Nanatiling nakanganga ang bibig ko habang sinusundan ng mga mata ko ang papalayong bulto ni Isly. Ipinilig ko ng makailang ulit ang ulo ko nang tuluyan na syang maglaho sa paningin ko. Sya ba talaga yung nakausap ko kanina? Bakit parang nag-ibang tao sya? May sa maligno ba sya? Nung una para syang basang sisiw sa harap ko na kulang na lang ay mangisay sa sobrang takot pagkatapos ilang sandali lang bigla na lang syang tumapang. Para ngang kaya nya na akong lapain ng buhay kanina. Nakakatakot din pala syang magalit. Nakakatindig ng balahibo ang pananalita nya. Para bang kayang-kaya nya akong durugin sa pamamagitan lamang ng kanyang tingin. Walang-wala yung ipinakita nya kanina sa nakilala ko nang Isly. Epekto kaya yun ng pagkakabagok ng ulo nya? At base sa mga sinabi nya kanina, tila hina