"Hey." I called Francis's attention. Kanina pa sya tahimik. Kanina pa abala ang kanyang isip at sigurado akong ang anak nya ang laman ng isip nya. Lumingon naman sya sa akin nang marinig nya ang pagtawag ko. Nakadama ako ng lungkot nang makita ang walang buhay nyang mga mata. Mula sa mga kamay nyang hawak mo, iniangat ko ang kamay ko at ilinagay sa balikat nya at hinila ko sya papalapit sa akin. I've felt his arm going over my tummy. Yumakap sya sa akin na waring kumukuha ng lakas. "Everything will be alright. Isly will be okay." Bulong ko sa kanya. Tumango sya at saka sumubsob sa dibdib ko. Hinayaan ko na sya sa kanyang pananahimik at nakontento na lang sa pagyayakapan namin. Linaro ko ang buhok nya habang gumagana ang utak ko. I knew from the first time that I've met Isly na iba sya.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books