Chapter 2 "Kwento"

958 Words
Agad silang napatingin sa di kalayuan. May isang anino ng lalake na may katangkaran ang papalapit sa kanila. "Ano ginagawa niyo sa clinic ko?" Nang malapitan na ay nakita nila ito, isang lalaking matangkad at guwapo. Nakasalamin at nakasuot ng laboratory coat. Binasa ng dahan-dahan ni Leni ang plate sa laboratory coat nito. "Doctor Romulo?" "Ako nga," wika nito. "Nahuli po namin ang nasa wanted list niyo na rebelde. Ito po siya. Si Commander Raquel." Nang itulak nila ito papalapit sa doctor ay tila takot na  takot ang malaking mama habang may sinasabi ngunit di nila marinig dahil sa naka-scatch tape ang bibig nito. Pinosasan ito ni Doctor Romulo sa isang upuan sa clinic. "Doctor kailangan niyo pong gamotin ang kasintahan ko. Buntis siya ng tatlong buwan at natapilok po siya," ani Lemuel. "Okay, follow me…" sabi nang doctor kaya sumunod ang limang magkakaibigan. Habang naglalakad sila sa medyo may katamtamang laki na Poly Clinic ay nakita nilang malinis naman ito. Ngunit napansin nilang wala itong nurse o ibang tao man lang sa clinic. Tila nawi-wierduhan sina Leni at Edison. "Parang bahay ko na rin ito. Kaya welcome kayo kung gutom kayo. May makakain din. Kaya huwag kayong mag-aalala. Akong bahala sa kaibigan niyo. Isisimento ko lang ang paa niyan para gumaling agad ang bali," paliwanag ng Doctor. "Puwede ba kaming makituloy sa inyo? Dahil mukhang gagabihin kami?" tanong ni Lemuel. "Puwede naman. Bakit hindi?" sagot naman ng doktor. Binuksan ng doktor ang isang kuwarto ng clinic kung saan may mga hospital bed. "Dito muna kayo. Tawagin niyo lang ako kung kailangan niyo ako. Aasikasuhin ko lang si Commander Raquel." Pagkatapos tumuloy ng magbabarkada ay sinarado ng doctor ang pinto. "Teka! Kelan ka gagamutin Jena?" tanong ni Leni. "Ewan ko ba. Ang mahalaga ay safe tayo rito sis!" sagot ni Jena. Biglang may narinig silang tila nagtahulang mga aso na sinusundan ng parang Malaki at makapal na tela na hinahampas-hampas sa hangin at parang may humihuning din uwak. "Sh-s**t! Naririnig niyo ‘yon?" sabi ni Jena at agad napayakap kay Leni. "Tama na ‘yan! Matutulog na ako eh," sabi ni Jerick habang nakahiga. "Mukhang manananggal ‘yon? It's a myth in Filipino Horror Stories!" paliwanag ni Lemuel. "Natatakot ako sis," sabi ni Leni na mas humigpit pa ang yakap kay Jena. "Ano ba kayo? Para namang susugurin kayo niyan. Matulog na nga kayo," sigaw na sabi ni Jerick. Agad bumangon si Edison at isinara ang maliit na bintana ng kuwarto. "Ayan wala na! Puwede na ba tayong matulog? Kasi bukas hahanapin pa natin ‘yong van natin," inis niyang sabi.   Habang nanunuod si Doctor Romulo sa maliit niyang silid dahil ang kanilang bahay ay nasa loob lang ng clinic ay agad siyang nakalanghap ng napakabahong amoy at tila niyayakap nang malamig na hangin ang kanyang katawan. "Lumabas ka r’yan Ella. Alam ko na ikaw ‘yan," ani Romulo. Biglang lumabas ang may nakakatakot na mukha habang nagpapatay sindi naman ang ilaw. Nag-transform ang nilalang na ‘yon sa isang sobrang gandang mukha ng isang maamong babae na  nagkakaedad na dalawampu’t isa. "Kuya, sino ang ating mga bisita? Habang lumilipad ako ay naamoy ko na sila," tanong ni Ella. Isang aswang. Magkapatid sina Ella at Romulo ngunit hindi sila parehong aswang. Isang ganap kasi na tao si Romulo. "Mga dayo. Mga naliligaw. Nahuli nila ‘yong masamang leader ng mga rebelde na nanggahasa at pumatay sa mga kaibigan mo na nag-fieldtrip dito sa bayan natin. Kaya sa kanila ko ibibigay ang pabuya," sagot ni Romulo. "Talaga Kuya Romulo? Gutom na kasi ako e. Nasaan na ‘yong si Commander Raquel? Talaga bang nahuli nila?" ani Ella. "Hindi ko muna sa ‘yo sasabihin hangga't sa hindi ka umamin sa akin. May kinain ka bang tao?" dudang sabi ni Doctor Romulo. Sa kadahilanang may kaunting kapangyarihan siya sa pang-amoy. Hindi naman makapagsalita si Ella. "Sabihin mo sa akin ang totoo," medyo galit na utal ni  Romulo. Kaya agad nagkuwento ang dalaga tungkol sa paninilbihan nito sa Pamilya Rodriguez bilang isang kasambahay.     Ella POV   “Naghanap ako ng trabaho roon dahil kumokonti na ang nagpapagamot sa PolyClinic natin kaya kunti na din ang kita. Kaya nagbabakasakali akong tumulong. Nagtiis ako kahit na takam na takam akong kainin ang dalawang mga alagang kong bata dahil ang lulusog ng mga ito pero iniisip kita kuya Romulo kaya hindi ko ‘to ginagawa. Inalagaan ko na lang ito nang mabuti parang isang normal na kasambahay lamang. Hanggang sa isang araw ay bumili sila ng alagang pusa na  dalawang babae at dalawang lalake. Hindi nagtagal ay nabuntis ang mga alaga nila at dahil hindi ko matiis ang sumpa galing sa magulang natin ay kinakain ko pa-isa isa ang mga ito pero hindi pa rin ako makontento. Pagsapit ng gabi ay nagnanakaw ako ng hindi lutong na manok at karne. Iyon na lang ang kinakain ko dahil habang  tumatagal ay naglalaway ako sa malulusog na alaga kong mga bata. May mga boses akong naririnig na tila nagsasabi na patayin at kainin ang mga ito. Dumating ang araw na parang pinagdududahan na ako ng mag-asawa. Dahil sa palaging patay ang ilaw sa kuwarto sa baba ng mansion. Pero sinabi ko na lang na dahil sa nagtitipid ako ng kuryente. Pero walang lihim na di nabubunyag dahil nahuli ako ng isa sa mga anak ng Pamilya Rodriguez nang makita ang kalahati ng katawan ko sa may terrace ng ala-una ng madaling-araw kaya't nagsumbong ang bata. Buti na lang ay agad akong nakaisip ng solusyon dahil ‘yong alaga niya na iyon ay mahilig manuod ng  mga nakakatakot na palabas at kinausap ko siya ng kami lang  dalawa. Napalapit din sa akin kuya ang mga bata. Kaya naging close sila sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD