Alaala ng nakaraan
Noon ka- kaunti lang ang may ilaw sa kanilang mga Bahay kaya marami ang gumagamit ng mga gasera upang magkaroon ng liwanag ang kanilang tahanan. Pero ngayon halos lahat ng mga bahay ay mayroon ng kuryenti at di lang kuryente dahil kumpleto sa mga gamit katulad ng rice cooker at kung ano pang mga gamit na ginagamitan ng kuryenti at meron pang wifi na nagbibigay aliw at naghahatid impormasyon.
Noon lahat ng mga bata ang alam lang ay tumakbo at maligo sa ulan magpapaligsahan ng kanilang mga barkong gawa sa papel at pinapaanod ito sa mga kanal at sabay sigawan.
Mga larong yoyo, brickgames, Pogs, luksong - tinik, Tumbang lata, Chinese garter, at marami pang iba. Kung minsan naman ang mga dahon ng niyog ay ginagawang antipara, relo, elisi, bola at iba pa .Pero ngayon kailangang mo pang kunin ang kanilang mga cellphone, gadget o di kaya'y patayin ang wifi para lang lumabas sila ng Bahay.
Noon maglalakad ka na naka bestida ay lahat ng tao sa'yo ay magbibigay- galang pero ngayon sasabihin sa'yo lusyang.
Noon kapag pumunta ka ng malls ay masayang masaya kana dahil makakatikim ka ng lamig ng aircon Ngayon may sarili kanang aircon sa Bahay.
Noon mag di- disco ka lahat nakapormal at pagandahan ang suot Ngayon kita na pati kaluluwa sa subrang eksi ng suot para lang mapansin ng iba.
Noon kapag gabi ay bawal ng lumabas ang mga bata at nakikinig lamang tayo sa mga kwento ng ating mga Lolo at Lola. Pero ngayon di na alam ang mano at respito sa mga Lolo at Lola kahit nga magsalita na gagamit ng po at opo ay nawala na rin.
Kung mayroon ka man radio de bateria ay Isa ito sa nagbibigay ng kasiyahan sa mga kabataan noon na naghahatid ng mga kwentong kababalaghan at kasiyahan. Kung minsan kapag nakikinig ka ng radio ay lahat ng mga kapatid mo ay kasama mo sa paghiga at nagtatago sa kumot dahil natatakot. At kung minsan ikaw na lang ang nagko - kwento ng mga nakakatakot na storya para lang matulog sila. Pero ngayon mga kabataan kahit Isang taon gulang ay marunong ng gumamit ng Cellphones mas magaling pa nga sila gumamit kaysa sa matatanda.
Noong masaya magkikita ang mag- ba barkada dahil lahat ng mga bagay na napagkuwentuhan sa buong maghapon at kung minsan naghahanap ng tutubi sa mga puno ng mangga at kung makarami na ay pinaglalaruan ito. Nilalagyan ng sinulid sa binti at pinapalipad- lipad sa hangin na parang lobo pero Ngayon magkikita kayo ngunit panandalian kwento at sabay pi- pitik ng cellphones at kunting selfie at i- ipost sa social media at duon mauubos ang oras.
Noong mga kabataan kilala ang mga pamilya ng Lolo at Lola nila laging binibisitahan at kinakamusta at kung minsan ay duon natutulog pero ngayon kapag naka bangga mo na sa daan kung di pa sila kamumustahin ng kanilang mga Lolo at Lola ay hindi sila babati.
Noong masarap magkwentuhan ang buong pamilya dahil pinag-uusapan ang mga bagay- bagay na nagawa nila sa buong araw pero Ngayon mga anak di na nila makasama sa hapagkainan at kung minsan kung magkikita man sa sala ay panay gamit ng cellphone.
Noon ang piso ay katumbas ng limang pesos dahil kapag bumili ka ng candy ay apat ang ibibigay sa'yo. Pero ngayon sa taas ng bilihin kahit 20 pesos na ay katumbas lang ng Isang sibuyas.
Noon mga kabataan kapag mayroon bubble gum na may stickers na binabasa pa ng tubig at pinipilit sa balat ay masayang- masaya na. Ngayon di na kakain ang mga bata kapag di naka burger at French fries.
Noon kung magpapabili ka ng brick games ay pahirapan pa , iiyak ka muna at pa sipa- sipa pa sa daan kapag nadaanan mo na may nag bebenta sa daan at sosyal kana kung may brickgames ka. Pero ngayon di na alam ang brickgames dahil cellphone at laptop na ang hinahangad at kahit buong araw pa silang mag do dot- dot.
Noon kapag may tv ka sa bahay na black and white ay nakakaangat ka na sa buhay kaya maraming mga kabataan ang nagkukumpulan sa labas ng mga bahay kung saan mayroon tv.
At kapag tapos na ay nag- uunahan na sa paglabas dahil kapag nahuli ka di mo makikita ang kapares ng tsinelas mo.
Kung minsan sasarhan ka ng pintuan buti na lang meron bintana na pwede mong silipan para makanood ka lamang.
Pero ngayon lahat ng bahay meron ng TV at di lang basta Tv dahil lahat yata ng Bahay naka flat screen na.
Noon maraming mga puno sa daan kahit lalaro ka buong araw ay may makukuhanan ka ng bunga na pwede mong kainin.
Pero ngayon ay ka- kaunti nalang ang makikitang mga puno dahil na babakuran na ng may-ari o di kaya'y marami ng mga bahay o tindahan ang nakatayo.
Napakalapad ng lupang pwede mong matatakbuhan at maalagaan hayop dahil wala ka pang mga kapitbahay.
Paro ngayon kahit otot mo maririnig na ng kapitbahay mo dahil sa nagdaang panahon ay parami- ng parami ang mga tao.kaya marami narin ang mga kapitbahay mo kaya kahit kunting daanan ay pinag-aawayan.
Noon pahirapan pa ang sumakay ng jeep at tricycle dahil sa kunti lang ang mayroon kaya kahit matulog ka sa daan ay di ka masasagasaan.
Ngayon 24/7 ang mga sasakyan at halos lahat ng mga kapitbahay ay mayroon ng sasakyan kahit motor o bike ay nagkukumpulan kaya marami ng mga aksidenting nagbabanggaan o di kaya'y Isa o dalawang oras ang ti-tiisan mo dahil sa trapiko.
Masarap kumain na nagsasama kayo sa hapagkainan kahit ang ulam lang ay tuyo o bagoong. Pero ngayon di na nagdadasal bago kumain at di nagpapansinan dahil bisi sa kaka cellphone.
Noon mangliligaw ka kailangang mong magharana at pumunta sa Bahay ng nililigawan mo at magsisislbi ka para maipakita mo lang na tapat at totoo ang pag-ibig mo sa kanya.
Ngayon chat lang ay mayroon kanang instant boyfriend.
Noon bibigyan ka ng limang Piso masaya kana dahil marami na ang mabibili mong Chichirya na tig pi- piso at may laman pang mga laruan sa loob ng chirchirya. Ngayon kahit bibigyan ka ng 20 pesos ano to sibuyas lang ang mabibili ko?
Noon kapag kaarawan mo may luto ka ng bihon at spaghetti ay masaya na.
Ngayon kahit di mo birthday magkakain mo ang mga ganyang pagkain.
Masayang-masaya ka na makakapunta ka sa Jollibee ng Isang beses sa Isang taon. Pero ngayon di mabubuo ang Isang linggo mo kung di ka makakapunta ng Jollibee, McDonald's, KFC o kahit ano pang mga Fastfood dahil naglipana na sa lugar ninyo.
Masarap balikan ang alaala ng nakaraan dahil ito ang nagbibigay sa atin ng dahilan upang magsumikap pa sa buhay at huwag natin hayaan na mawala ang mahalagang ka ugalian ang respito sa mga matatanda.
Huwag din sana mawala ang masayang pakikipag-usap sa pamilya lalung-lalo sa mga anak. Dahil kapag naubos na ang oras ng magulang o mahal sa buhay ay magsisi ka dahil hindi mo na I paramdam sa kanila ang iyong pagmamahal.
Ang mga naisulat ko ay pananaw ko lamang dahil baka lumaki kang marangya o kaya ay di mo naranasan kung ang iyung nabasa ay di katulad sa'yong naranasan ako na po ang humihingi ng paumanhin baka mag- isip ka ng di maganda.
Salamat sa pagbabasa ng aking kaunting alaala sa aking nakaraan..
Please don't forget to add, follow, like and share.
Written by DawnS.P