Minahal nang lubusan nina Anton at Adeline ang isa't-isa. Para kay Anton ay natagpuan na niya ang babaeng mamahalin niya habang buhay, ganoon din si Adeline kay Anton. Theirs was sweet, young and pure love. Pero isang gabi ay sinubok ang pagmamahalan nila. Isang pangyayari ang magtutulak sa kanila palayo sa isa't-isa. Isang gabi na naging mitsa ng mga pagdurusa, poot at paghihiganti. Sa kanilang muling pagkikita, ano ang kahahantungan ng dalawang pusong dating nagmamahalan?