“Audrey.” may pagtutol na tawag ng ina habang naglalakad na sya palabas ng bahay bitbit ang helmet nya. Huminto sya at nilingon ang ina, Hindi na sila nag aaway tulad ng dati simula ng bumalik sya sa poder nito pero hindi rin naman nya pinapansin ang mga ito. “Please hija! Pag isipan mo naman ang desisyon mo. Nakalayo ka na sa gulo bakit papasok ka nanaman.” ani Yvette humarap si Audrey sa ina. “Matagal ko ng gustong tanungin ito sa inyo pero di ko magawa dahil natatakot akong marinig ang isasagot nyo.” huminga muna ng malalim si Audrey saka deretsong lumapit sa ina. “Nung piliin nyong magkasala na mahalin ang isang lalaki na alam nyong pag aari na ng iba. Anong iniisip nyo?” hindi nakasagot ang mommy nya. “Mahal nyo diba kahit alam nyong mali ipinilit nyo kahit alam nyong makakasira