T H I R D P E R S O N
PINAGPAPAWISAN ng malimig si Preston dahil ramdam niya na hindi maganda ang rason ni Aubrey kung bakit siya nito tinawagan. Sa hindi malamang dahilan ay ramdam niya ang galit ni Aubrey. It's a twin thing. Kung saan nararamdaman ng isa sa kanila ang damdamin ng isa. If Aubrey is sad, afraid or angry he can feel it. Ganun din si Aubrey sa kanya.
As he entered the door Aubrey stood up from her seat and looked at him blankly.
"I thought something happened to you. I'm so worried." Linapitan niya ito at mahigpit na niyakap.
"You are?" tanong nito sa kanya ngunit hindi nito tinugon ang kanyang yakap. He can feel the coldness in her voice which scares him.
Mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa kapatid. He's scared of her. Sabihin mang nakakabakla para sa lalaki ang matakot sa isang babae ay wala siyang pakielam. He loves his sister so much that he will do everything for her to be happy and not to get hurt.
Pero sa oras na ito alam niyang alam na ng kapatid niya ang matagal niyang itinatago dito. Vance told him what happen at the studio. Hinihintay nalang niyang si Aubrey mismo ang lumapit at magtanong sa kanya.
"Tell me. How- no... is there something you need to tell me Preston?" hindi siya kaagad nakagalaw sa tanong ng kapatid. Kahit alam na niyang dadating ang araw sa malalaman nito ang tungkol sa nakaraan nito ay hindi niya napaghandaang mag-isa lang siyang magsasabi ng katotohanan dito.
Inakay niya paupo si Aubrey sa at kahit hindi iya pa alam ang sasabihin ay hindi na siya nagdalawang isip pang i-kwento ang masakit na nakaraan ng kapatid.
SABADO NG hapon abala si Aubrey sa training para darating na taekwondo competition. Halos lahat sila ay pagod na dahil sa maghapon na training. Kahit hindi na bago sa kanila ay hindi parin nasasanay ang kanilang katawan bugbugang training.
"Okay, water break guys." Tawag sa kanila ng coach. Matapos niyang tanggalin ang armor gear ay dumiretso agad siya sa water dispenser.
Habang umiinom ay nilipitan siya ni Ally itinuro sa kanya nito ang pintuan kung saan naka silip ang kapatid na si Preston kasama ang isang lalaki todo makangiti. Nagpaalam siya sa kanilang coach bago puntahan ang kapatid.
"What are you doing here?" tanong ni Aubrey sa kapatid. Akala niya ay isang tao lang ang kasama ni Preston. May lima pa itong kasamang lalaki bukod pa yung kaninang nakasilip din sa may pinto.
"Tapos na ba ang training niyo?" tanong nito sa kanya. Sakto namang sumigaw ang kanilang coach na bukas nalang ulit magpapatuloy ang kanilang training.
"Looks like coach answered you already. Bakit ba?" sarkastikong tanong ni Aubrey. Pinuntahan niya ang kanyang mga gamit at sinimulan itong ayusin.
Sinundan siya ni Preston na maya't maya binabanti ng mga babae niyang ka team. Palibhasa ay gwapong gwapo din sa sarili si Preston kaya labis itong natutuwa sa atensyon ng kababaihan. Nang mapansin ito ni Aubrey ay hindi na niya napigilang mapairap sa kapatid.
"Sorry about that..." napailing si Aubrey sa inusal ng kapatid. "as I was saying, gusto sana kitang isama sa gala namin ng mga tropa ko."
"Alam mo naman man na kailangan ko pa ding mag training sa bahay diba? And besides hindi ko naman sila kilala." nagpaalam na siya sa kanyang coach bago tuluyang umalis.
"That's the point sis. Kaya nga isasama kita ay para makilala mo sila and vice versa. Saka puro ka nalang training these past months. Hindi na nga kita masyadong nakikita sa bahay or school. I miss you already." Natigilan si Aubrey sa inusal ng kapatid.
Tama ito. She's been preparing for an international copetiton kaya ilang buwan na rin silang hindi gaano nagkakausap o nagkikita dahil tutok siya sa training. She misses him too but the competition is her first priority.
He looks at her brother and for pete's sake he's doing a puppy-eye-look na ikinanoot ng noo ni Aubrey dahil mukha lang naman itong tangang na nagpapaawa. "What the heck are you doing?"
"Trying to convince you with my cuteness." Napanganga si Aubrey sa sinabi nito. Kung hindi lang niya kapatid si Preston ay baka kanina niya pa niya nasapak ito.
"Fine. But stop doing that hindi bagay sayo mukha ka lang tanga." Bigla naman nag-ingay ang mga kaibigan ni Preston sa likod dahil sa pambabara ni Aubrey.
Nalimutan niya kasama ng pala ni Preston ang mga kaibigan nito kaya gulat siyang napatingin sa mga ito. Para namang may anghel na dumaan dahil bigla nalang nanahimik ang mga kabarkada ni Preston ng lingunin ito ni Aubrey.
"Hi" sabay-sabay ng mga itong bati kay Aubrey. Bagamat may pagaalinlangan ay binati niya parin ang mga ito ng nakangiti.
Humarap siya sa kapatid at ibinigay ang bitbit niyang gear bag. "Umuwi muna tayo. Kailangan ko pa maligo ulit."
"Sure little sis." Napangiti nalang siya ng inakbayan siya ni Preston tulad ng dati.
Hanggang sa pag-uwi sa bahay ay kasama nila ang mga kaibigan ni Preston. Hindi na siya nagtaka ng batiin ang mga kanilang magulang at feel at home. Siguro ay matagal ng nalalagi ang mga ito sa kanila pero hindi niya lang napapansin dahil lagi din naman siyang wala sa bahay.
Nagsuot siya ng faded blue ripped jeans at grey sweatshirt. Nang makababa galling kwarto ay naabutan niya ang mga kaibigan ni Preston na masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga magulang.
"Hey Luther stop staring at my sister's face." Narinig niyang suway nga kapatid sa isang kaibigan nito.
"I'm not staring. I'm admiring her face." Sagot naman nung Luther.
Ang lahat ay naghalakhakan at nagsimulang tuksuhin si Luther dahil sa isinagot nito. Ang mga magulang naman nina Aubrey ay nakitawa nalang rin. Natigil lang ang tawanan ng makita siyang nung lalaking kulot ang buhok at siniko si Luther.
"Hey Aubrey." Awkward itong ngumiti sa kanya kaya napatawa ang lahat.
Nagpaalam na silang lahat at sumakay sa isang black minivan. Sa kotse sila kanina sumakay kaya hindi alam ni Aubrey kung kaninong van ang sinasakyan nila ngayon. Maiingay ang mga ito puro tawanan at biruan ang maririnig mo sa loob ng van. Lalo pa't katabi niya si Luther.
"Ehem bago ang lahat. Magpakilala muna tayo sa kapatid ni Preston. I'll start, hi I'm Aaron." Agaw atensyon sa kanila ng driver na si Aaron.
"I'm Lionel the cutest." Pagpapakilala nung katabi ni Luther na sa tingin niya ay ang pinakamaliit sa magkakaibigan.
"Benjamin here. You can call me Ben ang pinaka malambot ang katawan." Pakilala naman nung lalaking may pinaka mahabang buhok sa lahat ng lalaki sa van.
"I'm Vance. Nice to meet you." Maikling usal lang ng katabi ni Benjamin.
"Last but not the least, I am Roland the hottest." Lahat ay nag protesta dahil sa sinabing iyon ni Roland.
Hindi mahirap pakisamahan ang mga kaibigan ni Preston kaya mabilis napalagay ang loob ni Aubrey sa mga ito. Heto at nakikisakay nalang siya sa pangtutukso sa kanila ni Luther. Kesyo na love at first sight daw ang lalaki sa kanya. Partida pa na kapatid niya mismo ang nagpasimula ng panunukso.
"We're here guys." Nagkagulo sa loob ng van ng tumigil ito sa labas ng isang bar.
Isa-isang naglabasan ang mga ito habang siya naman ay inalalayan ni Luther. "Thank you." Pagpapasalamat niya dito.
Narinig niya ng sipol ng kalalakihan dahil sa ginawang iyon ni Luther. "Shut up." Tanging sagot nalang ng lalaki.
"Party! Party!" sigaw pa nga mga ito.
Para naman nakalimutan na si Aubrey ni Preston dahil mabilis na itong umariba papasok ng club ganun rin naman ang ginawa nina Lionel, Ben at Aaron. Wala na siyang nagawa kundi ang sumabay nalang kila Luther at Vance.
Hindi na bago kay Aubrey ang magulo, maingat at siksikang club. Minsan na din nilang ginagawa ito ng kanyang mga kaibigan. Na miss ni Aubrey ang makapasok sa ganitong lugar ilang buwan na din siyang bahay school lang kaya nakakapanibago ng konti sa Sistema niya.
Nang makapasok sila ay dumiretso sila sa VIP lounge kung saan may iba't ibang alak ang nakalatag sa lamesa. Si Lionel lang ang nakita ni Aubrey nakaupo habang hinihintay sila kaya naman nilibot niya ang kanyang mata at nakitang nakikipag sayaw na ang kanyang kapatid sa isang babae.
Lanya ka Preston kinalimutan mo agad ako. Naiusal ni Aubrey sa sarili habang minumura niya si Preston sa kanyang utak.