Liliana Salazar pov's
(The plan
Kasalukuyan kaming nasa supermarket at namimili kami kasama ko si ma'am Mildred.
Pagkatapos naming namili ay inaya niya akong kumain,at tuwang tuwa naman ako dahil sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapasok sa ganung klaseng kainan.
Pero nang saktong patapos na kaming kumain..Ay natigilan nalang ako nang bigla nitong inofer muli sa akin ang proposal ni sir Abel.So kaya pala ako pinakain nang masarap dahil sa proposal na naman pala ang ending.
Ilang ulit akong tumanggi,pero tila desidido talaga akong ipakasal sa kanilang anak.Dahil ikuwento ni ma'am Mildred Ang naging buhay nila.
Pinaiintindi niya sa akin ang naging childhood ni Heiross at buhay na kinalakihan nito,kaya daw ganun ang ugali nito.
Hindi ko alam,pero para akong naantig sa mga nkwento ni ma'am Mildred sa akin.At nakikita ko si nanay sa kanya,na gagawin lahat para sa mga anak.
" pero ma'am,bakit naman ho ako? bata pa po ako..ni hindi pa nga ako nagkaka boyfriend" Ang wika ko dito.
" Dahil alam kong mabuteng bata ka,at magiging mabuteng asawa ka kay Heiross,alam ko may ugali si Heiross,but trust me mabait ang anak ko.At kagaya nang sinabi ni Abel,kapag Isang taong ay wala pa ding pagbabago,palalayain ka namin,at ibigay ang dapat na para sayo." ang mahabang paliwanag ni ma'am Mildred sa akin.
Bigla akong natahimik at napa isip.. Siguro hindi naman ako papatayin ni Heiross kapag papayag akong magpakasal dito,at sa panahon ngayon,dapat utak na ang paganahin..Uo ayaw kong ibenta ang sarili ko,pero paanu kong ito lang ang paraan para gumaan ang buhay nila nanay at tatay?
At Isa pa,Isang taon lang naman, kakayanin ko na iyon.bahala na..
Nang sinabi ko kay ma'am Mildred ang naging sagot ko ay agad itong napayakap sa akin sa sobrang tuwa,at pasalamat.
At dahil sa kanyang lubos na kasiyahan dinala ako nito sa Isang salon at pinaayos ang aking buhok,pati mukha ko pina facial na din niya ito.
At pinagshopping pa ako nito nang madaming gamit tulad nang mga damit,pabango,bag ,sapatos at iba pang mga personal hygiene na needs nang isang babae.
Hindi naman sa ambisyosa ako,pero ang sarap pala sa pakiramdam kapag ganitong may pera ka,Yung tipong nabibili mo lahat.Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatanggap nang ganitong klase kadaming pinamili.
Pero hindi ko naman pinangarap na maging mayaman talaga,gusto ko lang mabigyan nang magandang buhay sina nanay at tatay.
Kaya lahat nang gagawin ko ay para sa kanila lamang.para sa kaginhawaan nang aking mga magulang.
Nakauwe kami nang bahay na tila gulat na gulat pa ang mga ito sa aking bagong anyo ang mga kasamahan kong kasambahay pati si manang Susan.
" Aba,Ang ganda ganda mo pala talaga ijah,bagay na bagay sayo ang bagong kulay nang buhok mo at haba." Ang ngiteng wika ni manang sa akin,na tila nahihiya naman ako.
" uo nga...iba pala talaga itsura mo kapag naayusan,hindi ka kasi ata nagsusuklay man lamang Lia... at saka may kahawig ka eh...teka iisipin ko ha,Tama,kahawig mo yung, sikat na artista nung 90s nung kapanahunan ko..sino nga ba iyon?" Ang wika naman ni Tina na Isa sa mga kasamaan ko dito.
" Kristine Hermosa.." ang wika ni Manang Susan..
" uo yun...kahawig na kahawig mo..medyo magpaputi ka na nga lang nang kunti" ang biro nito sa akin.
" tss! igagaya mo pa sayo yang si Lia,eh halos nauubos sweldo mo sa kakabili nang peeling lotion,Wala namang epekto!" ang wika ni Manang Susan kay Ate Tina.
Wala akong nasabi kundi ang ngumite nalang nang mapait nang palihim dahil alam ko ang magiging kapalit sa pagbabgong anyo na ibinigay sa akin ni ma'am Mildred.
" Oh nga pala,Tina ihatid no muna to kina Heiross,andun sila sa may swimming pool,may bisita siya kaya pakibilisan mo nalang,Alam mo naman yun" Ang wika ni Manang Susan kay Ate Tina.
" Ngek! dipa tapos yung pinaplancha ko manang,si Lia nalang total wala pa naman siyang ginagawa." ang wika ni Ate Tina,na hindi naman ako makaangal.
" Okay lang ba sayo ijah? kasi kung hindi ay ako nalang-" Ang wika ni manang na tila nag alangan na utusan ako papunta kay Heiross dahil alam niya ang labis na takot ko dito.
" Ako na ho..okay lang po" ang mahina kong wika at agad kong dinala Ang isang tray at naglakad papunta kina Heiross.
Hindi nila namalayan ang pagdating ko,pero Agad akong napatingin kay Heiross na siyang nakatitig naman sa akin.Hindi ko mabasa kong anu ang nasa isip nito,pero mukha pa din itong asar na asar sa akin.
" Uhm- sir..pu- pulutan niyo po" ang nauutal na wika ko dito,at agad kong inilapag ang tray sa lamesa.At pakiramdam ko ay natutunaw na ako ngayon sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin.
Pero minabute kong iayos ang aking sarili,At tinignan ko naman ang mga kasama nito,na tila namumungay ang mga matang nakatitig sa akin.
" Oh my...I never knew there's an angel living in your house Heiross!" ang wika nung lalakeng akala mo ay Hollywood star,grabe Ang gagwapo naman nila, parang mga napapanood ko lang sa tv,tapos ngayon nasa harapan ko na.
" yeah I totally agree,hi I'm Oliver..im single" Ang wika naman nung Oliver at sabay kindat pa nito sa akin at ngumite,at mas lalo pa itong gumagwapo dahil sa pantay pantay na mga ngipin nito.
Bigla tuloy akong nakaramdam nang hiya,dahil ito ang unang pagkakataon na may nakakapansin sa akin
" I'm Lewis! and I can give you a bright future,and a better tomorrow just name it.." Ang banat naman ni Lewis at mabilis inabot ang aking palad,at hinalikan niya pa iyon
Para akong naninigas sa ginawa niyang yun,dahil buong buhay ko,ay ngayon lang may nakahawak sa aking mga kamay at hinalikan pa talaga.
Para akong ntutulala sa kanilang dalawa,Hindi ko alam paanu sila kausapin,Dahil mga mukhang mga lasing na din ang mga ito.
Pero kung gaanu ka lamig nang mga mukha nila para sa akin ay siya namang init nang dugo ni Heiross sa akin,na ngayong nakatingin sa akin nang walang kaemo emosyon.
" Huy tigilan niyo na nga yan,bata pa yan! baka women's desk ang aabutin niyo!" ang wika ni Heiross sa kanila at pinaalis na din ako agad.
Mabilis akong nanakbo at pumasok sa loob ng CR,agad akong napatitig sa aking sarili.Ganun naba talaga ako kaganda ngayon?para pansinin ng mga kaibigan ni Heiross?
Pero grabe,Wala man lang talaga akong dating kay Heiross,Ni hindi man lang ba niya napapansin ang bagong hair ko?Grabe talaga ang kagaspangan nang ugali.Haay naku Heiross Dela Serna!ng lalakeng nakatadhanang maging asawa ko.
Nang makalabas ako sa loob ng CR,Agad kong nakasalubong si Ate Tina at sinabi nitong pinapapunta daw ako ni ma'amildred sa library nito.At agad naman akong pumunta dun.
At dun,kinausap niya ako about sa plano,Dahil alam din niyang hindi magpapakasal sa akin si Heiross kapag basta lang niya utusan ito.
Kaya lumatag ito ng mga plano,na labis ko na namang ikinabahala ng husto.
Hindi ko alam kong magagawa ko ba iyong ng maayos,pero nandito na to,kaya bahala na si batman.
Nangako naman sa akin sina maam Mildred at Sir Abel na sila na daw bahala sa lahat,all I need is to follow the plans.At magiging secreto daw ang plano na ito,hanggang sa umabot ang isang taon.
Kung bakit ba kasi sa tanda na nang lalakeng iyon ay,hindi pa din nakakapag move on sa kanyang first love.
At naniniwala akong maski limang taon pa ata ay hinding hindi ako matutunang mahalin ni Heiross.Kaya okay lang,dahil kahit mahirap man itong gagawin ko ay maahon ko naman sa hirap ang mga magulang ko.At yun lang ang mahalaga sa akin.
Isang taon lang naman,at mabilis na iyon.
Aminin ko,na attract din naman ako kay Heiross,dahil sa sobrang guapo nito,parang korean star na pinaghalong Hollywood star ito,Basta guapo talaga ito matangkad pa.
Ni hindi mo nga mapagkamalan na 36 years old na pala ito,kung akalain mo ay para lang itong nasa kanyang 20s.
Pero sobrang turn off ako sa ugali,napakagaspang.Kaya ang lahat nang to ay trabaho lang.At wala nang iba.