"MOMMY! Can we stay a little bit longer?" Inosenteng tanong ng batang paslit. Abalang abala ito sa paglalaro sa labas ng magarang sasakyan na pag-aari ng pamilya nito. "Sure baby, may hinihintay ka ba?" Tanong ng nakangiting ginang na bakas ang tuwa habang nakamasid sa kanyang anak. "Si Mr. Handsome po ay may ibibigay na drawing sa akin. Napakaganda po mommy." Tuwang tuwa namang kwento nito na sinamahan pa ng bahagyang pag-aksyon. Humagikhik pa ito habang baka dipa ang maliliit na mga braso sa harap ng ina. "Who's Mr. Handsome, baby? Didn't I tell you to avoid talking to strangers?" "He's not a stranger mom, I don't know his name but he's kind." Aniya. "Okay, okay as you say so but we can't wait longer than a few minutes baby, we're going to airport later." Anang ginang at bahagyang