Nakita kong naglalakad ito sa papalapit sa taong may hawak ng susi at basta na lang pinagsusuntok, ang kawawang nilalaang ay bumagsak nang walang malay. Kinuha ang susi at muling lumapit sa akin at basta na lang inilagay sa palad ko, umalis sa harap ko nang walang paalam at hindi nagsasalita. Masyadong matampuhin ang lalaking iyon. Baka mamaya ay wala na rin ang sumpong noon. Agad akong lumapit sa kulungan upang buksan iyon upang makalabas ang mga bata. "Huwaag kayong maingay ha," biling ko sa mga dalagita. Agad na nagsinatango sila sa akin. Hindi ko muna pinalabas ang mga ito, habang hindi ko pa nabubuksan lahat ng kulungan. Muli akong nagbilin sa mga ito na huwag gagawa nang ikakapahamak nila. Walang ingay na pinuksan ko ang pinto ng kulungan, baka kasi bigla nilang marinig at mags