Halos mag-iisang buwan na mula noong pumanaw si Nanay ngunit hindi pa rin namin matanggap na wala na ang ilaw ng aming tahanan. Sa araw-araw ng lang na ginawa ng Diyos sa buhay naming lahat ay parati pa rin namin syang bukambibig. Parati pa rin namin syang naisasama sa aming bawat kilos at galaw. Gabi-gabi na lang na umiiyak si Jang-jang. Gabi-gabi ring nag-iinom si Tatay. Hindi ko naman sya mapaghindian kahit nag-aalala din ako sa kalagyan nya dahil sya ang pinakanangunglila sa aming ina na nakasama nya sa loob ng 30 taon. Apat ng taon din silang naging magnobyo at 26 taon na nagsama bilang magkabiyak ng puso. Kaya hinahayaan ko na lang sya kapag sinasabi nyang umiimom sya bilang pampaantok. Ang hindi nya alam, sa tuwing pumapasok sya sa silid nila ni Nanay ay naroon ako sa labas ng kanil