Episode 7- Truth

2504 Words
“Kamusta na ang tita Jelly mo? is she alright? tanong ng mommy nya habang nag hahapunan sila. Wala pa din malay si Tita Jelly ayaw sana nyang iwan si Allen pero ayaw din naman pumayag ni allen na mag stay sya roon. Ayaw nitong umabsent ulit sya bukas para samahan ito. Puwede daw naman syang pumunta kapag out na sya sa school. “Hindi pa din po sya na gigising. She cut her wrist drink some sleeping pills. She really wanted to die mommy. kawawa naman si Allen.” malungkot na usal ni Audrey. Narinig naman ni Audrey ang pag buga ng hangin ng Ina. “he is pero kailangan nyang maging matatag para sa mama nya.” “May babae daw po si Tito Marcus at balak i divorce ang mama nya. Im starting to hate tito marcus akala ko mabait sya. Akala ko mahal na mahal nya si Tita. Hindi pala bad sya.” “Don’t say that audrey everything happen has a reason. wala naman tayong alam sa buong kuwento let’s just shut our mouth. Alalayan mo nalang muna ang bestfriend mo sa ngayon.” napabuga ng hanagin si Audrey na tumango. “Saan tayo pupunta?” takang tanong ni Audrey habang sakay sila ng kotse ni Allen patungong quezon city fairview. “I heard na may biniling property si Papa. Gusto kong makita ang property.” “Dumating na ba si Tito?” “Oo pero hindi pa nya pinupuntahan si Mama sa hospital. Hindi rin sya nauwi sa bahay sabi ng mga katulong.” “Grabe si Tito anong nangyari sa kanya. Hindi naman sya ganun dati.” “I think nagagawa syang paikutin ng babae nya.” “Kapal ng mukha! Lagot talaga sa akin ang babae ni Tito kapag nakita ko sya samang sama nya.” “Kapag nakita ko silang mag kasama pigilan mo ako baka mapatay ko sila. Ayoko kong makulong at marumihan ang kamay ko ng mga dugo nila.” “Tama! Marurumi ang dugo nila. Marami na akong ipon kahit di na ako makabili ng computer. Umarkila nalang tayo ng riding entandem ipatira natin ang kabit ni Tito Marcus.” pakindat na biro ni Audrey na nginitian ni Allen. “Sige gagawin natin yan ako nalang ang bibili ng bago mong computer.” “Tara susugod tayo sa gera.” itinaas pa ni Audrey ang kamay. Halos umawang ang bibig ni Audrey sa ganda at laki ng bahay na pinuntahan nila ni Allen. Grabe sa ganda at laki ng mansion. Talagang ginastusan ng tito marcus ang bahay para mapaganda. Masyado naman atang ang pagkabaliw nito sa babae para bigyan ng ganun ka gandang bahay. Mas maganda pa iyon sa bahay ng mga tita jelly. “Stay here may tatawagan lang ako.” ani Allen na tumalikod. Sya naman ay nag palakad lakad para mag hanap ng tao sa paligid ng bahay. Nahinto sya sa pag silip ng matanaw nya sa may parteng 3rd ang dalawang bulto na mag kayakap at nag tatawanan. nakatapis lang ng towel ang babae at ganun din naman ang lalaki na nakatapis din ang ibabang bahagi habang nakayakap sa likuran ng babae. Mommy! napalunok si Audrey at napaatras ng makilala din nya ang lalaki na humahalik sa mommy nya mula sa likuran. Tito Marcus. pakiramdam ni audrey gusto nyang mag collapse sa nakikita. Binuhat ng tito Marcus nya ang mommy nya at nawala na ang dalawa sa paningin nya. Ang alam nya nasa laguna ang mommy nya gaya ng sabi nito na may pupuntahan itong seminar at 3 days daw na mawawala. Yun pala nasa fairview lang ito at kasama si Tito Marcus. “Audrey hey are you alright bakit? anong nangyayari sayo.. audrey.” nag aalalang tanong ni Allen na sinapo pa ang pisingi nya at inalog. Bago pa sya makapag salita nag dilim na ang paningin nya. Nakatingin si Audrey sa natutulog na ina ni Allen. Hindi nya maiwasan na maiyak para rito. sa dami daming babae sa mundo bakit kailangan mommy pa nya ang manakit sa tita jelly nya. Napakabit ng tita Jelly nya. She’s like a mother to her mas na raramdaman pa nga nyang mommy nya ito kesa sa sarili nyang mommy pero bakit gnun kung sino pa ang mabait at napakabuti sila pa palagi ang nasasaktan. “Im sorry! Im sorry tita! im sorry.” napaluhod nya sa tabi ng hospital bed nito. mahigpit nya hawak ang kamay nito at idinikit sa pisngi nya. ilang araw na ito sa hospital pero wala pa rin itong mawalay. Hindi na rin maipaliwanag ng mga doctor. Mukhang ang tita Jelly nalang daw talaga nila ang ayW ng gumising marahil daw nasa isa itong magandang panaginip kaya hindj na nito gustong idilat ang mga mata. Kahit siguro sya ang nasa kalagayan nito baka ganun din ang maramdaman nya. Baka di na rin nya gustuhin pang mabuhay. “Im sorry for my mom… im sorry for being her daughter! Im sorry for hurting you… im sorry kung si mommy ang may dahilan kung bakit nandito kayo ngayon im sorry po.. im sorry po.” hagulgol ni Audrey. Napatakbo papasok si Audrey ng makita ang dalawang police mobile sa harapan ng bahay nila at isang ambulansya. Pag pasok nya nakita nya ang nagkalat na mga gamit mga nag iiyakang mga katulong. Basag basag na mga gamit. “Anong nangyari? Yaya.” “Si Allen kasi nag wala rito kanina sinaktan nya ang mommy mo.” “Asan ang mommy at si Allen.” “Ang mommy mo nasa kuwarto kausap ng mga pulis. Si Allen dinala ng mga pulis.” napapikit si Audrey mukhang alam na ni Allen na ang mommy nya ang kabit ng papa nito. Nag mamadali syang umakyat sa taas nakasalubong pa nya ang 2 pulis na pababa. Hindi na nya pinansin ang mga ito dali dali nyang tinungo ang silid ng ina pero nagulat sya sa eksenang natagpuan. Nag hahalikan ang tito marcus nya at mommy nya. “Napakawalanghiya nyo.” sigaw ni Audrey saka sinugod si Tito Marcus nya sinabunutan nya ito at dala ng sobrang galit na nararamdamn nya. Nag wala talaga sya. Sumampa sya sa likod nito habang sabusabunot ito. Sigaw naman ng sigaw ang mommy nya na may benda sa ulo. “Audrey.” malakas pang sigaw ng mommy nya kasabay ng pagpasok ng mga pulis para awatin nya. Nakagat na nya ang malakas ang tenga ng tito marcus nya at titiyakin nyang mababawSan nya iyon bago pa sya maawat ng mga pulis. “Audrey.” gulat na bulalas ni Allen ng makita si Audrey na dala dala ng pulis na ikinulong sa kabilang selda sa tabi ng selda ni Allen. “Audrey.. audrey look at me audrey.” malakas na sigaw ni Allen pero ayaw mag angat ng ulo ng dalaga naupo lang ito sa semento malayo sa binata at sumubsob sa tuhod. Puro dugo pa ang bibig nya nalalasahan pa nya ang dugo ng papa ni Allen sa bibig nya. Nagawa nyang tanggalin ang isang tenga ng ama ni Allen dala ng sobrang galit nya. Sinampal sya ng mommy nya at nagulat pa sya ng gumanti sya ng sampal rito. Di sya makapaniwala na nagawa nya ang lahat ng iyon sa sobrang galit. Hindi sy makapaniwala na meron syang ganun side kapag nagagalit. Tama siguro ang kasabihan na kapag mabait sobra talagang magalit. “Wag mo ng kausapin. Malabong kausapin ka nyan. Understate of shock pa sya darating mamaya rito ang abogado nyo dahil minor sya hindi sya makukulong.” wika pa ng pulis. “Anong nangyari bakit puro dugo si Audrey.”napabuga ng hangin ang pulis. “ibang iba na talaga ang mga kabataan ngayon masyadong bayolente. Tatay mo si Mr. Uy diba.” hindi umimik si Allen. “Kinagat nya ang tenga ng tatay mo hanggang sa natanggal at sinampal din nya ang sarili nyang ina na sinaktan mo naman. Makinig kayong dalawa.” wika pa ng pulis na kinalampag ang rehas habang nakatingin kay Audrey na nakayuko pa din. “Mga anak lang kayo. Nag kasala man ang parents nyo wala pa rin kayong karapatan na saktan sila. Tao lang sila na nag kakasala na maaring hatulan ng batas pero kayong dalawa wlaa kayong karapatan na hatulan sila at saktan kahit may nasaktan silang ibang tao..” wika nito saka tumalikod na. “Audrey! Audrey! Audrey please listen to me.. wala kang kasalan.” “Si mommy ang kabit ng papa mo.” ani Audrey sa mahinang boses. “i know.” sagot ni Allen gusto sana nyang sabihin rito na narinig nya ito na umiiyak sa room ng mommy nya kanina ng mawalan ito ng malay agad nya itong dinala sa hospital. Agad naman itong nag kamalay. Dumeretso sila sa hospital para tingnan naman ang mama nya. Iniwan nya ito saglit dahil nag papabili ito ng makakain pero bumalik sya para itanong lang sana kung anong gusto nitong kainin kaso inabutan nya itong nakaluhod at iyak ng iyak gusto nya itong lapitan at yakapin pero ng maintindihan nya ang dahilan ng pag iyak nito ng ganun. Agad syang sumugod sa bahay ng mga ito sakto naman kadarating ng mommy nito. Na kasama pa ang papa nya sumulak ang dugo nya. Hindi man lang masilip ng papa nya ang mama nya sa hospital yun pala kasama lang ng mommy ni Audrey. Mukhang masaya pa ang dalawa ng makitang umalis ang papa nya para umuwi sa kanila. Doon sya deredretsong pumasok sa bahay nila Audrey. Nag simula syang mag sira ng gamit na ikinagulat ng tita Yvette nya na sinasaway sya. aksidente na naitulak nya ito tumama ang ulo nito sa kamto ng isang rack at dumugo iyon. Idagdag pa na bumagsak ito sa mga bubog ng base na binasag nya. Marahil nakita ito ng sarili anak kasama ang papa nya sa Farview kaya bigla nalang itong nag collapse sa sobrang gulat. “They married kahapon lang.” sa narinig natigilan si Allen. ibig sabihin divorce na ang mama at papa nya kaya kasal na agad ang mga ito. Napakuyom ang mga kamay nya. Gusto nyang mag wala sa nalaman. Hindi manlang hinintay ng mga ito na magising ang mama nya bago nag pakasal. “Nakita ko ang marriage contrat nila. Isinampal sa akin ni mommy na hindi daw sya kabit.” narinig pa ni Allen ang pagak na pagtawa ni Audrey. Nadudurog ang puso nya sa nakikita. Ramdam na ramdam nya ang bigat ng pakiramdam ni Audrey. “Akala ko all this time nag tatrabaho sya sa banko. Yun pala nasa kandungan sya ng daddy mo at ibinabahay. Ang allowance ko lahat lahat ng tinatamasa ko galing lahat yun sa papa mo. Never nag trabaho si Mommy. Iniiwan nya ako palagi para makasama ang papa mo.” humikbi si Audrey kung kaya lang sana nyang sirain ang rehas sa pagitan nila ni Audrey ginawa na nya mayakap lang ito. Di man nya nakikita ang mukha nito alam nyang umiiyak ang dalaga. “Pagod na akong mag isip! Hindi ko na alam kung ano ba ang tama at kung ano ba ang mali. Ayoko ng ganito punong puno ang utak ko. Di ko na alam ang iisip ko.” sinabunutan na ni Audrey ang sarili habang nag kukuskos ang mga paa nito. Mukhang wala talaga sa tamang state ngayon si Audrey na hihirapan itong tangapin ang lahat. Hindi ito kasing lakas ng inaakala nya. “Listen! listen audrey… makinig ka! Im here were gonna fight together. remember you said were bestfriend. Partner in crimes you need to full your self together. I need you Audrey please.” “Masama si Mommy ko… bad sya Allen.. Bad ang mommy ko.” “I know! I know kaya makinig ka… nahinto sa sasabihin si Allen ng makita ang tumatakbong ina ni Audrey papasok. Galit na galit ito ng makitang nakakulong ang anak. Agad naman binuksan ng pulis ang selda. Nilapitan naman ni Yvette ang anak pero nag pupumiglas ito at lumayo sa mga ito. “Please anak halika na uuwi na tayo.” “Ayoko ko sayo hindi kita mommy. Si tita Jelly ang mommy ko. Ayoko sayo.” “Audrey naman anak wag kang ganyan. Please naman.” “I think she’s having a psychological problem yvette.” wika ng isang babae na kasama ng ina ng dalaga. “Then get her out of here. Do something.” sigaw ni Allen. Dalawang pulis ang lumapit kay Audrey. di Mapigilan ni Allen ang mapaluha ng makitang nag wawala na si Audrey. “Ayokong sumama sa inyo. Dito lang ako kay Allen! Allen tulungan mo ako.. allen.” “Audrey please sumama ka na muna sa kanila please Audrey listen to them hindj ka puwede dito.” malakas na sigaw ni allen sa pagitan ng pag iyak at pinapanood na nag wawala si Audrey. mariin nalang na napapikit at napaluhod si Allen na sinusundan ng tanaw ang palabas na mag iina. Gusto nyang lumabas at sundan ang mga ito pero wala syang magawa. “Tita Jelly! Gising na po kayo… kailangan po kayo ni Allen. Nakakulong po si Allen ngayon kailangan ko pong umalis at iwan sya para iurong ni mommy ang kaso. kailangan ko syang iwan tita! kailangan ko pong iwan si Allen ngayon. Tulungan nyo po ako.” hikbi ni Audrey habang nakayakap sa katawan ng ina ni Allen na tulog pa rin hanggang ngayon. Pinangakuan sya ng mommy nya na iuurong daw nito ang kaso kung sasama sya sa mga ito sa pag alis papuntang new zealand at doon na daw sila titira kasama ang ama ni Allen na asawa na ng mommy nya. Ngayon kung mag mamatigas daw sya itutuloy ng ina ang kaso at makukulong ng ilang taon si Allen. Wala syang choice kundi tanggapin ang offer ng mommy nya para kay Allen.” “Bad sila tita! Bad sila mommy at tito Marcus… i hate them so much. mahal na mahal ko po si Allen kaya gumising na po kayo para sa kanya kailangan po nya ng kakampi pag umalis na ko. Please tita.” “Mark Allen Uy laya ka na.” napaangat ang ulo ni Allen saka nag mamadaling lumabas tatakbo na sana sya palabas ng pigilan sya ng mga pulis. “Oy! wag kang atat may proseso tayong kailangan sundin.” “Boss puwede bumalik nalang ako. kailangan ako ng girlfriend ko.” sumamo ni Allen. “Sino yung anak ni Mrs. Yvette Uy.” gustong mag pantig ng tenga ni Allen sa narinig pero pinag walang bahla na muna nya. Nag aalala talaga sya kay Audrey. 38 hours na ang lumipas simula ng ilabas si Audrey doon. Wala na syang naging balita rito. “Ang alam ko aalis na sila bukas papuntang ibang bansa kaya iniurong nila ang kaso sayo. Pasalamat ka pogi.” “Aalis ng bansa?” mahinang ulit nya. Napakuyom ang kamay ni Allen. Ilalayo ni Yvette Antonio si Audrey sa kanya. Hindi sya papayag. Kunin na nito ang Papa nya pero hindi si Audrey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD