PRELUDE

1179 Words
CARA’S eyes focused on the small rectangular test kit she’s holding. Ilang minuto na siyang nasa loob ng banyo at nakaupo sa toilet habang titig na titig sa hawak niyang pregnancy test kit. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pagdismaya nang negative na naman ang lumabas na resulta sa pregnancy test. Napabuntong hininga siya. Sumandal siya sa flush ng toilet boil saka tumingila at ipinikit ang mga mata. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit hindi siya mabuntis-buntis. She’s healthy and active in daily living. Noong nagpakonsulta siya sa doktor, ang sabi naman sa check-up niya ay kayang-kaya naman niyang magkaanak dahil wala naman siyang diperensya sa obaryo. And she believes her husband, Silas, was not barren. Sa loob ng dalawang taon na pagsasama nila ni Silas sa iisang bubong, she longed for his child. They have everything, yes. Wealth, power, attention. But for Cara, something in part of her is missing. May isang bagay sa pagkatao niya ang kailangan niyang punan—ang kailangang punan ng kanyang asawa. Hindi naman sa nagmamadali siya, pero gusto na niyang magkaanak. A child who has resembles of Silas and her. Okay lang sa kanya kung lalaki ang magiging anak niya, pero mas gusto niya ng babae. Para mabihisan niya ng magagandang damit at palamutian ng iba’t-ibang disenyo ng hair clip ang buhok ng bata. Wala rin naman kaso sa kanya kung lalaki. Ang mahalaga ay maalagaan at mapalaki niya ng tama ang magiging anak. Pero… hindi na naman sila pinagbigyan ng Maykapal sa kagustuhan niyang magkaanak. This was her fifth pregnancy test for the year. Negative pa rin ang resulta. “Hon?” Automatic na dumilat ang mga mata ni Cara nang marinig ang mahinang pagkatok ni Silas sa nakasarang pinto ng banyo. Umayos siya ng upo at napatingin sa direksyon ng nakasarang pinto. “Hon? Are you okay?” Silas asked. Hesitation could be heard in his voice. Nagpalipas ng ilang segundo si Cara bago sinagot ang tanong ng asawa. “I am.” Bahagya siyang napangiwi nang hindi niya naitago ang pagkadismaya sa boses niya. Silas is a good and loving husband to her. Lahat ng gusto at pangangailangan niya ay binibigay nito sa kanya. Mabait ang asawa niya at wala na siyang gustong mabago pa sa ugali nito. Kung ano si Silas noong manligaw ito sa kanya, gano’n pa rin ang ugali nito hanggang ngayon na mag-asawa sila. Silas was too precious to be hurt by her. She can’t hurt him. She doesn’t want to. Kaya nang bumukas ang pinto ng banyo at niluwa niyon ang kanyang asawa, hindi na niya napigilan ang panginginig ng labi niya kasabay niyon ang panunubig ng kanyang mga mata. Kaagad naman siyang dinulungan ni Silas. Lumuhod ito sa malamig na tiled floor. Kinuha muna nito ang hawak niyang pregnancy kit at saka siya niyakap nito. She nuzzled her face in his shoulder as she kept on sobbing like a kid. Tahimik lang si Silas habang hinahagod ang likod niya gamit ang palad nito at bahagyang hinahalik-halikan ang kanyang buhok. She muttered sorry between her sobs, and that was the moment his hug tightened. “I’m sorry, Cara,” Silas whispered as he eyed the pregnancy kit that was placed on the tank of the toilet bowl. “KUYA.” Hindi na naisipan pang kumatok ni Silas sa opisina ng kanyang nakakatandang kakambal. Dire-diretso siya sa pagpasok ng opisina ni Sinas para hanapin ang kapatid. Naabutan niya si Sinas na nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa office table habang pinipirmahan ang ilang mga papeles. Katulad niya ay nakaayos na rin ito. They were both wearing a black office attire. Ultimo pagkakaayos ng buhok nila ay pareho. Hindi tuloy alam ni Silas kung ginagaya siya ng kakambal o sadyang nagkataon lang. Without looking at him, Sinas spoke. “Alam kong excited kang pumunta ng Malaysia, you don’t have to barge inside my office. You could have waited for me in the helipad, Sil. Ilang papeles na lang ang kailangan kong pirmaha—” “I have an offer for you,” he cut his brother off once he stopped in front of his office table. Noon nakuha ni Silas ang atensyon ni Sinas. Saglit na natigilan ito sa pagpirma at tila tinatamad na nilipat ang tingin sa kanya. “This is not the time to play some sort of game, Silas,” banta ng kambal niya. “After I finish signing these damn papers, aalis na tayo.” Silas rubbed his face out of frustration, sighing. Mukha man siyang desperado sa naisip niyang ideya, pero iyon lang ang naiisip niyang solusyon para pagbigyan ang kagustuhan ni Cara. Hindi naman niya gusto ang ganito, eh. Hindi niya kagustuhan ang maging ganito: hirap makabuo ng isang bata. It was all started when Silas got in a motorcycle racing accident four years ago, and that accident caused him a spinal cord injury. Ayon sa doktor na tumingin sa kanya noon, mahihirapan daw siyang makabuo ng bata. He never mentioned his condition to Cara. Natatakot kasi siya na kapag sinabi niya ang nangyari sa kanya noon at aminin na siya ang may problema, baka iwan siya ng kanyang minamahal na asawa. Ang tanging nakakaalam lang ng kondisyon niya ay si Sinas. “I am not playing games here, Sin,” seryosong sabi niya. Titig na titig siya sa mukha ng kakambal. They were as if mirroring each other. Ang pinagkaiba nga lang ay ang emosyon na nakabalandra sa mga mukha nila. Sinas was staring up at him in confusion and curiosity, while him, he was looking at his older twin brother in desperation and plea. Ayaw na niyang nakikitang malungkot ang asawa. Hindi na niya kayang marinig ang pag-iyak nito sa tuwing susubukan muli nitong gumamit ng pregnancy test at malamang negative na naman ang resulta ng kanilang pagtatalik. It was clenching his heart. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang gano’n si Cara. Nang mapansin ni Sinas na kailangan nga niya ng tulong, nagsalita ito. “Spill, Silas.” Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Silas. “Ibibigay ko sa iyo ang Isla Atlas,” panimula niya. Alam niya na sa binanggit pa lang niyang resort na pagmamay-ari niya—na alam niyang mula noon pa ay gusto nang hawakan ni Sinas—ay kuhang-kuha na niya ang atensyon ni Sinas. Kumunot ang noo ng kanyang kaharap. Binitawan nito ang hawak na ballpen at sinandal ang katawan sa swivel chair. “But…” anito. “You have something from me in return, right? What is it, then?” He gulped. His idea might look like he’s sharing his wife, but he loves Cara so much Silas would do everything just to make her happy and give her everything and anything that she wanted. Besides, Sinas was the only one he trusted about the offer he would tell. Dinig na dinig niya ang sariling t***k ng puso. Bago pa siya mabingi sa pabilis na pabilis na pagtibok nito, sinabi na niya kung ano ang magiging kapalit. “Pretend to be me, and impregnate Cara.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD