"Bakit ang init ng ulo mo, sweetie? Hmm...buntis ka na ba?" Bigla akong tumingin dito nang masama. Ano'ng problema ng lalaking ito? At kung ano-ano ang pumapasok sa utak nito. "Hmmm... Let's go, magpacheck-up ka na at baka nga buntis ka na," baliw na wika nito. "Ang daming mong alam, Mr. Fuentebella, huwag mo nga akong kausapin, pwede? Hindi kita kilala!" asik ko rito. Nagulat ako nang lumapit pa ito sa akin at halos magdikit ang mga mukha namin. "Ssttkk...talaga hindi mo ako kilala?" mapang-akit na tanong nito sabay halik sa gilid ng labi ko. Bigla akong lumayo rito, dahil inaabot na naman ang mahalay na utak. Ngunit maliksi siyang sa akin at mahigpit akong hinawakan sa beywang. "Magpapakilala ako sa 'yo, sweetie...hhmmm...ako lang naman ang iyong asawa," bulong nito na aking kin