Chapter 17

1620 Words
Liliana Salazar pov's (The Transformation) "Sure ka, Elly,ito ang isusuot ko?parang...parang masyadong daring kasi ito.Baka magmukha naman akong dancer sa cabaret nito" ang wika ko kay Elly na ngayon ay nakangiteng nakatingin sa akin. At agad naman akong nakaramdam nang hiya,when someone approaching me.. " Yes ma'am,that dress is really suits you better,you have that gorgeous body to show it up," ang wika nang lalake na sa tancha ko ay siya ang nagmamay ari nang boutique na ito. Agad akong napatingin kay Elly na ngayon ay masamang nakatingin sa lalakeng nagsasalita. " What did you just said? do I even asked your f*cking opinion? " ang seryosong tanong ni Elly sa lalake. Agad akong nabahala..Galit ba si Elly? " What,I'm just giving her a compliment," Ang wika naman nang lalake.Pero ganun nalang gulat ko nang bigla nalang siyang suntukin ni Elly. " Elly!" ang sigaw ko dito,At mabilis ko itong hinawakan sa kanyang braso.. " Piliin mo ang babastusin mo g*gu!" Ang sigaw nito. " You're crazy Gael! Hanggang ngayon ay baliw ka pa din!" Ang sagot naman ng lalake. Hindi ko alam,pero mukhang magkakilala na sila.Muli sana itong susugurin ni Gael pero mabilis ko itong nahila. " Elly,tama na.. please" Ang pakiusap ko dito at agad naman itong kumalma. Nang makalabas kami sa boutique na yun, mabilis naglakad si Elly, papuntang parking at ako naman ay naghahabol sa mga hakbang niya. Dahil sa kakahabol ko sa kanya,Hindi ko namalayan ang sasakyan na paparada,bigla itong bumusena ng pagkahaba haba. Agad akong napatigil at napapikit nalang ako,dahil akala ko ay mabubundol na ako sa mga sandaling iyon. Naibuka ko ang aking mga mata,nang marinig ko ang boses nang isang lalake. " What the hell! are you trying to go to death?! pwes wag kang mandamay!kung gusto mo tumalon ka sa building! para wala kang maabala! Stupid!Tumabi ka jan, idiot!!" Ang galit na galit na wika ng lalake,na halos matulala ako sa mga pinagsasabi niya sa akin. Pero bago pa ako makakilos,ay bigla ko nalang nakita itong lumagapak sa lupa! At ganun nalang akong napatuptup sa aking bibig,nang makita ko si Elly na walang awang pinagsusuntok ang lalakeng iyon. Hindi ako makagalaw,Ni hindi ako makapgsalita,nakita ko kung paanu duguan ang lalakeng nanigaw sa akin.Halos hindi na ito makagalaw sa sobrang bugbog sarado nito. At naramdaman ko nalang ang mga kamay ni Elly at mabilis akong hinila papasok sa kotse niya. " Let's go" ang mauturidad na wika nito.Duguan ang kanyang kamay,at hindi ko maipaliwanag,sobra akong natatakot sa kanya ngayon,dahil ngayon ko lang siya nakitaan nang ganitong side...He's gentleman at mabait,pero nakakatakot ito pag nagagalit. Hindi padin ako makaiimik,at hindi ko din alam ang sasabihin ko.Naninimbang pa ako sa kanya, dahil natatakot na ako sa kinikilos niya. " Don't give me that look Lia,I know what's on your mind" Ang wika nito,na agad lang ako nag iwas nang tingin. Bigla nalang nitong hininto ang kotse. " Look,it's not what you think,I'm not that kind of person,I just hated what that asshole told you! Hanggat nandito ako Lia,I wouldn't let someone lower your standards! I will protect you! kahit sino pa iyon!" ang wika nito sa akin.Na agad naman akong nagulat. " ba- bakit mo naman gagawin iyon?"Ang takang tanong ko sa kanya. " Tinatanong paba yan Lia?, Isn't it obvious? Look, I like you..I don't even know why,but damn! I really, really like you Lia,No pressured,I just want you to know about my feelings,And please dont bother thinking about what I said,having you as my friend is really good enough for me.." Ang wika nito sa akin.na agad akong natulala. Hindi ako makapaniwalang gusto niya talaga ako,hindi ko maexplain ang aking nararamdaman,parang may parte sa akin na masaya ako,dahil may nagkakagusto din pala sa akin.. At may parte din sa akin na nakakadismaya,dahil Pagmamay ari na ako nang iba,na kahit kailan ay hindi ako magugustuhan. Umuwe ako sa bahay,at nagpahinga muna ako nang bahagya, mga ilang oras bago ako gumayak,para sa ball na yun. Ayaw ko naman sana talagang sumama dun,kaso lang ang kulit ni Elly,sinakyan pa talaga ni Zeus. Kasalukuyang nasa couch ako,nang bigla ko nalang naalala ang aking mga magulang.Hindi ko man lang sila natatawagan.Hindi pa kasi ako nakakabili nang phone.Siguro sa sunod na linggo ay bibili na ako,para makamusta kuna sila nanay at tatay. Agad naman akong natigilan nang marinig kong may kumatok sa pintuan.Mabilis akong tumayo at pinagbuksan ko iyon.At si ma'am Mildred pala ang kumatok. " Ah..kayo po pala ma'am,may iuutos po ba kayo?" ang tanong ko Dito. " No,Wala ijah..I just want to talk to you" Ang wika nito.At agad ko itong pinpasok. " Ijah,I just let you go with Gael, because I trusted you.At kahit papanu gusto kong maexperience mo ang mga ganitong occasion.I know that Heiross is not treating you well,and I'm sorry for that..But don't forget ijah, that you are his wife.You should know your limits" ang seryoso wika nito sa akin,at lubos ko namang naintindihan iyon. " Naiintindihan ko po, maam.At wag po kayong mag alala,hinding hindi ko sisirain ang tiwala niyo" Ang wika ko dito na agad naman itong ngumite. " I know ijah..I know you're a decent woman..O siya,maligo kana at maya maya lang parating na yung mag aayos sayo." Ang wika nito at agad naman akong tumango. *** Natapos akong ayusan nang isang stylist,ay agad akong napatitig sa aking imahe sa harapan nang salamin.At kahit ako,ay hindi makapaniwala sa sobrang kakaibang transformation na ginawa sa akin nang stylist na yun. Nagmukha akong artistang aatend sa Isang prestiyosong parangal.Ayaw kong magbuhat nang sarili kong bangko.Pero bubuhatin ko na din talaga. "grabe sobrang ganda ko". ang bulong ko sa aking sarili. Agad naman akong natigilan nang tumawag na si manag Susan sa akin. " Lia,nandito na si Gael,naghihintay na sayo sa baba" ang wika ni manang Susan. " Opo..bababa na po ako" Ang wika ko naman dito. Nang makababa na ako,ay agad kong nakita si ma'am Mildred kasama si Elly,at nang maramdaman nila na papalapit na ako,ay bigla nalang umusap si mam Mildred. " Wow...is that you Lia? grabe napakaganda mo ijah,you look beautiful in that dress,no..you are perfect" ang galak na wika ni mam Mildred,na agad akong nagpasalamat. Pero mas natigilan ako nang makita ko si Elly,na titig na titig ito sa akin.Hindi siya kumikibo,bagkus he's staring at me full of intensity na halos natutunaw na ako. " Uy..Elly..uy..pangit ba?Hindi mo ba gusto? baka mapapahiya ka dun mamaya-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita. " No...you look perfect tonight.. Actually you're the most beautiful girl I've ever seen.." Ang wika nito sa akin,at agad naman akong napahiya,dahil sinabi iyon ni Elly mismo sa harapan ni mam Mildred. "Uhm...halika na..ba-baka mahuli na tayo" ang pag iiba ko nang salita.Dahil sobrang naiilang na ako sa mga sandaling iyon. " Gael you take good care of Lia,bring her safe and whole"Ang wika ni mam Mildred,at agad itong tumingin sa akin. Tumango na lamang ako,bilang pag sang ayon sa nais niyang iparating sa akin. Nang dumating kami sa venue,ay agad akong kinabahan,dahil sobrang ganda nang lugar na pinuntahan namin,masyadong gayak na gayak,at pati mga taong nagpapasukan sa loob nang hall ay halos lahat engrande ang mga kasuutan. " Hey..don't be nervous,ikaw ang pinakamaganda sa kanilang lahat." Ang bulong ni Elly sa akin.. Hindi ko maiwasang makaramdam nang pagkailang sa twing tumatama ang balat nito sa aking likod. " Elly- umuwe nalang kaya tayo.. parang hindi talaga ako bagay dito ihh.." Ang Sabi ko kay Elly. " Hey..I told you,I'm just right here..halika na,let's get inside...relax Lia...just enjoy the night...come on" Ang wika ni Elly sa akin,kaya wala na akong nagawa kundi ang humawak sa kanyang braso. Nakasuot ako nang isang back less long gown na kulay silver at may shimmering ito,hindi naman sobrang shimmer enough lang para bumagay sa style nang gown. Fitted iyon,sa aking katawan,at bagsak iyon pababa,na may slit sa kanang hita ko. At ito ang pinakaunang pagkakataon na nagsuot ako nang ganito sa tanang buhay ko,kaya ganito nalang ang naramdaman kong pagkailang. Lalo na nung pumasok kami sa loob,hindi ko alam na madami palang nakakilala kay Elly dito,kaya mas lalo lang akong nakaramdam nang hiya. At nakita ko kung paanu nila ako pasadahan nang tingin.Mga tingin na tila hinahanap nila sa aking pag iitsura kung bakit ako ang kasama ni Elly ngayon, malamang sinasabi nilang hindi kami bagay.. Naramdaman ko naman ang mahigpit na pagkakapit ni Elly sa aking baywang,at bumulong ito. " Smile baby..it's okay you're with me.." Ang bulong nito na agad naman akong napangite. Nang makaupo na kami sa isang table,agad nagpaalam si Elly para kukuha muna nang drinks,kaya hinayaan ko nalang ito. Nang makabalik ito sa table namin,mabilis akong tumayo at kinuha ko agad ang isang basong bitbit niya,hindi ko mapigilan na maglaway sa inuming iyon.Kulay blue kasi iyon at parang ang sarap sarap tingnan. Pero sa hindi sinasadya,bigla akong napalingun sa likod ko,pero ganun nalang ang kabang naramdaman ko,Ang pintig nang puso ko ay tila ba parang tambol,nang magkasalubong ang aming paningin. It's him...it's Heiross..my- my husband.. Pero mabilis akong nag iwas nang tingin dito,nang maalala ko ang ginawang paglunod niya sa akin.Hindi ko alam pero sobrang laki talaga ang dulot sa akin nang ginawa niyang yun. Nakikita ko kung paanu niya ako tinitingnan,at ang masaklap pa ay magkalapit lang kami nang table. Kung nakakasaksak lang ang titig.Siguro ay kanina pa ako 50- 50 at kung samain pa,ay baka kanina pa ako pinaglamayan sa paraan nang pagtitig nito sa akin. Alam ko galit siya,dahil lumabas ako nang bahay,Ang gusto lang niya kasi,ay siya lang,o baka galit siya sa akin dahil baka ipagkalat kong asawa niya ako.O baka galit siya dahil hindi ako bagay dito,dahil para sa kanya ay isa lamang akong katulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD