Napangiti si Audrey habang nakahiga sa dati nyang kuwarto. Hindi talaga nya ini expect na binili ni Allen ang dati nilang bahay. Wala man lang itong binabanggit sa kanya. Ilang buwan na rin naman silang mag kasama. Ilang beses nyang nililingon ang bahay nila sa tuwing dadaan sila roon. Akala nya may iba ng nakatira dahil may mga nakikita syang mga maid at guard roon. Iyon pala Si allen ang may ari. Hindi pumayag si Allen na lumayo sya o bumalik sya sa mommy nya. Pinalipat lang sya nito sa dati nilang bahay dahil kahit naman ungkatin sadyang doon sya lumaki sa bahay na iyon at ang katotohanan na mag kababata talaga sila ni Allen. Nabanggit na nya sa tita Jelly nya ang tungkol sa gulong kinasangkutan nya. Pumayag naman itong pumunta at nakiusap nalang sya na wag ng sabihin kay Allen na s