"Mano po Lolo Kasyo…" salubong ni Ella.
Magmamano rin sana si Romulo nang biglang iiwas ng matanda ang kamay nito saka nagalit.
"Tigil-tigilan niyo ako. Ayoko ng ganyan. Gawain ‘yan ng mga tao na mga mapang-abuso sa mga nilalang na gaya natin," sabay namula mga mata nito't sumigaw.
"Paumanhin," ani Romulo at tumungo.
Si Kasyo ang pinakamatandang aswang at pinakamalakas sa lahat. Masama siyang aswang dahil kung sino ang gusto niyang patayin at kaini't ay ginagawa niya. Hindi lang sila kayang patayin nito dahil tatay ito ng nanay nina Ella at Romulo.
"Sino ‘yong mga batang nakasalubong ko ngayon sa loob ng clinic mo? Mukhang mga sariwa pa, Ella?" nakangising tanong ng matanda.
"Ay huwag po iyon Lolo Kasyo. Mga pasyente ‘yon na humihingi ng tulong sa atin pagkatapos kidnappin at makatakas sa mga rebelde," paliwanang ni Ella na may pag-aalinlangan.
"Lolo, tama si Ella. Huwag niyo silang galawin. Ako na ang nakikiusap sa inyo. Oo nga pala si Commander Raquel ay nahuli na namin. Siya na lang po ang kunin niyo," nag-alalang sabi ni Romulo.
"Nasaan siya?" tanong ng matanda.
"Nasa basement ho," nakatungong sagot ni Romulo.
Agad naging anino ang matanda sabay nilipad ng hangin papunta sa basement ng kanilang clinic. Pagkatapos niyang gamitin ang hagdan ay agad siyang naglakad sa hallway na patay-sindi ang ilaw. Doon siya dumiretso sa masamang amoy na alam niya kung kanino katabi ng morgue sa may room 666.
Binuksan niya ang pinto. Pagkapasok niya ay ni-lock niya agad ito. Lumakas ang naririnig niyang hiyawan ng mga taong nagsisigawan at nag-iiyakan habang humihingi ng tulong.
Sa labas ng pinto ay nakikiramdam sina Romulo at Ella habang nakapikit lang sa mga naririnig na tila mabilis pa sa hangin ang t***k ng puso na walang alam sa mga nangyayari.
Pagkalabas ng matandang aswang sa pinto ay punong-puno ing dugo ang damit at bibig nito.
"Salamat, pupunta muna ako sa taas," ani Kasyo habang nakangiti na parang demonyo.
"Pumasok ka na Ella. Kainin mo na lang ang tira-tira ni Lolo kasyo sa loob," ani Romulo sabay pumikit ulit sa malungkot na pangyayari.
"Kuya, ayoko na ng ganito na kumakain mismo ng sariling karne ng tao gaya ni lolo. Pagod na ako.," malungkot na sabi nito sabay patak ng luha sa kanyang pisngi.
"Kailangan… Dahil hindi ka mabubuhay kung gulay lang ang kinakain mo. Kapag hayop naman eh wala na tayong pera Ella saka nanghihina ka sa karne ng hayop lang. Isipin mo na lang na ‘yang mga rebeldeng nahuhuli natin ay mga masasamang taong mga walang budhi. Isipin mo na sila ang nanggahasa at pumatay ng mga taong naliligaw sa lugar natin. Lalo na sa mga kaklase mo,” pangungumbinse ni Romulo sa kapatid.
Pumasok na si Ella sa loob para gawin ang sinabi ng kapatid. Makalipas ng ilang oras ay lumabas siya na pinagpapawisan at natatakot.
"Oh bakit Ella? Wala ka man lang bahid ng dugo sa bibig?" takang tanong ni Doctor Romulo.
"Buhay si Comander Raquel at hindi siya kinain ni Lolo. Nabanggit ni Commander Raquel na may kasamang buntis ang mga bisita natin at mukhang sila ang habol ni Lolo."
Biglang napatakbo sina Ella at Romulo sa taas.
"Ako na kuya ang bahala kina Jerick at Edison," sabi ni Ella sabay naging hangin siya.
Habang naghihintay sina Jerick at Edison sa isang tindahan ng manukan ay inip na inip naman sila.
"Malapit na po bang maluto manang?”
Agad naming inabot sa kanila ng tindera ang isang inihaw na manok.
Pagkatalikod nilang dalawa ay nagulat sila't muntikan nang mapasigaw nang makita nila na nasa harap nila si Ella.
"Grabe ka naman Ella. Ginugulat mo kami," ani Edison habang hawak-hawak ang dibdib niya.
"Ella naman. Hindi ka na naawa! Dinukot mo na nga puso ko tapos ngayon ay papatibukin mo pa sa ganitong pamamaraan," nambobolang sabi ni Jerick sabay kindat nito.
"Naparito ako dahil inutusan ako ni Kuya Romulo."
"Para saan? Ano na nangyari kina Lemuel at Jena?"
"Bumili kayo ng sibuyas at bawang para ipahid sa paa ni Jena. Dahil kakatapos lang i-semento ni kuya ang paa niya pero walang nangyari," ani Ella.
"Talaga? Di ba galing sa matatanda lang ‘yong ganyang panggagamot? Kapag doctor di ba hindi na pumapatol sa ganyang paraan?" inis na sabi ni Edison.
Biglang nilakihan ni Ella ang mata niya na tila nananakot kaya umurong ang dila ni Edison.
"Okay, biro lang ‘yon," nangingiting sabi ni Edison.
"Asan pala makakabili?" tanong ni Jerick sabay kamot sa ulo na napipilitan.
Biglang ngumoso naman si Ella.
"Hoy, huwag mo akong akitin Ella. Di pa kita sinasagot tapos gusto mo na akong i-kiss."
Agad binatukan ni Edison si Jerick sa sinabi niya habang wala pa ring kimi si Ella.
"Ibig sabihin niya tol. Diyan sa maliit na palengke tayo bumili ng bawang at sibuyas gago!" sigaw ni Edison.
Nang paalis na sila ay biglang tumigil sa paglalakad si Jerick sabay takbo para bumalik sa kinatatayuan ni Ella.
"Ella, ayaw mo bang sumama sa amin doon?" tanong ng pagpapakyut na si Jerick.
"Hindi na. Hihintayin ko na lang kayo sa clinic. Basta dalian niyo na lang, please!" pagmamakaawa ni Ella.
Biglang sumigaw sa malayo si Edison. "Ano ba Jerick! Dalian mo na!"
Agad tumalikod si Jerick para sumagot pasigaw. "Sandali lang kausap ko pa si Ella!"
Nang pagkaharap ulit niya kay Ella ay bigla nawala ito kaya nagulat siya saka napalunok.
"Nasaan na ‘yon?" sabi niya saka napakamot na lang sa ulo. Sumunod na lang siya kay Edison.
Pagkarating nila sa clinic dala ang kanilang pinamili ay nagulat sila na nakaabang si Ella.
"Putsa ang bilis mo ata Ella! Para kang road runner na nakarating agad-agad dito mula doon sa pamilihan!" inis na sabi ni Edison habang hinihingal at nakahawak sa tuhod dahil sa pagmamadali.
"Wala nang paligoy-ligoy pa. Pumasok na kayo dali!" sabi ni Ella na nagmamadali.
Pagkapasok nila ay nakita nilang tumatakbo sa hallway si Leni papunta sa kanila na sumisigaw. "May ahas! May ahas sa loob ng clinic na ‘to! Tumakbo na kayo!"
Bigla silang nagsama-samang tatlo patakbo sa kuwarto kung nasaan ang mga kaibigan niya.
Nagulat si Edison sa kanyang nakita. "Putsa! Nasa likod na natin ang ahas! Sinusundan tayo tang-ina!"
Mas lalo pa silang tumakbong tatlo nang mabilis nang mapansin nila ang malaking ahas na humahabol sa kanila.
Nakarating sila sa tapat ng kuwarto kung saan naroon ang mga kaibigan nila. Pagpasok nila ay nagtaka sina Lemuel at Jena. "Anong nangyayari ba't hingal na hingal kayo?"
Biglang sumulpot na naman si Ella sa pinto nila na tila di makapasok-pasok sa loob at sumisigaw. "Dalian niyo na't ilabas niyo na ang bawang at sibuyas!"
Nang biglang bumalibag siya pagkatapos banggain nang isang napakalaking sawa.
Todo sigaw silang mga kabataan dahil sa takot.
Ngunit si Edison lang ang naglakas ng loob na kunin sa plastic ang inutos ni Ella na bawang at sibuyas sabay inihagis niya ito sa may tapat ng pinto na tanging nagpaiwas sa malaking sawa na makapasok sa loob ng kuwarto nila.
Naiyak si Jena pati ‘yong iba dahil sa takot sa nakita nilang malaking sawa.
Tumayo naman si Jerick para puntahan si Ella ngunit pinigilan siya ni Edison sabay hawak nito sa baywang niya.
"Huwag ka munang lalabas. Dalhin mo muna ang bawang na to. Hindi normal na sawa ang nakita natin. Kung di isang aswang."
Sumigaw bigla si Leni dahil sa takot. "A-aswang? Akala ko kuwento-kuwento lang ‘yon."
"Paano mo naman nasabi Edison?"
"Dahil tuwid siya kung gumapang kumpara sa isang normal na ahas. ‘yan ang sabi sa akin ng lolo ko na nagbigay sa akin ng agimat na ‘to."
Tumingin naman si Jerick kay Edison. "Salamat pare!" sabay dinala niya ang bawang na ibinigay ng kanyang kaibigan.
Nang paglabas niya sa pinto ay nakita niya sa di kalayuan si Ella na tila di makatayo dahil sa nasaktan pagkatapos maitulak nang malakas kaya't nakahandusay ito sa sahig.
Papalapit sana siya nang makita ni Ella ang bawang na hawak-hawak niya.
"Huwag kang lumapit Jerick," nahihintakutang sabi ni Ella sa binate.
Ngunit di pa rin nakinig si Jerick sa kanya dahil sa nag-aalala siya sa dalaga.
"Huwag kang mag-alala. Gagamutin kita Ella. Nandiyan na ako," ani Jerick nang mapahinto siya sa paglapit nang marinig niya ang boses ni Romulo.
"Anong ginagawa mo Jerick?"
"Tutulungan ko po sana siya dahil naihagis siya pagkatapos kaming atakihin nang malaking sawa."
"Ako na bahala sa kapatid ko kaya pumasok ka na sa kuwarto niyo! Babalikan ko kayo mamaya para gamutin ang mga kasamahan mo,” galit na sabi ni Romulo.
"Pe-pero gusto ko lang po sana tulungan ang kapatid niyo at..."
Hindi na natuloy ni Jerick ang sasabihin niya nang sigawan siya ni Romulo. "Sabing bumalik ka na nga sa silid niyo eh!"
Nang buhatin ni Romulo ang kapatid ay iniwas niya ito kay Jerick.
"Paano po nagkaroon ng ahas ang clinic niyo? At bakit bawal ko lapitan ang kapatid o nurse niyo? Tang-ina! Sabi din ng kaibigan kong si Edison. Aswang daw ang ahas na ‘yon."
"Punyeta! Kapag sinabi ko Jerick na bumalik ka. Bumalik ka na! AT ISA PA WALANG ASWANG!" nanggagalaiting sigaw ni Romulo kaya sumunod na lang si Jerick.