*APOY SA MAGDAMAG:Sa Piling ni Kumpare - (Completed and 16 chapters only)
*APOY SA MAGDAMAG: Book 2 EMMANUEL
*APOY SA MAGDAMAG:Book 3 GABRIEL II
*APOY SA MAGDAMAG:Book 4
RAPHAEL
*APOY SA MAGDAMAG: Book5
SAMUEL
________________
Lisa's POV
"Rino ang baunan mo baka makalimutan mo naman 'to" bilin ko sa aking asawa, binabaunan ko talaga siya sa tuwing may kumukuha sa kanya sa pag co construct ng mga building nasasayangan kasi ako sa bawat sentimo na nagagastos ang mahal pa naman ng mga bilihin ngayon.
"salamat Lisa o paano aalis na ako hindi ko na lang kayo ihahatid ni Junior medyo malayo pa naman pinagtrabahuan ko alam mo naman si Engineer may pagka istrikto pa naman yun ayw niyang nahuhuli mga tauhan niya" mahabang paliwanag niya sa akin,madalas pamamasada ang tangi naming pangkabuhayan pero minsan kapag nagkulang sa tauhan ang dati niyang among engineer ay kinukuha siya,pabor din ito sa akin dahil kung tutuusin magkano lang ang kita niya sa pamamasada bilang driver samantalang pakyawan kasi kung mgpatrabaho ang amo niya doon kami nakakabili ng mga gamit sa bahay.
Tatlong taon na mula ng kinasal kami ni Rino, mabait ang asawa ko college pa lang ako noon nang niligawan niya ako akala ko talaga may kaya siya sa buhay, palagi kasi niya akong dinadalhan ng mga mamahaling bulaklak at ferrero rocher pa talaga na chocolate,minsan de kotse pa sa tuwing sinusundo niya ako, inggit nga ang mga kaibigan ko noon dahil maporma din kasi si Rino noong panahon na nanliligaw pa siya sa akin,aaminin ko may pagka ambisyosa talaga ako, isa kasi ako sa mga sikat sa University namin dati,madalas kinukuha akong muse sa iba't ibang klaseng sports events sa University,sumasali din ako sa mga patimpalak at naipanalo ko ito palagi.
Nakilala ko si Rino dahil assistant coach siya sa pinaka sikat na basketball team sa school,niligawan niya ako ng ilang buwan nagpapa impress palagi sa akin at yun nga nabudol niya talaga ang puso ko.
Nahinto ako sa pag aaral nang mabuntis ako, isang pangyayaring ayaw ko ng balikan pa.
Sumama ako sa lalaking hindi ko kilala, ang sabi lang niya sa akin na pinapasundo daw ako ni Rino at siya lamang ang inutusan nito kaya hindi ako nagdadalawang isip na sumama sa kanya,dala na rin siguro ng aking kalasingan,tanda ko pa na party noon sa school at hatinggabi na itong natapos. Hinintay ko si Rino dahil yun ang usapan namin na susunduin niya ako,ilang oras ko din siyang hinintay sa labas ng school, lasing pa naman ako nong panahon na yun ngunit ni anino niya ay hindi ito nagpakita at of din ang cellphone niya kaya naisipan ko na lang maglakad kahit pasuray suray ang lakad ko pinilit ko talaga makauwi lng sa amin,nang may nakasalubong ako tulad ko rin lasing din ito.
Nakaramdam ako ng takot, masyado ng tahimik ang lugar na yun at tanging kami na lang dalawa ang tao na naglalakad,ngunit nakampante naman ako nang sinabi niya sa akin na kaibigan daw siya ni Rino, kaya hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kanya.
Tulad ko nakainom din ito,dahil sa kalasingan hindi ko maaninag ang kanyang mukha,hindi ko alam kung saang lugar niya ako dinala,nabigla na lang ako nang bigla niya akong hinalikan,dala na rin ng espiritu ng alak nagpaubaya ako sa ginawa niya sa akin noong gabing yun.
Nagising ako madaling araw na nasa damuhan ako puno ng galos ang katawan ko at punit-punit ang aking damit, doon ko naalala ang nangyari sa akin kagabi na nagpaubaya ako at binigay ko ang aking pagka birhen sa isang lalaking hindi ko man lang naaninag ang mukha.
Umiyak ako na naglakad kahit ang traysikel driver na sinakyan ko ay nagtaka din sa hitsura ko,nagpahatid ako sa lugar namin tahimik akong nakauwi na hindi alam ng mga magulang ko ang tunay na nangyari sa akin.
Ilang araw din akong tulala kahit si Rino ay nagtaka na rin sa naging asal ko,ang panghihina ko ang nag udyok ky Rino na makuha niya ang p********e ko.
Hanggang sa nagbunga ang pagniniig namin at sapilitan akong ipakasal sa kanya ng mga magulang ko.
Mas pinili ko munang huminto sa pag aaral pagkatapos ng kasal namin ayoko na kasing pabigat pa ako sa magulang ko,dissapointed din kasi sila sa maaga kong pagbubuntis,ang nangyari nung gabing yun sa akin ay tanging ako lang ang nakakaalam wala din akong ideya kung sino man ang lalaking nakaniig ko basta na lang ako sumama sa kanya ng wala mn lang pag aalinlangan.Pilit kong kinalimutan ang aking nakaraan at yakapin kung anumang buhay ang haharapin ko bilang buhay may asawa.
Nadismaya ako kay Rino nalaman ko kasi ang tunay na pamumuhay niya isa lamang pala siyang hamak na traysikel driver salungat sa mga ipinapakita niyang karangyaan noon sa akin nung nag aaral pa ako.
Gusto ko man siyang sumbatan ay hindi ko na lang ginawa dahil minsan sa tuwing nagkasagutan kami pinapaalala niya sa akin na hindi na ako birhen nung nakuha niya,ang hindi niya alam ay ang lalaking hindi ko nakilala ang tanging nakakuha sa aking pagka birhen.
Tatlong taon mula ng kinasal kami ni Rino ay hindi na kami nagkaanak ulit pasalamat na din ako dahil aaminin ko talagang salat kami sa buhay.
Pinaaral ko ng daycare si Junior sa private school na malapit lang sa aming bahay,minsan nagluluto din ako ng mga kakanin para dalhin sa canteen dagdag allowance na rin ito sa amin gusto ko kasing mabilhan ng mga bagong gamit palagi si Junior,lumaki kasi akong binigay nila Mama ang lahat sa akin kaya ayokong ma behind din si Junior sa mga kaklase niya.
"Lisa ikaw ba yan?" nabigla ako nang may tumawag sa akin kaklase ko pala noon sa kolehiyo.
"Lisa kumusta ka na?hala girl what happened to you bakit medyo nag iba na yata ang aura mo unlike before nung college days natin" sinipat talaga niya ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa kahit sino naman magtataka talaga, ang dating sikat at muse sa University medyo naging lusyang na kaya mas pinili ko talagang manirahan sa lugar na malayo sa amin ayokong makita ng mga nakakakilala sa akin ang estado ko ngayon.
"Rhea ikaw pala" saad ko, isa din si Rhea sa kilala sa buong university madalas siya ang katunggali ko bilang muse at palagi ko siyang natatalo,siguro mas maganda pa ang buhay niya dahil mas gumanda pa kasi ito.
"dito kasi nag aaral ang anak ko ikaw anong ginagawa mo rito?" ani ko sa kanya.
"dito ako ngtatrbaho may ari kasi ng paaralang ito ang future husband ko" pagmamalaki niyang sambit.
"balita namin kinasal ka daw nung assistant coach ng basketball team sa school natin di ba rich yun?eh bakit ka nagtitinda ng kakanin dito sa canteen?"pagtataka niya,hindi na lang ako sumagot at nagpaalam na lang sa kanya, sa sinabi niyang iyon nangliit ako sa aking sarili kasalanan ito ng lalaking gumahasa sa akin,pero kinamumuhian ko ito at sana namatay na yun! kung hindi dahil sa kanya hindi sana ako mawalan ng pag asa sa buhay na ipagkaloob kay Rino ang sarili ko!