Prologue
"Gold! Hindi ka pa uuwi? Mauna na kami sa'yo"
Tinignan niya ang kaibigan at tumango
"Dito muna ako, reserve niyo nalang ako ng seat" Ibinaba niya ang hawak na libro at tumayo sa isang inuupuang marmol upang lumapit sa kaibigan
"Call me nalang kapag nasa area ka na para hindi ka na mahirapan hanapin kami"
"Byee~" niyakap siya ng kaibigan bago ito umalis kasama ang nobyo
Pinagmasdan niya ang papalayong sasakyan ng kaibigan bago ito bumalik sa upuan at hawakan ang librong kanina niya pa binabasa
July 16, 2020
Basa nya sa petsa kung kailan inilathala ang libro
"It's the sixteenth day of July. It's been a year na pala 'no Cloudie? simula lumabas 'tong libro natin"
She smiled at the guy and started caressing the pages of the book
"Naalala ko sobrang saya mo noong binalita mo sa 'kin na tinawagan ka ng publisher company na pinag-applyan mo. Sinabi mo pa nga sa 'kin na ililibre mo ako sa unlimited cake kapag napublish na iyong work mo, diba?"
Natawa nalang siya sa mga ala-ala nilang dalawa.
Nilingon niya kung nasaan ang binata at tsaka mahinang sinambit ang mga katagang nagudyok sakanya upang basahin muli ang librong kanina pa tinititigan
"Paano ko nga ba ito malilimutan kung dito tayo nagumpisa. Dito nagsimula kung anong meron tayong dalawa,"
She signed while embracing the cold wind kissing her skin
"Dito nakapaloob ang istoryang tayong dalawa ang gumanap na bida,"
Bumuga siya ng hangin bago buklatin ang kasunod na pahina..
Will recur again the last letter you wrote.
Chapter 1
You need to take care of yourself, my darling.
But they don't know how it feels to be broken
I can't help it if I feel numb,
I'll wait for the waves to leave and come.
I think I'm breaking,
I'm a mess in the making~
Natagpuan ng mga mata ko ang dalawang pares ng sapatos sa aking harapan. Ini-angat ko ang aking paningin upang salubungin ang mukha ng kaklase kong kanina pa yata ako kinakausap.
Hinila ko ang earphone na nasa kaliwang tenga ko para marinig kung ano ang sinasabi niya
"Ano ulit 'yon?" Tanong ko sakanya dahil nga hindi ko narinig kung ano man ang sinasabi niya kanina
"Pinapatanong ni Miss Luwalhati kung mayroon ka na bang piece na ipeperform para sa monthly evaluation natin?" She handed me the evaluation sheet para doon ilagay lahat ng details para sa gagawing performance.
Nakalimutan ko hindi ko pa pala nai-follow up sakanya dahil na rin siguro sa sobrang preoccupied ko para sa gagawing evaluation, ni hindi ko nga alam kung bakit ako preoccupied kahit wala naman akong ibang iniisip.
Kinuha ko sakaniya 'yong evaluation sheet na iniabot niya saakin at tsaka siya tipid na nginitian.
"Meron na. Ako nalang pupunta sa office ni Miss Luwalhati para ibigay yung sheet ko" sagot ko sakaniya
"Ah okay, nga pala hindi ka ba lalabas ng classroom? Break time na"
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng classroom namin. Wala pa ang iba kong kaklase tanging ako, siya at ang tatlong babaeng panay naka tunghay sa salamin at tinitignan ang mga mukhang pumuputok na dahil sa sobrong pula ng mga pisngi
Iniwas ko ang tingin sakanila at ibinalik sa kausap ko
"Hindi na siguro, matatapos na rin naman 'yong break time"
Tinanguan niya ako bago siya patakbong lumabas sa classroom
Mas okay naman dito sa loob ng classroom. Bukod sa air-conditioned ang loob, hindi ganoon kaingay dahil apat lang naman kaming natitira at tsaka ayoko rin naman sa labas dahil wala, ayoko lang.
Sinalpak ko ulit sa tenga ko ang earphone na tinanggal ko kanina para mapakinggan mabuti ang kantang pinapatugtog ko.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa evaluation sheet na ibinigay sa 'kin. Unang tanong pa lang hindi ko na agad alam kung ano ang ilalagay.
What happen Gold? What's bothering you?
Tanong ko sa sarili ko at muling napabuntong hininga na lamang.
Nagawi ang paningin ko sa pintuan at napansing isa-isa nang nagsi-pasukan ang mga kaklase ko sa classroom hudyat na sigurong tapos na ang break time, kasabay din noon ay ang pagpasok ng Music Professor namin na dumiretso sa front desk at humarap sa amin.
"Good Afternoon class, before we start our lesson for today I would like to inform you na napagkasunduan namin ni Miss Luwalhati na hindi muna ako masyadong mag-kaklase sainyo. But, but, but, but," She said waving her index finger bago pa makapagreact ang mga kaklase ko.
"I will still left activities for you to answer kahit wala ako. Since Miss Luwalhati asked me to give you some time para makapagprepare sa monthly evaluation niyo. It's that clear?"
My classmates answered in unison.
Napatango nalang ako bilang sagot, sino bang hindi matutuwa kapag mababawasan ang subject prof na magtuturo, diba?
"Okay let's now proceed to our topic.."
***
"We will discussed the continuation of our topic today next meeting. Okay class dismissed." Niligpit niya ang mga gamit niya na nasa lamesa bago siya lumabas ng classroom
Iniligpit ko na rin ang mga nakalabas kong gamit para makauwi na. Simpleng composition notebook at gel pen na parehas berde ang kulay lang ang inilabas ko dahil magte-take down notes lang naman ako.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.
Girl, I'll go muna sa silver shop minamadali ako ni ate susan may bibilhin lang kami then kita nalang tayo later. Tc
......
Engot ka pa naman AHSHSHAHSHSHHS
Tsk.
Napasingal nalang ako dahil sa pahabol na text message ni Shelly at tsaka binulsa ang cellphone ko.
Isa si Shelly sa dalawang kaibigan ko dito sa university. Hindi ako chatty na tao at mas lalong hindi ako friendly, mas gusto kong manahimik sa isang sulok kaysa makakita ng tao.
I don't have classes after this subject kaya mag-advance study nalang ako in case na umatake ang laziness and unproductive a*s ko mas mabuti ng may stock knowledge ako if ever magkaroon ng surprise recitation ang mga professors.
7pm pa kami magki-kita nila Shelly so why not tumambay muna ako sa Library.
Nilagay ko ulit sa tenga ko ang earphones ko at nagpatugtog habang naglalakad ako sa pathway na papunta sa library.
Actually malaki ang Skyline University: College of Futures na pinapasukan ko, hindi naman sa sobrang prestige pero isa sa mahirap pasukan. Bukod sa kailangan mong pumasa sa three tests nila before ka maka-pasa sa music course titignan nila kung gaano ka ka-passionate sa course na kukuhanin mo sa university nila at kung hanggang saan ang kaya ng learning capacity mo. I'm not smart but not dumb, siguro overflowing lang ang passion ko kaya nakapasa ako dito.
I choose the not-so-short way para doon dumaan dahil mas less ang taong dumadaan doon. Mas komportable ako sa tahimik at walang taong lugar, ang weird diba? Kadalasan kapag mas tahimik at hindi crowded ang lugar, mas creepy pero not for me, it helps me ease my tension.
Hindi rin masyadong nagtagal ay nakarating na rin ako sa library. Mabilis akong pumasok roon at pumunta sa librarian para mag-log in at magpaalam na hihiram ng book.
By the way, I live in a apartment near sa university na pinasukan naming tatlong magkakaibigan
I pinned my library ID at the side of my uniform, I am part of a student librarian kaya required sa amin na isuot ang ID na 'to. Magkaka-iba rin ang uniform ng bawat student dito depende sa kung anong kinuhang course.
College na kami pero required pa rin kaming magsuot ng uniform kaysa mag-civillian. I'm not complaining though kahit simple white blouse with blueish stripe necktie and bushland grey cropped blazer ang top namin at knee-length box pleated skirt na katulad ang kulay sa blazer namin na tinernuhan ng mary jane flat shoes para sa mga babae sa music course. Classic white longsleeve with vest at formal trouser paired with a classic loafer shoes naman ang para sa mga lalaki. Ang sosyal diba? Akala mo royal school ang pinapasukan.
I browse the shelf with my fingers at nagtingin-tingin kung ano ang pwedeng basahin habang nagpapalipas ako ng oras. Walang gaanong tao kapag ganitong oras dahil siguro umuwi na ang iba at ang iba naman ay may mga klase pa.
Kinuha ko agad ang librong kakailangin ko for this day at naghanap ng mauupuan para magbasa dahil marami pa naman akong oras tumambay dito since ang duty ko as student librarian is in the morning, an hour before class.
Pinili ko ang window spot dahil mas komportableng magbasa sa parteng iyon ng library, medyo malayo sa ibang upuan at dahil dito rin nakatapat ang air-con. I put my bag beside me at inilatag sa desk ang mga librong dala-dala ko.
I am peacefully reading on my own nang marinig ko ang tunog ng pinto, hint na may ibang tao ang pumasok. It's a natural thing na mapalingon kapag may bagong dating so I turned my gaze towards the library door. Agad ding nabaling ang tingin ko sa librong binabasa ko dahil hindi naman ako interesadong tignan kung sino ang pumasok.
I've been preoccupied these past few days dahil sa gagawing monthly evaluation. I need book to help me calm and by thinking about that I snapped at doon ko naalala kung ano talaga ang pakay ko sa library.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa bookshelfs para maghanap ng pwede kong basahin para kahit papaano mabawasan ang pagiging sabaw ko.
I passed my eyes through the book titles na hindi ko namalayan na may nakabunggo na saakin
"Sorry" rinig kong sabi ng taong nakabungguan ko.
Hindi ko siya pinasadahan ng tingin at yumuko nalang para magsorry.
Binalik ko ang tingin ko sa mga libro. Nasa kabilang corner na ako ng bookshelf pero hindi ko pa rin makita 'yong hinahanap ko.
"So nasaan ka? hmm, 365 days of arts, to kill a mocking bird, the girl on the train hmm.."
"gotcha!" I exclaimed when I saw the book I'm looking for.
When I'm about to reached the book, someone reached it too. I looked to that someone and pulled the book away from him.
"I'm sorry mister but I got this first" I said fixing my eyes on him
"I was the first one to hold his, so It's mine." He said looking at me with a tilted head
My right eyebrow raised after hearing him.
"I was the first to enter here and also first to see this" I answered back and pulled the book na parehas naming hawak. "Now, let go"
He can have it naman eh lalo na kung hindi ko talaga kailangan pero I needed this din kasi so nope!
"Look miss" He said fixing his eye-glasses
Luh kailangan ayusin kahit 'di magulo?
"I don't have time to vie with you. Give me this" at hinila nanaman ang dapat na saakin
Mukha siyang matalino hindi dahil sa salamin niya pero dahil sa mga dala-dala niya. Palagay ko law or medical technology ang course niya
He wore a formal white polo, a black slacks and a pair of oxford black shoes. No coat? Siguro, wala akong nakita eh.
Magsasalita ulit sana siya ulit nang mag-ring ang cellphone niya.
Kahit nahihirapan siya dahil sa mga dala-dala niya he still managed to picked up his phone but still holding the book.
Tibay mo naman sir, 'di ka bibitaw?
"I'm at the library right now, what do you want?" rinig kong sabi niya doon sa kausap niya. "I'll call you later, I'm still dealing with someth-- f*ck!" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang tumingin siya bigla saakin.
"What the earth, why did you do that?! Why did you kicked my--"
Sinamantala ko na ang chance na kuhanin sakanya 'yong librong kanina pa namin pinag-aawayan at binato siya ng papel na hindi ko alam kung saan ko nakuha.
"Sorry to your future, I needed this. Chao!" I waved my hand and run
Pumunta agad ako sa exit at nag-log out. Hindi ko na kinuha 'yong libro na binabasa ko kanina, pati na rin ang bag ko. Baka maabutan ako non, paano nalang kung barumbado pala 'yon edi sinapak ako? No, no, no.
After I logged out, I immediately run down through the pathway hanggang sa makarating ako sa blossom land, garden lang 'yon pina-ganda lang 'yong tawag aarte ng mga tao dito eh
My heart was pounding to be honest.
"Shunga ka Gold, ayaw mong may mai-encounter na ibang tao tapos magkakaroon ka pa ng kaaway, boba!" Inis na sabi ko sa sarili ko at umupo sa isang bench na katabi ng malaking puno
Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko gamit ang likod ng palad ko at umayos ng upo, inilapag ko sa lamesa ang librong hawak-hawak ko sabay ng pagbuga ko ng hangin dahil sa inis at init na rin
Now what? Dito lang ako hanggang mag 7pm? Hindi ako pwedeng pumunta agad ng main gate baka inaabangan ako non.
Isinandal ko nalang ang likod ko sa puno na katabi ng inuupuan ko. Pinagmasdan ko ang paligid ko, marami ang mga malalaking puno na nandito, iba-iba rin ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid pero mas nangingibabaw ang kulay purple at asul na bulaklak. May net na nakapalibot sa buong garden at may maliit na pintuan na nagsisilbing entrance at exit. Maaamoy mo agad ang halimuyak ng buong area sa pagpasok mo. Kulay berde rin ang mga maliliit na damo na pwede nang higaan dahil sa linis tignan. Kung titignan mo ang kabuuan ng blossom land, iisipin mo na para kang nasa isang fairyland minus na walang mga fairy dito kahit butterfly man lang oh diba ang boring charot.
Ipinikit ko ang mga mata ko para makapagpahinga saglit.
Hindi naman siguro ako namukhaan non tsaka ang laki-laki ng university na 'to napaka-liit ng chance na magkita kami ulit. Sana lang talaga 'wag na mag-krus ang landas naming dalawa.
Ayokong magulo ang buhay kolehiyala ko, please lang.
***
"Bakla ka, asaan gamit mo? Hindi ka naman nagiiwan ng gamit sa uni ah?"
Diretso akong pumasok sa unit namin nang mabuksan ko ang pintuan.
"Naiwan ko lang sa library" sagot ko sakaniya habang tinatanggal ang sapatos ko at ilagay sa shoe rack na nakalagay malapit sa pintuan ng unit namin.
"Sa library ba talaga? Wala sa bahay ng boyfriend mo?" pang-aasar niya sa 'kin
Tinignan ko siya at nakitang diretso ang tingin niya saakin nang nakangiti.
I gave her a disgust look.
"Pinag-sasabi mo?" Balik kong tanong sakaniya. She keeps on bugging me simula kaninang pagdating ko sa Wide Awake Café shop dahil siya ang pinagbayad ko sa pamasahe ko.
"See ah, hindi mo dala ang mga gamit mo na hindi mo naman iniiwan kung saan-saan, tapos hindi mo rin dala ang cellphone at wallet mo. Really Gold?" Nakapamewang niyang sabi sa 'kin.
"Ang cellphone at wallet ang pinakahuling makakalimutan mong dalhin tapos naiwan mo sa library? Tapos 'yan pa." Tinuro niya ang uniform kong nasa paper bag na hindi ko pa natatanggal dahil kanina niya pa ako ayaw patahimikin dahil sa mga tanong niya
"Disheveled blouse, unhooked skirt and messy hair" ginulo niya ang sarili niyang buhok para ipakita sa 'kin kung anong itsura ko kanina pagpunta ko ng shop.
"So? What are you trying to say?" Tinignan ko siya ng diretso para hintayin ang susunod niyang isasagot sa 'kin
"Nakipag-momol ka 'no?!" She shouted pointing her index finger to me.
Kumunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi niya. I don't even have boyfriend nor boy friends. Hindi ko nga kayang dumikit sa lalaki paano niya naiisip na may ginagawa akong kababalaghan?
"What the h*ck are you talking about Shelly? Tigil-tigilan mo na kakacling dyan sa boyfriend mo. Nakucorrupt na niya ang utak mo" I said as I walked towards the kitchen. Siraulo talaga
"Duh it's normal to make out with your boyfriend 'no!" She yell at me at naglakad din papuntang kusina para sundan ako
"I. Don't. Have. A. Boyfriend. At kung meron man, mamatay na 'ko"
Pagkasabi ko non ay siya ring paghampas niya sa balikat ko na sinamahan pa niya ng paghagikgik niya
"Kainis ka! Future nun ka ba girl?" tanong niya sa 'kin pagkatapos niyang manghampas
Bumuntong hininga nalang ako dahil sa sobrang dami niyang tanong. Hindi yata nurse ang gusto niyang course.
"Anong oras nga pala uuwi si Grace?" Pagiiba ko ng tanong para matapos na ang kakulitan niya
"After daw ng research nila. Ihahatid naman siya ni greg donchaworry" sagot niya sa 'kin na nakatutok sa cellphone niya habang nakangiti
"Yes sweetcakes~"
Nagpantig ang tenga ko dahil na narinig kong callsign at pagbungisngis ng kaibigan ko na halatang boyfriend niya ang katawagan.
"I miss you more sweetcakes,"
Pinikit ko ang mga mata ko para kalmahin ang sarili ko. Pusanggalang callsign 'yan?
Hinarap ko si Shelly at nakitang kinikilig-kilig pa ang gaga, sumasakit ang ulo ko.
Naramdaman yata niya na nakatingin ako sakaniya kaya tumingin din siya sa 'kin
Tinaas ko ang hawak kong sandok at tinuro ang labas para doon sila maglampungan ng boyfriend niya.
"Wait sweetcakes, lalabas lang ako may menopause dito sa unit eh"
Rinig kong humalakhak 'yong nasa kabilang linya at ang pagtawa ni Shelly habang palabas ng kusina.
Binalik ko nalang ako tingin ko sa ginagawa ko para makapag-luto ng kakainin ng dalawang patay-gutom kong roomate.
Magkakasama kami nila Shelly at Grace sa iisang unit, hindi 'to malaki pero hindi rin maliit sakto lang para sa 'ming tatlo. Dalawa kaming may part-time ni Shelly bukod pa sa scholars kami, si Grace naman ay ayaw payagan ng magulang mag trabaho dahil sila naman daw ang gagastos para sa pag-aaral nito. Edi hope all diba?
Iwinaksi ko ang mga nasa isip ko ang nagsimulang hiwain ang repolyong nasa harapan ko.
I wonder what does it feels when your parents aren't against on what path you're taking off. I just wonder, hindi ko naman mararanasan 'yon.
Just like they always told me, music won't make me successful.
Napangiti nalang ako ng mapait dahil sa rumehistrong katagang 'yon sa isip ko.
But music makes me live, it is not enough for them to accept and support me?