PROLOGUE

1020 Words
Lumaki ako sa kumbento. Okay sana ang buhay ko sa doon. Dahil kahit papaano ay nakakapag-aral ako kasama ang mga bata roon. Labing limang tanong gulang ako noon ng masunog ang naging tahanan na kinalakihan ko. Halos gumuho ang mundo ko. Kasama ang mga batang nakatira din doon. Natuwa naman ako nang malaman kong mayroon aampon sa akin na mag-asawa. At wala sialng anak pero ang sayang nadarama ko ay saglit lamang at biglang naglaho. Dahil ginawa akong katulong ng mag-asawa. Akala ko'y makakapag-aral na akong muli. Pero maling akala pala dahil puro pahirap ang naranasan ko. Dumating din sa point na binubugbog ako ng mag-asawa. Pero wala akong magawa ng mga panahon na iyon. Dahil isa lamang akong batang paslit. Hanggang sa dumating ang araw na gusto nila akong ibinta sa isang parokyano. Puro pasa ang katawan ko. Dahil tumanggi ako sa gusto nila. Halos patayin ako ng mag-asawa at gumapang sasakit ng katawan ko dahil hindi ko na kayang tumayo. Nagimbal ang buong sistema ko nang malaman kong itutuloy pa rin nila ang pag-binta sa akin. Malaking halaga raw ang ibabayad sa kanila ng mga parokyano. Pero hindi ako papayag na basta na lamang akong ibenta ng mag-asawang Kim. Kahit hirap na hirap ako sa paglalakad ay pinilit kong makaalis sa bahay ng mga ito. Kalaliman ng gabi ng binalak kung tumakas. Pinilit kong makasampa sa gate. Kahit may takot sa aking dibdib. Alam kong oras na maibenta na nila ako'y ay wala na akong takas sa mga parokyano. Laking tuwa ko nang makalabas ako ng gate. Ang masaklap lang ay bumuhos ang malakas na ulan pero hindi ako tumigil sa pagtakbo dahil gusto kong makalayo sa bahay ng mag-asawang Kim. Nanginginig na rin ang buong katawan ko dahil sa lamig. Pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Isabay pang kumakalam ang aking tiyan. Dahil simula umaga ay hindi pa ako kumakain. Parusa ko raw iyon sabi ng mag-asawang maitim ang budhi. Nagtatanong tuloy ako sa aking sarili ko. Nasan ang aking mga magulang ko? Bakit nila ako pina-ampon? Kahit gusto kong magalit sa kanila ay himdi ko magawa. Para sa akin ay sila pa rin ang magulang ko. Tumatak din sa isip ko ang sinabi ni Mother superior na may dahilan ang mga magulang ko kaya dinala nila ako sa bahay ampunan. Tumigil akong bigla at gusto kong tumawid sakabilang kalye. Ramdam ko ring nanlalabo na ang aking paningin. Walang babalang tumawid ako. Ngunit narinig ko ang malakas na busina ng kotseng malapit na sa akin. Akala ko'y kataposan ko na ng mga panahon na iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ko ang pagtama ng kotse sa aking katawan. Ngunit isang malakas na pagpreno ng sasakyan ang aking narinig. "Hey, little girl!" narinig kong sigaw ng isang lalaki bago ako tuluyang nawalan ng malay. Nagising ako sa mga taong nag-uusap sa paligid. Kaya tumingin ako sa mga ito. Humanga ako sa taglay na ganda ng tatlong babaeng nasa aking harapan. Bumaling din ang mata ko sa isang lalaki. "Si -Sino po kayo?" tanong ko. Agad na tumayo ang tatlong babae at lumapit sa akin. Mga nakangiti pa ang mga ito. "Kamusta ka na? Sino ang gumawa sa 'yo ng mga pasa mo sa iyong katawan?" tanong ng babaeng mukhang manika. Malungkot ako tumingin sa mga ito. Ibinuka ko ang aking bibig upang magsalita. Lahat ng mga nangyari sa akin ay sinabi ko sa kanila, kung papaano ako saktan ng mag-asawang Kim. Pinaalam ko rin sa mga ito na nasunog ang kumbeto na dati kong tirahan. Na kung saan ako lumaki at nagkaisip at sinabi ko rin wala na akong magulang dahil pina-ampon nila ako. Niyakap nila ako nang matapos kong sabihin iyon. Nagpakilala ang mga ito akin. At tawagin ko na lamang daw silang, Ate Kara, ate Sky at ate Shy. Labis akong natuwa nang tanggapin nila ko bilang bunsong kapatid kahit hindi kami magkakadugo. Nagpakilala na rin sa akin ang lalaki at tawagin ko raw siyang boss Zach. Kinausap nila ako na tutulungan na makapag-aral. Pero pagsapit ko ng 20-years old ay kailangan kong magtrabaho kay boss Zach bilang Agent. Pabor iyon sa akin. Dahil gustong-gusto kong maging Agent para mahanap ko na ang aking pamilya. Hinintay lang nila na gumaling ang mga pasa at sugat ko sa aking katawa at inayos na rin papel ko para sa aking pag-alis papuntang US. Doon kasi ako mag-aaral. Hanggang sa makapagtapos ako. At maging ganap na Agent. Sobrang bilis ng nangyari sa aking buhay. Tanging pag-aaral at training ang aking ginagawa. Wala akong problema pagdating sa pagkain. Lahat nang kailangan ko'y binibigay ni boss Zach. Akala ko'y ako lang ang tinutulungan nito pero meron papalang isa at naging kaibigan ko rin ito. Lahat ng klase na pakikipaglaban ay itinuro sa amin. At nalampasan namin iyong lahat ni Key. 19-years old ako nang mabalitaan kong nag-asawa na ang tatlong Ate ko at ganoon din si boss Zach. Pero kahit nag-asawa na si boss ay hindi pa rin niya kami pinabayaan. Sobrang mabuti din ng asawa nitong si Ma'am Ella. Pagsapit ko ng 20-years old. Ito pinakahihintay kong araw ang maging ganap na akong Agent. Sobrang saya ko ng makapasa ako bilang Agent ng bansa lahat ng pagsubok na ibinigay sa akin ay natapos ko At nalampasa. Dahil dugo at pawis ang naging puhunan ko makamit ko lamang ang matagal ko ng ina-asam. Alam kong nag-uumpisa pa lamang ako at marami pang pagsubok na darating sa aking buhay. Kakayanin kong malampasan iyon basta't magtiwala lang sa kanya. Kailangn ko ring mahanap ang mga magulang ko. Kahit sabihing hindi na nila ako naaalala ay sila pa rin ang aking Ama at Ina. Kung hindi dahil sa kanila ay wala ako sa mundong ito. Hindi ko masisilayan ang ganda ng daigdig. Pero paano? Saan ako masisimula? Paano kung ayaw talaga nila akong makita kaya pina-ampon nila ako. May pangamba pa rin sa akin puso. Pumapasok rin sa aking isipan na baka wala na sila sa mundong ito. Iyon ang aking kahinaan. Ang mga negatibong pumapasok sa aking utak. FIRST KISS_ THE AGENT SERIES 5 --------❤❤❤❤-------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD