Chapter 1

1541 Words
IRVINE | PRESENT TIME | SAMPAGA, BATANGAS WALA AKONG BALAK GUMISING ng maaga dahil Sabado ngayon at wala akong pasok sa opisina. Kaso naalimpungatan ako nang may mag-doorbell. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon. Nang lingunin ko ang orasan ay alas-sais y media pa lang ng umaga. I dragged myself out of bed at binaybay ang hagdanan papunta sa main floor. Mag-isa lang ako rito sa bahay at dahil hindi naman ako makalat ay every other week lang akong magpalinis. Tumatawag lang ako sa agency para magpadala sila ng maid. Ano bang week na ito? May pumindot na naman ng doorbell at this time ay sunod-sunod na ‘yon. Ang kulit din! Pabalya kong binuksan ang pinto, without bothering to put on my pants. Humarap talaga ako nang naka-boxers lang at hubad-baro. Kung sino man ang bwiset na itong nanggigising sa akin ay makakatikim ng bulyaw sa akin. Kaso nang mabuksan ko ang pintuan ay isang babae na mukhang pagod na pagod at may kargang bata ang bumungad sa akin. Bukod sa baby bag na nakasukbit sa kanya ay may isang maleta rin itong katabi. Nevertheless, she looked very pretty, kahit pa nga maitim ang ilalim ng mata nito — siguro ay sa puyat. "Can I help you?" pupungas-pungas kong tanong sa kanya. Hindi ko na inintindi kung magulo ang buhok ko, o kung may muta ba ako sa mga mata ko. "Vin," sabi niya. She knows my nickname? What? "Do I know you?" nagtatakang tanong ko. "It's Prue" "Who?" Wala naman akong maalalang may pangalang katulad nang sa kanya. O baka naman inaantok lang ako. "Prue Casas." "Casas?" Isa lang ang kilala kong Casas—si Manang Perla, ang kasambahay namin sa New York. "I need your help. Can we come in?" tanong niya sa akin. Wala sa loob na niluwagan ko ang pinto at pinapasok sila. Nahihirapan itong hilahin ang maleta habang may pasan na bag at bitbit pa ang bata. "Pwede bang – ano..." Napakamot siya sa leeg at nanatiling nakatayo. "What now?" tanong ko naman sa kanya. Nag-aagaw ang antok at curiousity ko kung bakit niya ako pinuntahan. Ano bang kailangan niya sa akin. Hell, I don't even know how she found me. Malayo ang New York sa Pilipinas. "Pwede bang magdamit ka?" Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Ayaw ko man ay napasunod niya pa rin ako. "Wait here, and don't leave." Tumango naman siya. Umakyat ako ng hagdan at bumalik sa kwarto. Binuksan ko ang closet at kumuha ng bagong t-shirt at hinagip ang maong na pantalon ko sa gilid. While I was in my room, naghilamos na rin ako nang mabilis at nagmumog. I badly need coffee. Hindi na ako makakabalik sa tulog ko ngayon. Magkaharap na kami at umiiyak ang bata. Ilang taon na ba ito? Mukhang malusog naman at may dimples pa sa magkabilang pisngi. Same like mine. Ang cute niya. "Could you hold him for a minute? Ihing-ihi na ako e," iniabot niya ang bata sa akin. "Ha? Hindi ako marunong humawak ng ganyang kaliit na ba— okay." "Where's the washroom?" tanong niya sa akin. Itinuro ko ang ilalim ng hagdan. "There's a powder room right there." Wala na akong nagawa kung hindi abutin ang bata. Iniupo ko siya sa aking kandungan at automatic itong tumingala sa akin. Kumapit siya sa t-shirt ko and the little boy smiled at me, na para bang matagal na kaming magkakilala. He's so adorable at hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan ang maliit niyang kamay. 'Yon ang tagpong inabutan ng ina nito. Well, I'm assuming she is the mother. "He likes you," komento niya. "He's adorable. What's his name?" Hindi ko siya nilingon at patuloy lang ang pakikipaglaro ko sa bata. Kuya Paris has a three-year-old boy now at spoiled sa akin si Michael. Next year ay papasok na ito sa daycare. "Irvine but I call him JR." "JR," tawag ko sa kanya at humagikhik ito. Lumabas ang dimples. Kaparehas ko pa ng pangalan. It's not really a common name these days kaya napaisip ako kung bakit. At nang sabihin niyang JR ang pangalan nito ay nasigurado kong alinsunod ito sa pangalan ng tatay niya. Kaya naman pala. Most men want their name passed on to their son. As for me, well — wala pa akong anak. When the right woman comes along and we have a baby, baka gusto ko rin ng junior ko. For now, wala pa akong balak mag-asawa, lalo na ang magkaanak. Wala pa naman akong trenta at nasa kalendaryo pa. "He's — he's your son." Biglang lumipad ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry, what did you just say?" "Anak mo siya." Nakita ko ang paglunok niya. Umiling ako at hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo. "Is this some kind of a joke? Hindi ako natutuwa." Napalakas yata ang boses ko dahil biglang sumibi ang bata sa kandungan ko. Napatayo tuloy ako at isinayaw-sayaw siya. I saw Kuya do this to Michael noong wala si Ate Mitch at namalengke. The baby just looked at me, pero hindi na nakasibi. Ang hintuturo ko ay hinaplos ang pisngi niya at mayamaya ay naghikab ito. Inaantok na siguro kaya ipinagpatuloy ko lang ang paghele sa kanya. "I'm sorry na sa ganitong pagkakataon mo nalaman. Wala akong intensyon na guluhin ang buhay mo. It's just that I really need your help." "So, pera ang kailangan mo?" Saan nga naman ito kukuha ng pangtustos sa anak nito gayong kasambahay namin ang kanyang ina. Malamang ay hindi ito nakatapos at maid rin ang trabaho sa New York. Nahihiyang tumango siya. "Hihiram lang ako ng panggastos pero ibabalik ko rin." Hindi ko napigilan na tapunan siya ng tingin na nanunuya. "If you wanted money, just ask for it. Huwag mong sabihin na hihiram ka at ibabalik mo rin dahil alam naman natin pareho na hindi mo kaya. Now, kung kailangan mo ng tulong, hindi mo na kailangang magsinungaling at sabihin na anak ko ang batang ito." Nang tingnan ko si JR ay nakatulog na ito sa dibdib ko. "He is your child." "Talaga? Paano mangyayari 'yon kung hindi kita kilala? Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo! Paanong may mangyayari sa atin? Sige nga," hamon ko sa kanya. Her hands balled into a fist at lumapit sa akin na madilim ang anyo. "Hindi ko na ipipilit sa 'yo na anak mo si JR kung ayaw mo siyang tanggapin. Aalis na kami at kalimutan mo na nagpunta kami rito," galit niyang sabi sa akin. Kinuha niya sa akin ang bata at isinukbit ang bag niya sa balikat. Pagkatapos niyon ay hinila niya ang maleta patungo sa front door. May kung anong umantig sa dibdib ko nang makita ang batang tulog na tulog. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin ng kanyang ina. "Wait," pigil ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at nagpilit pa rin itong hilahin ang maleta niya. JR stirred in his sleep at mag-aalboroto ito kapag naputol ang tulog. Kinuha ko ang maleta sa kamay niya para kunin ang kanyang atensyon. "Ano ba?!" asik niya sa akin. Napabuntong-hininga ako. "Look, I'm sorry. Okay? Dumito na muna kayo habang. . . habang kailangan ninyo ng matitigilan. I don't mind. Iisa lang naman ako dito. Just —just stay put. Lalagyan ko lang ng beddings ang kabilang kwarto para makapagpahinga ka — I mean kayo," bahagya pa akong nautal sa pagsasalita. "Kung ipipilit mo na naman na hindi mo anak si JR, aalis na lang kami. Believe me, ayaw kong ipaako sa 'yo ang anak ko dahil baka balakin mo pang kunin sa akin. I just need time to figure things out at aalis rin kami." "How much time do you need?" tanong ko sa kanya. "Six months. Siguro ay sapat na ‘yon para magawa ko ang mga kailangan," sabi niya. Hindi ko na inusisa kung anong kailangan niyang gawin. As far as I am concerned, hindi ko na problema 'yon. They needed a place to stay and I can provide that. "Okay, six months. We have a deal." Hindi ko na inulit ang tungkol sa bata. We can talk about it some other time. Isa pa ay pagod na siya kaya siguro madaling mag-init ang ulo sa akin. "Follow me upstairs. Katabi lang ito ng kwarto ko kaya kung may kailangan kayo, feel free to knock. Iwan mo na ang maleta diyan at iaakyat ko na lang mamaya. Gusto mo bang ako na lang ang magbitbit kay JR?" Ibinigay naman niya sa akin. Mabuti na lang at hindi ito nagising at sumubsob pa sa aking dibdib. Pagdating namin sa taas ay pahahawakan ko sana sa kanya si JR para makapaglagay ako ng beddings pero sinabi niya sa akin na siya na lang ang gagawa. Itinanong kung nasaan ang beddings at itinuro ko ang closet. Prue is very different from all the women I've met. Ang ibang babae, kapag napagsalitaan ko ng hindi maganda ay mangiyak-ngiyak na. Pero ang isang ito ay ubod ng tapang. She must have gone through so much for being this brave. Nasaan ba ang asawa nito at hindi nila kasamang mag-ina. Worse, ako raw ang ama ng anak niya. May tililing yata ito o baka naman sinasapian ng masamang espiritu. Ipatawas ko kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD