Madilim na ng maka uwi sya sa bahay nila. Inintay pa kasi nya ang damit na binili ni Allen para makauwi na sa kanila. Nagulat pa sya ng makita ang motor sa basement parking ng condominium. Ang tigas pa ng bilin nitong 1 week lang itong mag iintay sa kanya. “Audrey.” tawag ng mommy nya ng paakyat na sya sa hagdan. Paglingon nya nakita nya itong inaalalayan ang tito marcus nyang mag lakad. Malayong malayo na ang hitsura nito sa guwapong guwapong ama ni Allen. Payat na ito at halatang may iniindang sakit. Napatingin sya sa isa nitong tenga na naputol nya dati pero nagawa naman ulit na ikabit yun nga lang deformed na at di na naibalik sa original na korte. “What?” “Saan ka natulog ka gabi.” “Gusto nyong malaman?” hamon ni Audrey. “Audrey naman ang dami ko ng iniisp wag ka naman ng dumagd