IRVINE
NAKARAMDAM SIGURO NG GUTOM SI PRUE kaya bumaba na rin siya sa salas. Bitbit niya si JR na natutulog sa bisig niya. Ako naman ay nakakain na ng breakfast at hindi siya hinintay. Baka kasi sabihan niya na naman ako ng pervert kapag inaya ko siyang kumain. Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinaglutuan ko nang pumasok siya sa kusina.
"I cooked breakfast if you're hungry," alok ko sa kanya. Pagkataob ko ng kawali ay nagpunas ako ng kamay sa towel. "I can hold him while you eat."
Inabot ko si JR mula sa kanya at noong una ay ayaw pa niyang ibigay.
"Hahawakan ko lang siya para makakain ka. Kung gusto mo, rito kami mauupo sa dining para hindi siya mawala sa paningin mo," pangungumbinsi ko pa sa kanya.
Tumango naman si Prue at ibinigay sa akin ang bata. Naupo siya at nagsimulang kumain. No one wanted to talk kaya hindi na rin ako nag-initiate. JR is sleeping anyway at baka ang pag-uusap namin ay mauwi pa sa pagtatalo kaya mas mabuti na ang ganito. Nang matapos siya sa pagkain ay nagkusa na siyang magligpit. When she was done, kinuha niya sa akin si JR at sa pagdukwang niya ay amoy na amoy ko ang sabon at shampoo na ginamit niya.
It feels weird na hindi man lang nagdikit ang mga balat namin pero heto ako, at nag-iinit ang pakiramdam sa kanya. This is bad. Mukhang mapapasubo ako sa loob ng anim na buwan. Tumayo ako at pinanood siyang maglakad palabas ng kusina.
"We need to get some things for the baby para hindi mo siya lagi buhat. The mall opens at ten in the morning at malapit lang dito. Sasama ba kayo o gusto mong ako na lang ang bumili? You can give me a list."
Umiling ito. "Huwag na. Nakakahiya kung gagastos ka pa," sabi nito at nag-iwas ng tingin.
"Hindi naman problema ang pera. Isa pa, I need to make sure he's safe kung may ginagawa ka. Nakita mo naman ang hagdan. . . matarik 'yan. At kung hindi mo siya lagi buhat ay gagapang 'yan pataas."
Horror flooded her face at naisip niya siguro na posibleng mahulog ang bata kapag nalingat siya.
"Just a few things. Nothing expensive. I will pay you back," sabi niya sa akin.
Hindi na ako nagkomento at tumango na lang. Hindi naman niya ako kayang bayaran. The way I look at her, kung hindi siya magdodoble o triple ng trabaho ay hindi niya makakayang buhayin ang bata. Childcare in New York is expensive too. Para kang nagtrabaho sa wala. Aside from the few pennies na matitira sa 'yo ay lugi ka pa sa pagod para lang ibayad ang kaunting kinita sa nag-alaga ng anak mo.
"Okay. Give me a list of what you need," sabi ko sa kanya.
Inilapag nito si JR sa sofa at inabutan ko siya ng post it note at ballpen. Diaper. . . gatas. . . playpen.
"This is it?" gulat kong tanong sa kanya. "There must be more. 'Yong pamangkin ko nga kulang na lang punuin ang buong bahay ng mga gamit niya."
Bahagya siyang napatawa. "That's too much. Mahal na mahal siguro siya ng mga magulang niya. And plus, the Havards have the money to burn so kahit mabilis manawa ang bata at maliitan ang mga damit ay hindi problema. But as you can see, I don't have that luxury for my son so. . . just these three would be good. Thank you." Walang dudang lumaki siya sa New York at hindi lumaki sa rangya. Pero napansin ko ang galing niyang magsalita.
Matatas sa Inggles at Tagalog. Hindi lang 'yon, may sense siya sa pera. Hindi katulad ng kambal kong kapatid. Aba'y kung gumastos si Verona at Venice, parang walang bukas. Palibhasa wala pang mga pamilya. Sabagay, hindi naman nila 'yon hiningi sa mga magulang namin. Pinaghirapan nila 'yon. Venice followed my mother's footsteps at nagmodelo ito. Nagtapos siya ng Business Degree sa UCLA pero na-engganyo ni Ninang Adi na rumampa. Pati nga si Verona ay hinihikayat pero nagpakatanggi-tanggi ito at mas pinili pang magtrabaho sa branch namin sa Davao. Si Kuya naman ang namahala ng main branch sa Maynila kasama ng pamilya niya.
As for me, rito ako sa Batangas nammaalagi at ako ang nangangasiwa ng business sa side ni Mommy. Minsan, naiisip ko ang hirap pala ng kakaunti ang anak. Buti na lang at apat kami. Si Daddy kasi ang tagapagmana ng mga Havard while Mom is the heiress to their family's business. Idagdag pa ang vineyard sa Italy na minana niya kay Lolo. Mabuti na lang at may tagapangasiwa roon. I love Italy but I don't have plans on living there.
Pumunta ako ng mall at nang mabili ko ang nasa listahan niya ay nagpunta pa ako sa ibang tindahan. Naiwan sila sa bahay dahil mahimbing ang tulog ni JR. Ayaw ko rin namang magligalig siya. At isa pa, siguradong jetlag pa sila. I bought a lot of clothes with different sizes dahil mabilis lumaki ang bata. Ang pamangkin ko noon ay napakatakaw kaya mabilis sumikip ang mga damit.
Aside from that, I bought a lot of different toys. Kung ano-ano pang sinabi ng sales lady sa akin na kailangan daw ng batang kaedad niya. By the time I finished, hindi ko na halos maipasok ang mga pinamili ko sa Escalade. I managed though at pag-uwi ko ay kaagad na gumapang papunta sa akin si JR. They were playing on the floor.
"Hi, bud. How do you like this?" Inabot ko sa kanya ang isang musical toy. Para itong piano at may unggoy na kumakanta. He took the toy at saka umupo. Pinindot-pindot nito ang mga makukulay na buttons at humagikhik nang tumunog ito. That ought to keep him busy for a bit.
Binalikan ko ang mga pinamili ko at nang maialwas ko ang lahat ay hindi na nakatiis si Prue.
"Vin, how am I supposed to pay you back with all these? Ang usapan natin ay ang nasa listahan ko lang," himutok nito.
Pinasadahan ko siya ng tingin at nahuli niya ako. Kahit magulo ang buhok nito at napakasimple ng suot ay hindi maitatago ang ganda ng mukha at hubog ng katawan ni Prue.
"Hindi ko ibabayad sa 'yo ang sarili ko. Pervert ka talaga!" galit na sabi nito sa akin at kinuha si JR na dala ang laruan niya.
Ano na naman ang ginawa ko? Lahat na lang yata ng gawin ko ay kinaiinis niya. I get it, ayaw niya ng pinapangunahan pero natuwa lang naman akong mamili para sa bata. Hirap espelengin ng babaeng 'to. Pero ang totoo kanina, gustong-gusto ko na siyang halikan para na lang matigil ang pagsusungit niya.