ABALA SI FOURTH sa pakikipag-usap sa kanyang kliyente ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kanyang opisina. "Sorry for the interruption sir, Miss Demone is here." Tugon ng kanyang sekretarya. "Let her in." Aniya. Ilang sandali lang ay nakita na niya ang dalaga. Nakasuot ito ng dress na kulay itim at flat shoes na bumagay sa ganda nito. Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi ng makita ang bitbit nitong paper bag na alam niyang ulam ang laman. Ngunit agad ring napakunot ang kanyang noo ng makita ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Ang masayang ngiti ay biglang nabura at napalitan ito ng lamig. Ang mga mata nito ay tila nagyeyelo sa lamig ng emosyong ipinapakita habang ang mga tingin ay nasa kliyente niya pa rin. Napadako ang kanyang tingin sa kliyente na si Mr. Alvarez na siy