Chapter 5

1535 Words
Liliana Salazar pov's (The new journey) Ang hirap talagang makapasok nang tarbaho lalong lalo na kapag undergrad ka lang lahat nalang nang discrimination ay matatanggap mo. Kailang kailangan ko pa naman nang tarbaho lalo na ngayon na may sakit si nanay kahit man lang sana pang araw araw ay makapag share ako sa gastusin dahil medyo may pagkamahal din ang mga gamot ni inay. Dalawa kaming magkapatid pero pinili ng ate ko ang mag abroad at dun nakipagsapalaran.Kaya tanging kami lang nina nanay at tatay ang magakakasama dito sa aming barung barong. Nagpapadala naman ang kapatid ko buwan buwan ngunit hindi pa din ito sapat dahil na nga din sa sobrang mamahal nang gamot ni inay.Kaya napilitan akong maghanap nang tarbaho. Pero kung san san na ako naghanap at nag aapply nang tarbaho ngunit wala talagang tumanggap sa akin. Mahirap na nga ang buhay pati paghahanap nang tarbaho ay talagang dadaan kapa talaga sa butas nang karayum. Nga pala ako si Liliana Salazar dalawampung taong gulang katamtaman lang ang tangkad ko,mahaba ang aking buhok,kayumanggi ang kulay ko at hindi ko nga alam kong maniniwala ba ako sa mga sinasabi nang iba na medyo may hawig daw ako kay Kristine Hermosa nung kabataan daw ng nasabing artista.At ako daw ang maitim na version nito ewan ko basta yun ang sabi nila. Pero wala naman akong pakialam kong anu itsura ko ni pagsuklay nga diko na nagawa pati pagpagupit hindi ko na din naintindi.Dahil Isa lang naman ang gusto ko ang makapagtrabaho at matulungan ang nanay ko na may sakit. Isang araw, dumating ang kapitbahay namin galing Maynila.Dito kasi kami naninirahan sa Toledo Cebu maayos naman sana ang buhay namin dito mahirap nga lang talaga pagdating sa financial dahil na nga sa mga maintenance ni inay.Lalong lalo na sobrang minalas pa ako sa paghahanap nang tarbaho. Kaya nung inoperan ako ni Aling Clara na may tarabho daw sa Maynila hindi na ako nag dalawang isip at pumayag na agad ako sa inoper niya dahil sa sobrang pagnanais kong magkatarabho na agad. "Anak, nagpapadala naman ang ate mo yun na lamang pagkakasyahin natin.Hindi mo namang kailangang lumayo pa anak matatanda na kami ng tatay mo." Ang wika ni nanay sa akin. " Nay,hindi po sasapat sa atin ang pinapadala ni Ate dahil kailangang bilihin lahat nang gamot niyo pangako ko po senyo nay tay,makaipon lang ako nang pang negosyo natin dito uuwe agad ako.Sige na naman po nay,tay.Baka kasi nasa maynila din talaga ang swerte ko sa tarbaho." Ang wika ko kina nanay at tatay na ngayon ay naging emosyonal na ang nanay ko. " Anak kailangan mo ba talagang gawin ito? pasensya na kayo mga anak kung kayo ang napipilitang sumalo sa obligasyon ko ayaw ko man kayong lumayo sa amin pero may mga sarili nadin kayong pag iisip.Sana nga lang anak kahit malayo kayo ay palagi niyong iingatan ang mga sarili niyo." Ang naluluhang wika ni itay. Na agad ko naman itong niyakap at ganun din si Nanay.Buo na ang aking pasya at yun ay ang sasama kay aling Clara at dun ako makipag sapalaran sa maynila. At dahil wala kaming pera sinangla muna ni itay ang kalahati ng sakahan namin para daw may panggastos ako pagdating sa Maynila.Kaya pipilitin kong makapag ipon agad dahil kailangang kong tubusin ang sakahan namin yun nalang kasi ang meron sina Inay at Itay. Lumuwas kami ng maynila at on the spot gaya ng sinabi ni Aling Clara agad agad ay may tarbaho na ako. " O paanu Liliana,iiwanan na kita dito kina Dr.Sanchez bahala kana dito ah." Ang paalam ni Aling Clara sa akin pagkatapos niya akong ipinakilala sa amo ko. " opo maraming salamat po ulit aling Clara." Ang wika ko dito sabay dala ng aking mga gamit sa maids quarters. Pero ganun nalang ang gulat ko ng may biglang yumapos sa akin.Agad akong nanlaban at kagaya ng turo sa akin ni itay sisipain ko daw iyon sa masakit na parte ng Isang lalake. At yun nga ang ginawa ko.Labis man akong kinabahan pero kailangan kong lakasan ang loob ko para makalabas ako sa bahay na iyon at baka nasa labas pa si Aling Clara. Agad napadaing ang lalake at napahiga ito kaya agad kong kinuha ang aking bag at mabilis akong nanakbo palabas sa pag asang nandun pa si Aling Clara pero sa kasamaang palad ay wala na ito. Kahit ganun pa man hindi ako tumigil sa pagtakbo baka habulin ako nang hayup na amo na yun at baka anu pa ang gagawin nito sa akin. Ang masaklap ay wala man lang akong Cellphone dahil iniwan ko ang phone kina nanay at tatay nang sa ganun sana ay matatawagan ko si Aling Clara. Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang paanu ko matawagan si Aling Clara? San na ako nito ngayon? Gulong gulo ako kung san at paanu na ang gagawin ko dahil sa unang araw pa lang ay minalas na naman ako akala ko pa naman ay dito sa maynila matatagpuan ko ang aking swerte mas malala pa palang magaganap sa akin dito. Dahil sa sobrang pagod at init ay bigla nalang akong napatigil sa isang hindi ko alam na lugar basta nakita kong may security sa tapat ko kaya kampante na ako may tutulong sa akin kapag nasundan ako nang hayup na yun. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dun sa sobrang pagod.Nagising nalang ako na may tumatapik sa aking pisnge.. " ineng gising." ang wika nito na agad naman akong nagmulat. " Naku- pasensya na ho kayo,nakatulog ho ako dito- Anu ho kasi ahm.." Ang nauutal na wika ko dahil sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kong san ako pupunta. " Nawawala kaba ineng?"Ang tanong nang babae na siguro ay nasa 50 anyos na ito. " ha?anu po kasi- " Ang wika ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kinuwento ko lahat sa kanya nang nangyari sa akin at nakita ko sa kanya ang labis na pagkahabag sa akin kaya nakiusap siya sa kanyang amo na baka pwede akong magtarbaho sa kanila maski isang taon lang dahil kailangan kong makaipon para sa lupang naisangla ni itay at pamasahe ko na din pauwe. Ayaw kong sabihin kina nanay at tatay ang nangyari sa akin dito at lalong hindi ako hinge ng tulong kay ate. Dahil sa awa ni Manang Susan sa akin nakiusap ito sa kanyang amo at sa kabutehang palad ay pumayag naman ang mga ito kaya lubos lubos ang pasasalamat ko kay manang Susan,dahil kung hindi dahil sa kanya siguro hindi ko alam kung san ako pupulutin ngayon. Masasabi kong mabait naman din talaga sina ma'am Mildred at Sir Abel,kahit papanu maski di nila ako kilala nagtiwala pa din sila sa akin.Sinabi ko na din sa kanila ang sitwasyon nang pamilya ko kaya sinabi ng mga ito sa akin na wag daw akong mag alala dahil tutulungan daw nila ako. Kaya minabute kong ipinalista lahat kay manang Susan ang mga dapat gawin ko sa bahay na iyon.Ayaw ko kasing mapunaan ako na walang alam at tatamad tamad. Kaya ang resulta ginabi na akong natapos pinag aralan ko lahat nang pasikot nang bahay ng sa ganun kinabukasan ay magagawa kong maayos ang aking tarbaho. Pinatay ko na din ang ilaw sa kusina, para hindi masyadong maaksaya sa kuryente.Maliwanag naman kahit papanu dahil sa liwanag nang Ilaw sa salas. Papasok na sana ako sa loob nang bigla nalang nakarinig ako nang kaluskus agad akong natigilan at hindi makakilos nang makita ko ang isang guapong lalake na kumuha nang baso.At akmang kukuha na sana ito nang tubig sa ref ay bigla nalang itong napamura dahil sa sobrang gulat ng napatingin siya sa gawi ko. " Jesus Christ! Who the hell are you?" Ang gulat na gulat na sigaw nito sabay bunot nang baril nito.Hindi ko alam pero halos nangatug ang buong laman ko nang makita kong itinutok niya iyon sa akin. " T- Teka lang ho,h- hindi po ako magnanakaw sir..A- ako po si Liliana ang b-bago niyo pong kasambahay!" ang nangangatog na wika ko sa kanya. " Bagong kasambahay? kailan pa? Atsaka bakit ganyan ang itsura mo? para kang ghost na Ewan! hay naku si mommy talaga kung sino sino nalang ang tinatanggap!" Ang wika nito sabay balik nang baril nito sa kanyang tagiliran at kumuha nang tubig sa loob nang ref. Diko mapigilang mapatitig dito bukod kay Lee Mhin ho na nakikita ko sa tv ay totoo pala talagang may guapong lalake sa personal?Kaso lang nakakatakot ang isang to napakasungit! Agad naman akong napagitla nang nagsalita itong muli. " Eh Anu pang ginagawa mo jan? Lumayas ka nga sa harapan ko! tubig nalang nawawalan pa akong ganang uminum dahil sa sama nang pagmumukha mo! " ang wika nito at mabilis naman akong kumaripas nang takbo papuntang maids quarters. "Grabe naman yun ganun ba talaga ako kapangit?" Ang wika ko sa aking sarili habang dahan- dahan akong humarap sa salamin. Pero pati ako ay tila natatakot din sa itsura ko nang makita ko ito sa salamin hay naku!kaya naman pala galit na galit yung lalake sa akin nakakakilabot nga naman pala ang buhok ko parang pugad nang lawin!Haay kainis! Pero teka,sino nga ba ang lalakeng yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD