CHAPTER 12

3142 Words

The Princess of Good Heart (Part 1)                            ***                Princess Ramos. "Princess anak, meron ka pa bang natatagong pera diyan? Wala na kasi tayong bigas eh, naubos na rin ang kinita ng Tatay mo sa gamot nitong kapatid mo." Basa ko ang paghihirap sa mga mata ng aking Ina habang kalong kalong sa bisig niya ang aking kapatid na may karamdaman na si Prince. Kahit nasasaktan sa nakikita, pinilit kong ngumiti nang matamis kay inay. "Opo 'nay, sakto kakasweldo ko lang sa pinagtatrabauhan ko sa workshop ko. Heto po oh, para sa inyo." Bumunot ako roon sa sobre at binigay kay Inay 'yung kalahating sweldo ko na 5 thousand. Tiningnan ni Inay 'yon at parang maiiyak siyang tumingin sa 'kin nang may pag-alala. "Anak sobra-sobra na ito, paano na pang baon mo sa school?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD