EPISODE 7 (1)

4617 Words

“If you HURT someone, you cause them to feel pain.” FIRST YEAR COLLEGE DAYS “Oo na! Papunta na nga ako dyan sa bahay nyo,” naiinis na singhal ni Eufritz sa kausap sa cellphone. Kanina pa siya kinukulit nito at tanong nang tanong kung nasaan na daw ba siya. “Eh bakit ang tagal-tagal mo makapunta dito, bruha ka? Kanina ka pa namin hinihintay nila Andi at Sandra at inip na inip na rin kakahintay sayo.” Halata din sa boses ang pagkainis at pagkainip nang kausap ni Eufritz sa cellphone na si Jaime. “Ikaw kaya ang maglakad simula bahay namin papunta dyan sa bahay ninyo, hindi ka kaya matagalan? Kainis ka! Minamadali mo naman ako, eh,” naiinis at sarcastic na sabi ni Eufritz. “Mamaya madapa ako dito, kasalanan mo kung magagasgasan ang maganda kong tuhod,” dagdag pa niya. “Ang OA, ah!” maarte

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD