nakatutok ang baril kay Elly. " Elly! kuya wag niyo po siyang saktan! Elly!" Ang sigaw ko at iyon na ang huli kong natandaan.Dahil nawalan na ako nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD