AFTER THE THREE HOURS OF SITTING, signing the documents, finally and it is their lunch break. Kahit papaano ay na-clear ang utak ni Silas. ‘Ni hindi pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi, ang pamba-blackmail sa kanya ni Sinas kaninang umaga, ang minamahal niyang sports car at ang pagpunta ni Natsumi sa kanyang opisina.
Natapos na siya kapipirma sa mga ilang dokumento na nakatambak sa kanyang office table. Ang kailangan na lamang niyang gawin mamayang alas tres ng hapon ay i-meeting ang isang bigating client niya.
He was an Architect graduate. Hindi niya binitawan ang propesyong iyon hanggang ngayon. He even made a place for it inside the company and because of it, he was not boasting though, he became famous and their company because of his plans and designs.
Pinag-aagawan siya ng kaliwa’t-kanang mga bigating kliyente sa loob man o sa labas ng bansa.
Mas lalo sana silang swak ni Sinas kung engineering ang kinuhang kurso nito noon, ngunit hindi gusto ng kanyang kapatid ang propesyong iyon. Mas gusto nito ang mapabilang sa larangan ng medisina. Kunsabagay, kahit papaano naman ay may lugar sa kumpanya nila ang natapos ni Sinas. Nagtapos ito ng MedTech. Though, MedTech and Pharmacist were different field, isa ang kumpanya nila sa pag-supply ng homeopathic medicine sa loob at labas ng bansa.
Nang maipahinga niya ang kanyang mata, utak, at kamay, nagdesisyon na siyang lumabas ng kanyang opisina dala ang kanyang cellphone, wallet, at susi ng sasakyan.
“Damn it,” usal niya nang maalala na ang hatchback car ni Sinas ang gamit niya.
Tinahak niya ang corridor patungo sa opisina ng kapatid. Iisang floor lang naman ang opisina nilang dalawa, ngunit pinili Sinas na huwag magsama sa iisa o huwag magtabi ang kanilang kwarto. Nauumay na raw kasi ito sa pagmumukha niya.
Bago siya makarating sa opisina ni Sinas, nadaanan pa niya ang opisina ng Records Department. Glass wall ang nagsilbing pader niyon kaya kitang-kita niya mula sa labas ang sampung cubicle doon. Binati siya ng mga staff ng naturang departamento nang makita siyang dumaraan, at dahil good mood na siya ay nginitian niya ang mga ito at bumati na rin pabalik.
Sa pagliko ni Silas sa kaliwa, tahimik na corridor na ang bumungad sa kanya. Dalawang pinto rin ang nadaanan niya. Lumiko muli siya sa kanan at naroon ang nag-iisang kwarto—ang opisina ni Sinas.
Hindi na siya nag-abala pang kumatok sa pinto at basta-basta na lang binuksan iyon at pumasok sa loob.
Naabutan niya si Sinas na tutok na tutok pagbabasa sa isang dokumento. Salubong ang kilay nito na para bang hindi nito nagugustuhan ang nakasulat sa papel.
Hindi pa man siya nakakalapit sa mesa ni Sinas nang magsalita ito. Tutok pa rin ang mata sa hawak na isang piraso ng papel. “Don’t you know how to knock?” iritableng tanong nito at lalong lumalim ang kunot sa noo nito.
“Woah! Chill! Ako lang ‘to.” Umupo si Silas sa upuan na nasa harap ng office table ni Sinas.
Saka lang nag-angat ng ulo si Sinas nang marinig ang kanyang boses. Hindi nawala ang pagkunot nito, pero nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. Nilapag nito ang papel sa mesa sabay sandal ng katawan sa upuan.
“Hindi ka pa ba maglu-lunch?” tanong niya.
Sinas unbuttoned his white long-sleeve cuff and pulled them under his elbow and unbuttoned the two buttons on his neck, revealing his collarbone and sternum. Iniling nito ang ulo. “No, not yet. I am still studying Mr. Lorenzo’s project proposal.”
“About what?”
“He proposed that we should open another manufacturing department since we unveiled how flexible our company is in terms of… this. Lalo na napagsabay raw natin sa kumpanya ang profession natin.”
“Well…” Umangat ang kanang kamay ni Silas saka kinamot ang sentido gamit ang hintuturo. “That will need a serious meeting and crucial studies. Hindi basta-basta ang pagbukas ng panibagong negosyo. That’ll take risks.”
“I know.” Sinas let out a sigh. “Anyway, sa labas ka kakain?” he asked as he diverted the topic to him.
Silas nodded his head. “Yup! What about you? Ayaw mo bang sumama sa akin?”
“Nah.” Umiling si Sinas. “I told you, kailangan kong pag-isipan itong proposal ni Lorenzo. I’ll ask Hilda to bring me food instead. Besides, I don’t want to be a third wheel on your date.”
“I don’t have a date,” sansala agad niya. “Tumawag kasi si Mom kanina. She asked me to buy her book. Available na raw kasi sa bookstore ‘yong inaantay niyang libro.”
Sinas tilted his head. “Oh, I see. So, diretso uwi ka na ba niyan?”
“No. Babalik pa rin ako. I have a meeting at three. You know, Mr. Lim. I need to propose two house designs to him. Maarte pa naman ‘yon kahit matanda na.” Si Mr. Lim ay isang Korean na nagmamay-ari ng mahigit tatlong subdivision sa bansa. Ang dalawang subdivisions nito ay siya ang nag-design sa mga bahay na pinatayo ng bigating kliyente.
“Right. Ingat na lang sa byahe.”
Tumayo na siya. Akmang tatalikod na siya nang may maalala siya. “Do you want anything though?” tanong niya sa kakambal.
Para man silang tarantado sa pang-iinis sa isa’t isa, they still care for each other. Gano’n kasi sila pinalaki ng kanilang magulang.
Nginisihan siya ni Sinas. “Macarons. Buy me strawberry macarons.”
“Ew. At your age, you still love macarons?”
“Ew. Says the man who loves gelatin cake.”
TINAWAGAN NI SILAS ANG ISA SA MGA KAIBIGAN NILA. Si Lucas. Available naman ang binata ng mga oras na iyon kaya sinabihan niya iyon na magkita sila sa shopping mall, particularly sa The Dining Room na isang restaurant sa loob ng establisyemento.
Alam ni Silas na aabutin ng kalahating oras sa byahe si Lucas. Imbis na dumiretso sa kainan ay naglibot-libot muna siya. Window shopping kumbaga. Wala naman siyang balak bumili ng mga bagay na hindi naman niya kailangan, maliban sa librong pinapabili sa kanya ng kanilang nanay.
He is responsible for the money he spends. Marami na siyang relo, damit, sapatos, alahas, at mga bagay na kailangan at gusto niya. Wala na siyang balak na dagdagan iyon, sa ngayon. Sa tanda niya, ang huli niyang binili gamit ang sariling pera ay ang sports car na napunta kay Sinas.
Karma niya siguro iyon dahil nakuha niya ang Isla Atlas na gustong-gusto ni Sinas nang walang kahirap-hirap.
Huminto siya sa harap ng nakasarang elevator. Napadaan ang kanyang mata sa babaeng katabi niya na inaantay din ang asensor. Tutok na tutok ang mata nito sa hawak na cellphone. Silas examined the woman right beside him.
He can tell this woman was simple yet elegant. He secretly raked his eyes from head to toe. Her black hair was tied into a messy bun. She’s wearing a white ribbed T-shirt, paired with high-waisted skinny jeans. Black pointed heels naman ang naging sapin nito sa paa. A leather beige crossbody bag clanged onto her shoulder.
May suot din itong silver na kwintas at mayroon iyong maliit na pendant. Ultimo tenga nito ay may hikaw, isang silver tassel dangle teardrop. Mestiza ito. If this woman is going to face him, mas makikita niya ang detalye ng mukha nito.
Though, her side view was enough for him to see how pointed her nose was. The long eyelashes were batting slowly as her eyes focused on her phone.
Nalipat ang atensyon niya sa harap nang marinig niya ang tunog ng elevator. Sa maliit na pagsiwang niyon, he had a glimpse of the familiar feminine face inside the lift. Nang makilala niyang si Natsumi iyon, nag-rumble ang kanyang brain cells na sanhi ng kanyang pagkataranta. Sa takot na mangulit ito, hinarap niya ang katabing babae.
At sa pagbukas ng elevator, pinihit niya paharap ang katabi at walang sere-seremonyang idinikit ang kanyang labi sa labi nito.