NAGISING si Demone dahil sa malalakas na katok na nagmumula sa labas ng silid nila. Ang maid's quarter. Napabaling siya sa alarm clock na nasa gilid ng kanyang higaan at napakamot sa batok ng makitang alas dose na ng gabi. "Sino kaya 'yon?" Yamot niyang tanong at tumingin kay Edith na sa kabila ng ingay ng mga katok ay mahimbing pa ring natutulog, naghihilik pa rin ito. Napapahikab na naglakad siya patungong pintuan at binuksan iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa taong hindi niya inaasahan ni sa panaginip niya na makikita sa ganitong oras. Nasa harap niya ito, wala sa ayos ang suot na damit at namumungay ang mga matang nakahawak sa hamba ng pinto. "Attorney? Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong niya at nilingon ang kaibigan dahil baka magising ito. Tuluyan siyang lumaba