bc

HER NAME IS MY EX'S NAME ( Tagalog )

book_age12+
2.9K
FOLLOW
19.7K
READ
second chance
arrogant
badboy
goodgirl
student
heir/heiress
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Para kay Jay Novilla, pinakasumpa-sumpang pangalan ang KIM matapos siyang lokohin ng ex-girlfriend niyang si Kim De Vera. At ang akala niya ay naghilom na ang sugat niya sa puso, pero nang nagpunta siya sa probinsya ay muling nabuksan ang lahat ng kanyang sama ng loob dahil sa makulit, pasaway, at crush daw siya na si Kim Salomon.

Lalong gumulo pa ang sistema niya nang kinailangan niya si Kim Salomon para magpanggap na girlfriend niya para isipin ng ex niyang si Kim De Vera na naka-move on na siya.

MakikikimKIM ba ni Jay ang nararamdaman kapag na-in love ulit siya sa isa pang KIM?

At magagawa pa niya kayang ipa-tattoo ulit sa kanyang dibdib ang KIM na pangalan? Gayong sobrang nasaktan siya noong pinabura niya noon ang unang KIM na pina-tattoo niya?

chap-preview
Free preview
PART 1
"AAAAAHh! Sh*t, dude! Dahan-dahan lang! Ang sakit!" hiyaw ni Jay. He could not describe the pain he feels. Sapagkat pinapaso lang naman kasi ngayon ang balat niya para maalis ang tattoo niya sa dibdib. "Whether if I do it slowly or not, masakit pa rin ito, dude," kantyaw sa kanya ng kabarkadang si Dan at sinundan iyon ng malutong na tawa. Ito ang malakas ang loob sa lahat ng kabarkada niya kaya ito ang hiningian niya ng tulong na magpaso sa dibdib niya upang mabura na ang nagpapaalala sa kanya na masakit na nakaraan. "F*ck!" he cursed again. Paraan niya upang maibsan ang nararamdaman niya sa tuwing pinapaso siya. Nasaktak na siya ni Kim nang iwanan siya noon tapos ngayon ay heto na naman nasasaktan na naman siya. Nasaan ang hustisya? Damn it! Si Kim ay ex-girlfriend niya, who cheated on him two years ago. At ang tattoo na pinapabura niya kay Dan sa dibdib niya ay -YES- pangalan ni Kim. Ngayon siya nagsisisi kung bakit pina-tattoo niya noon ang pangalan ng babaeng iyon sa dibdib niya. Kung alam lang niya na mangyayari iyon, na maghihiwalay rin pala sila dahil mabubuntis ito ng iba, he would not have done it. Para tuloy siyang tinutusta ng buhay ngayon. The hell! Muling idinikit ni Dan sa balat niya ang dulo ng matulis na aparatong pambura ng tattoo. Sumirit ang balat niya. Para iyong balat ng baboy na idinarang sa mainit na baga. Umusok din iyon. "Awat muna!" pigil na niya kay Dan dahil para na siyang mahihimatay sa matinding hapdi. Walang anesthesia dahil kakantyawan lang siya lalo ng mga kabarkada niya kapag magpapalagay siya. "F*ck!" Napapabuga na siya ng hangin sa bunganga niya at napapapikit nang mariin. Nakakabakla pero talagang masakit kasi, masakit na masakit. "Saglit na lang ito," Dan said sarcastically, tuwang-tuwa ito sa ginagawa. Tatawa-tawa pa ito. Palibhasa ay hindi ito ang nasasaktan. "Tama na. I can't take it anymore," pigil pa rin niya sa kabarkada. "But it's not yet done, dude?" "Hayaan mo na," he insisted. Tagatak ng pawis ang mukha niya. Namumutla na rin siya. "Are you sure?" "Yeah, okay na 'to," nakangiwing saad niya na napapahawak sa gilid ng balat niyang nasunog ng napakainit na aparato. Medyo hindi pa iyon nabubura dahil may mga itim-itim pa sa gilid. Pero okay na 'yon sa kanya, at least hindi na nababasa ang pangalan na KIM. Saka na niya ipapalinis at baka mahimatay na talaga siya sa sobrang sakit na nadarama. AFTER a few months, naging peklat na lang ang binurang tattoo sa dibdib ni Jay. Pero kasabay ng pagpapagaling niya n'on ay ang galit namang namuo sa dibdib niya sa pangalang Kim. Naging phobia na sa kanya ang pangalang KIM. Sa tuwing makakabasa at makakarinig siya ng pangalang KIM ay nanginginig na siya sa galit. Hate na hate na niya ang pangalang KIM. Isinusumpa na niya. "Jay," tawag sa kanya ng kuya Gardo niya. Nadaanan niya ito sa sala. Napabalik siya sa paglabas niya sana ng bahay. "What?" walang kalatoy-latoy na tanong niya sa nakakatanda at nag-iisang kapatid. "Wala na kayong pasok next week, isn't it?" "Yeah," he answered. Hindi nagkakalayo ang edad nila ng Kuya Gardo niya kaya minsan ay hindi na niya ito tinatawag na kuya. Parang magbarkada na lang din kasi sila ng kapatid. "Good dahil tumawag si Mama. Umuwi ka raw sa atin dahil kailangan ng resort ng magbabantay. May aasikasuhin daw kasi sila ni Papa abroad. Kaya ikaw raw muna ang tatao sa resort." Agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya. Ayaw niya sana agad. They have a resort in their province, La Union. A business of their parents. Nasa Maynila lang sila na magkapatid dahil mas gusto nilang mag-aral sa sikat na lungsod. At malakas ang resort nilang iyon, dumadagsa ang mga tao na nagbabakasyon tuwing summer. Kaya hindi na siya nagtaka bakit siya pinapauwi. Hindi kasi pwedeng walang tatao roon kahit pa may manager at mga staff naman sila. Nga lang ay parang ayaw niya ngayong umuwi dahil doon niya nakilala noon si Kim De Vera, his ex-gf na kinamumuhian niya ngayon nang matindi. Customer nila noon ang dalaga sa resort. Doon niya rin niligawan hanggang sa naging sila. At nag-uumpisa na niya itong makalimutan. Pero paano niya makakakalimutan nang lubos ang babaeng iyon kung uuwi na naman siya roon? Paniguradong babalik na naman ang lahat ng mga ala-ala at sakit sa puso niya kapag makikita niya ang mga lugar doon kung saan sila minsan naging masaya ni Kim De Vera.......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.7K
bc

Broken Angel

read
4.8K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
220.0K
bc

Faithfully

read
269.4K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
441.7K
bc

His Cheating Heart

read
45.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook