Mula sa likod ng mga gumagapang na veins hinila ni Allen ang isang tali saka nalaglag ang isang rope ladder na nasa may bintana ng kuwarto ni Audrey. Hindi kasi ito pumasok kanina ang sabi ng mommy nito masama ang pakiramdam kaya di papasok. Kanina pa sya text ng text di ito nag rereply. Hindi rin nasagot sa tawag nya hindi na nya ginagamit ang rope ladder na iyon matagal sapol ng magdalaga si Audrey. Labas masok pa rin naman sya sa kuwarto ng kaibigan pero sa front door na sya dumadaan at maayos na nag papaalam sa katulong o sa mommy ng dalaga.
Ngunit kanina pa sya nag dodoorbell pero mukhang walang maid na nakakarinig sa kanya. Kaya nag decide na syang umakyat nalang muna sa bintana ng kuwarto ng kaibigan.
Buti nalang hindi naka lock ang bintana kaya malaya syang naka pasok. Dilaw na dilaw ang kuwarto ni Audrey lahat ng lilingunin mo puro mukha ni Picachu lahat ng gamit nito mula sa kurtina hanggang sa punda ng unan o kahit ballpen pichachu pa rin ang gamit nito. He wonder pichachu din kaya ang underwear ng kaibigan.
Dahan dahan syang humakbang ng makitang tulog na tulog ito sa kama. Naisip nyang gulatin ito pero nag alangan sya paano kung masama talaga ang pakiramdam nito. Hinawakan nya ito sa paa saka niyugyog. Malakas ang aircon ng kuwarto nito kaya balot na balot ito ng kumot.
“Drey.’” tawag pa ni Allen rito pero umungol lang ito. Umikot sya sa kama nito para tingnan ito. Nasama lang naman ang pakiramdam nito kapag meron itong period. Lumuhod sya sa may gilid ng kama ng dalaga at itinuon nya ang dalawang braso sa kama nito saka ito tinitigan.
“Hey! Are you alright.” Dahan dahan naman nag dilat ng mata si Audrey pero agad din pumikit.
“Mommy.” mahinang usal nito. Nakaramdam ng habang si Allen para rito. Madalas kasi talagang mag isa lang si Audrey sa bahay. Palaging busy ang mommy nito sa banko na pag aari ng pamilya ng mga ito. He never met her dad ang alam lang nya single parent ang tita Yvette at anak si Audrey noon nasa college palang ito sa america.
Mas marami ang oras ng ina nito sa trabaho kesa makasama si Audrey. Hindi naman si Audrey katulad ng ibang kaedad nito na mahilig sa mga clubbing at barkada. Mas kontento lang ito sa loob ng kuwarto nito nag oon line gaming, Nag sasayaw or kumakanta na i uupload naman nito sa Youtube. Mas matagal pa nga na sila ang mag kasama kesa sa mommy nito. Kadalasan tuloy sa kanila ito nakikikain minsan ng dinner o kaya sya naman ang nakikikain ng dinner sa mga ito lalo nat wala itong kasama.
“Wala si Tita. Okay ka lang ang putla mo. Hindi ka pa ba kumakain.” hinawi pa ni Allen ang mga hibla ng buhok ng kaibigan na tumabon sa maganda nitong mukha.
“Si mommy.” unggol pa ulit nito.
“gusto mong tawagan ko si Tita.” tanong pa ni Allen na dinukot ang phone para sana tawagan ang ina nito pero nabitawan nya bigla ang phone ng biglang mangisay si Audrey na ikinatarata ni Allen at hindi alam kung saan hahawakan ang kaibigan.
“Audrey! Audrey! Audrey!” malakas na sigaw ni Allen saka sumigaw na ng malakas. Noon naman pumasok ang katulong na hindi rin alam ang gagawin.
“Sh*t Audrey anong nangyayari sayo.” hinila ni Allen ang kumot ni Audrey para sana buhatin na sana ito para dalahin sa hospital pero pare pareho silang nagulat ng makita ang napakaraming dugo sa ibabang bahagi ng katawan ni Audrey. mabilis ang kilos ni Allen ibinalot nya ang kumot ni Audrey rito saka nag mamadaling binuhat ito at itinakbo palabas saktong labas nya ng gate ng bahay nila Audrey sakto naman daan ng kotse ng mommy nya na agad na napa preno ng makita sila.
“what happen to audrey.” nag aalalang tanong pa ng ina na lumabas ng kotse.
“Ma’ dalhin natin sa hospital si Audrey.” mabilis naman binuksan ni Jelly ang likod ng kotse para papasukin ang anak na buhat buhat si Audrey.
“Menorrhagia it means severe menstrual bleeding na possibleng na mana. Meron ba sa pamilya nyo ang may ganitong karamdaman.” tanong ng doctor na tumingin sa dalaga. Mugto na ang mata ng tita yvette nya habang hawak hawak ang kamay ni Audrey.
Naroon pa silang mag ina para supportahan at tulungan ang mag ina.
“Hindi ko alam hindi kasi ako aware sa family history namin. Delikado po ba ang baby ko? makaka apekto ba ang sakit nya sa kanya someday.”
“Were not really sure pero sa ngayon meron akong irereseta sa kanyang mga gamot. And she needs to take a contraceptive pill for her hormonal in balance. She’s so young madali pa natin ma aayos ang abnormalities proper treatment and medications lang malaking tulong na yun sa anak nyo misis.”
“maraming salamat po kung ganun.”
Ayaw sana umalis ni Allen sa tabi ni Audrey pero pinilit na sya ng ina na umuwi maging ng tita Yvette nya dahil puro dugo na din sya galing kay Audrey sa pag kakabuhat nya rito kanina. Kaya napilitan na syang umuwi para makaligo pero babalikan nya si Audrey pumayag naman ang mommy nya.
“Bakit kelangan kong uminom ng pills.” reklamo ni Audrey habang inaabot sa kanya ng ina ang isang maliit na gamot.
“ni wala nga akong boyfriend.” dugtong pa nito na akmang kukutusan ng ina pero pinigilan nalang ang sarili.
“You need this dahil may sakit ka at malaki ang maitutulong nito para gumaling ka agad. Hindi porket nag pipills ka kailangan mong mag boyfriend.”
“E diba mi’ ang pills e para sa mga babaeng ayaw mabuntis. Paano makakatulong ito sa akin.”
“Ang ligalig mo basta makinig ka nalang puwede.” sabat naman ni Allen na inabot sa kanya ang apple na binalatan nito.
“Allen hijo puwedeng dito ka muna sandali. Kailangan ko lang umuwi para kumuha ng gamit ni Audrey. Bukas pa daw kasi sya puwedeng lumabas.”
“Sige po tita ako na po bahala rito.” agad naman nag paalam si Yvette.
“Gusto mo testingin natin yan gamot na iniinom mo kung gumagana?” tanong ni Allen na naupo sa gilid ng kama nya. Sasamaan sana nya ito ng tingin pero alam nyang ginogood time nanaman sya ng manyak na kaibigan.
“Ayoko ko nga saka hindi kasya sa akin yang pokemon mo.” sakay nalang nya kay Allen na tumawa.
“Akala mo lang yun woman vag**a is flexible. Halatang halata kang walang na tutunan sa school.” iling ni Allen.
“mamatay ba ako someday Allen.” biglang tanong ni Audrey na ikinalingon ni Allen.
“Ano bang pinag sasabi mo?”
“Narinig ko sa usapan nila mommy saka yung isang doctor na possible daw akong hindi na mag ka baby someday kapag———
“16 ka palang doctor lang sila at ikaw ang may katawan tingin mo ba di ka na mag kakababy?” napabuga ng hangin si Audrey.
“Gusto kong mag ka baby sa future.”
“Don’t worry bibigyan kita ng baby sa future mag intay ka lang.” ngumibit si Audrey.
“Ayoko mag ampon ng baby na galing sayo ano. Gusto ko baby ko yung lalabas sa akin.”
“Kaya nga! Bibigyan kita ng baby future.”
“Buwisit ka talaga seryoso ako Allen.”
“Seryoso din ako Audrey. Ako ang gagawa ng baby para sayo.”
“minamanyak mo nanaman ako e.” reklamo ni Audrey. Natawa naman si Allen
“Ano ba kasi ayaw mo bang ako ang maging daddy ng future baby na gusto mo.”
“Ayoko nga sayo saka ang pag gawa ng baby kailangan mag s*x tayo para makabuo. My God! di ko maimagine na makikipag s*x ako sayo tas nakikipag s*x ka din sa iba.. OMG! baka mag ka AIDS ako sayo it’s a big No! No!” sunod sunod ang iling ni Audrey. Na malakas naman tinawanan ni Allen.
“AIDS agad? Ang Oa mo and beside malilinis yung babaeng dinadala ko sa kama.”
“bakit may bacteria dedector ba ang mata mo para malaman mo kung malinis o mabacteria ang babae.”
“Basta sure akong malinis ang mga babaeng kinakama ko.”
“Bakit virgin ba sila? Ikaw ba ang naka una sa kanila.” hamon na tanong ni Audrey. Hindi nakasagot si Allen.
“See. Ibig sabihin may ibang pokemon ng pusok sa pichachu nila bago mo pa sila inararo. Meaning meron na silang bacteria.
“Ayoko sa virgin hustle yun. Mas gusto ko na yung babaeng maluwag kesa sa masikip.”
“Yuck! Yuck ka talaga! As in kakadiri ka.” tumawa si Allen.
ibig sabihin hindi nya ako magugustuhan kasi virgin ako ganun ba yun? pero ayoko naman makipag s*x sa iba para lang magustuhan nya ako. Syempre gusto ko sya ang 1st experience ko. bulong ni Audrey sa sarili.
“Ang OA mo. Basta hindi ka mamatay na wala kang baby. Promise ko sayo yan.”
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
“Na inom mo na ba ang pills mo?” tanong ni Allen pagpasakay nya sa kotse nito. Papasok na uli sya sa school after 2 weeks nyang absent. Tumango si Audrey.
“Good! Marami kang hahabulin na lesson. i will help you for now para makahabol ka. Exam na natin next week baka bumagsak ka pa maiwan pa kita sa high school.” ani Allen habang nasa daan na sila.
“I tututor mo ako.”
“Yes for the meantime para lang makahabol ka. Im sure ibabagsak mo ang exam kapag di kita tinulungan.
“Amoy albatross ka nanaman. Ano ba?” kinusot naman ni Audrey ang ilong ng mapalapit sya rito dahil inaabot nya ang bag sa backeat.
“Ang bango nga e.”
“Anong bango nakaka turn off kaya.”
“Really sayang naman gusto ko pa naman hinahabol ng girl.”
“Sus kahit naman anong amoy mo hinahabol ka pa rin ng babae. Kahit amoy jebs ka siguro hahabulin ka pa rin nila.” natawa si Allen.
“Try ko kaya na mag jebs sa pants ko.”
“Ulol! ka talaga! Kung may makakarinig lang talaga sa mga lumalabas sa bibig mo di nila iisipin na top 1 ka sa klase. Kadiri ka.”
Pag dating sa parking usual sa kanila nanaman nakatingin ang lahat. Karamihan kasi nag iisip na more than friends sila ni Allen. Snob kasi talaga ang si Allen at sya lang talaga ang pjnapansin nitong literal. Noon tumatanggap pa sya ng gift at love letter para rito pero nagagalit si Allen kaya di na sya tumanggap mula noong nag away sila. Kaya ang ending lalong lumala ang issue na may relasyon nga sila at wala naman pakialam roon si Allen pero in her part pakiramdam nya kinikilig pa sya ayaw lang nyang mag inarte na jowa ni Allen baka mainis ito kaya deadma nalang sya pero na tutuwa sya sa tsismis na iyon.
Hindi nya gustong malaman ni Allen na in love na sya rito noon pa man baka kasi bigla sya nitong iwasan at hindi na makipag friends sa kanya. Ayaw nya itong mawala kaya kahit may pag kamanyak ito sa kanya okay lang dahil alam nyang joke lang naman iyon dahil alam nyang. Allen will do everything to protect her. He’s like a brother to her sana lang someday makita rin sya nito bilang magandang babae.
Napangiti si Allen habang nagtutukatok si Audrey. Nasa library sila at tinuturuan nya ito sa math pero mukhang pagod na ito. Napatingin sya sa rilo 6pm na pala. Maingat nyang inimpis ang gamit nila ni Audrey saka ito ginising.
“Tara na uwi na tayo.”
“buhat.” itinaas pa ni Audrey ang kamay habang nakapikit pa rin.
“Sira ka ba ang iksi ng palda mo makikita na panty mo.”
“Nakashort ako sa loob ng skirt ko.”
“Tsk!.”kinuha ni Allen ang varsity jacket nya saka pinatayo si Audrey at itinali sa bewang nito ang jacket saka tumalikod para i piggy backride ang dalaga na madalas nilang gawin kapag inabot na ng tamad si Audrey.
“ang bigat mo na.” reklamo ni Allen habang pababa sila ng hagdan. Mangilan ngilan nalang ang studyante pero walang pakialam si Allen kahit nakatingin sa kanila ang kapwa nila studyante. Nakahilig sa balikat nya ang ulo ng dalaga.
“Kailangan ko na bang mag diet? Hindi na ako sexy.”
“Kaya pa naman kitang buhatin kaya no need pa.”
“Allen.”
“hmmm.”
“Pag college na ba tayo hindi na ba ako puwedeng maging girlfriend mo kunwari.”
“Ha? san planeta mo naman napulot yang tanong na yan?”
“Everyone think na boyfriend kita.”
“So what’s the deal.”
“Paano kapag na in love ka na ng totoo kapag college na tayo. Tas ayawan ako ng girlfriend mo tas utusan ka nyang layuan ako. Paano na ko.” napahinto sa pag lalakad si Allen ng maramdaman na humigpit ang yakap ni Audrey sa kanya at naramdaman ang pag hikbi nito.
“Ano ba kasi yan inisip mo.”
“Nanaginip ako kanina. Na iiwan mo daw ako kasi may girlfriend ka na.”
“Tingin mo mag kaka girlfriend ako kapag ganitong buhat buhat kita.”
“Paano nga kung ma in love ka.”
“Hindi ako ma iin love kaya puwede ka pang mag assume na girlfriend kita.” naramdaman naman ni Allen na umangat ang ulo ni Audrey na itinukod sa balikat nito.
“Mag girlfriend ka nalang kapag may boyfriend na ako.”
“Ano ako tanga!” bulalas ni Allen na bibitawan sana sya pero para syang tuko na naka gapos ang paa at kamay sa katawan nito.
“Baba! Ihahagis kita pababa.”
“E kasi naman sa akin walang ng liligaw samantalang ikaw kahit amoy albatross ka habol pa sayo ng habol ang mga babae.”
“Kapag nag boyfriend ka kalimutan mo ng mag kaibigan tayo. Hinding hindi na kita papansinin or kakausapin. Pupunta ako ng norway at di na tayo mag kikita kahit kelan.
“Iiwan mo na ako.”
“Kaya nga mag isip ka. Iiwan talaga kita kapag nag boyfriend ka.”
“E kailan ako puwedeng mag boyfriend?”
“kapag niligawan na kita.”
“Ano?”
“Kapag niligawan kita at sinagot mo ako saka palang kita papayagan mag boyfriend.” ani Allen na inayos ang pag kakasakay nya sa likuran at muli syang hinawakan sa may hita.
“E bakit kelan mo ba ako liligawan?” sakay nalang ni Audrey sa trip ng kaibigan.
“Kapag PBA player na ako.” natawa naman si Audrey. Pangarap talaga nitong makapasok ng PBA kaya talagang todo talaga ang work out nito at pag lalaro ng basketball. Sikat na si Allen sa ibat ibang campus dahil sa galing nito sa pag lalaro ng basketball. Ang dami ng university ang nag ooffer ng scholarship rito para maging parte ito ng varsity team pero wala pa itong sinasagot sa mga email dahil nag promise sila sa isat isa na sa iisang school lang ulit sila papaso at BSHRM ang course nila.
“baka tumanda akong dalaga kapag inintay kita.”
“wala ka bang tiwala sa akin.”
“Sus if i know pag pasok mo ng PBA tiyak kaliwat kanan na ang babae mo. Ngayon pa nga lang wala ka pang title kung kanikanino mo ba shinoshoot yang pokemon mo.” natawa naman si Allen.
“Gusto mo sayo ko i shoot 3 points pa.”
“Ayyy! dumali ka nanaman ng kamanyakan mo.”
“Kidding aside. Ang kapal siguro ng foam ng bra mo. tigas ng boobies mo di ko ma feel sa likod ko.” sa sinabi ni Allen mabilis na kumawala si Audrey sa likod nito na nakasimangot.
“walang foam ang bra ko kapal ng mukha mo tse.”
“weh! di nga may laman na yan?” biro ni Allen na mabilis na sumunod sa dalaga na halos tumakbo na para iwan sya.
“Pahawak nga kung malambot? baka naman puro medyas lang laman nyan.”
“Ewan ko sayo. Bastos! manyak!” sigaw ni Audrey na tumakbo na.