Bakla pala ako. I'm indeed gay. Bakla ak gayam. Ang mga katagang yan ang nasa isip ko habang naglalakad kami ni Isly pauwi ng bahay. Magkatabi. Magkahawak-kamay. Parehong nakatingin sa daanan ngunit pareho ding nagpapakiramdaman. Hindi ko maipaliwanag sa salita ang kiliting nasa dibdib ko. Nakangiti lang ako. Ngiting-ngiti sa totoo lang. Yung hanggang tenga? Nang sulyapan ko si Isly at bahagyang nailawan ang mukha nya, nakangiti din sya. May bahagya ding pamumula ang kanyang pisngi. Kaagad syang nag-iwas ng mukha ngunit ewan ko ba. Mas nakadagdag pa yung ginawa nya sa kiliti na nasa dibdib ko. At ang isa pang nakadaragdag sa saya na nadarama ko ngayon? Pareho kami ng nararamdaman. Sigurado ako na gusto nya rin ang namamagitan sa amin ngayon. Paano ako nakakasiguro? Una, hindi nya ini