KABANATA DALAWA

3017 Words
Aouie Fortalejo Pov's Andito ako ngayon sa loob ng kotse, si Asher ang nagmamaneho ng sinasakyan namin. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang dinadaanan namin. Huminto ang sinasakyan kong kotse sa isang napakalaking bahay at ang dami niyang bintana. "Wow, napalaki naman ng mansion na ito." Manghang sambit ko habang pinagmamasdan ito. "Hindi yan bahay ang tawag diyan ay building at ang building na ito ay pagmamayari ng mga Atticus." Natatawang paliwanag niya sakin. Naguguluhan man ako sa mga sinasabi niya tumango parin ako na parang naiintindihan ko talaga lahat ng mga sinabi niya. Aaminin ko may mga bagay na hindi ko alam at meron naman na alam ko. Dahil siguro ito sa pagkaka-coma ko ng matagal kaya siguro kahit yung mga kunting bagay lang ay hindi ko matandaan at maintindihan. Niyaya niya na akong pumasok doon sa malaking building. Pinagbuksan kami ng mga lalaking naka-tuxedo. "Goodmorning Mrs. Atticus!" Lahat ng nakakasalubong kong tao lahat sila ay yumuyuko sakin, yung iba naman ay bumabati ako. "Bakit parang lahat sila kilala ako?" Nagtatakang tanong ko kay Asher. "Dahil ikaw ang pangalawang may pinaka malaking share dito sa kompanya ikaw rin ang vice president at higit sa lahat ikaw ang asawa ng may-ari nito. " Paliwanag niya. Tumango tango naman ako sa kanya. "Maiintidihan ko rin lahat ng mga sinabi mo." Dismayadong sambit ko sakanya. Umiling-iling naman ito sa sinabi ko. Pumunta kami sa isang pinto na nahahati sa gitna at pumasok doon, may pinindot siya sa gilid at bigla na lang kaming umakyat pataas. Hindi ko alam pero ang pakiramdam ko parang naiwan ata ang kaluluwa ko sa baba. Wala pang isang minuto bumukas ulit ang pinto. Naglakad kami hanggang dulo ng building na ito at sa dulo nito may isang pinto. Kumatok ng tatlong beses si Asher bago pumasok. "Are you idiot?" Nanggigil na tanong niya doon sa lalaking kaharap niya."f**k!" Dagdag niya. May kinuha siya sa ilalim ng lamesa niya at pagkatapos itinutok niya iyon sa ulo ng lalaking kausap niya. Bigla na lang napaluhod yung lalaki. "Don't you dare to apologise to me!" Nanlilisik ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Gusto kong lumabas at umalis sa lugar na ito, pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Sobrang bigat ng aking pakiramdam, pakiramdam ko ay parang nasa impyerno ako. Bakit siya galit na galit? "So-" Bang! Bang! Bang! Isang nakakabinging tunog ang lumbas doon sa hawak-hawak niya. Bumagsak ang lalaki at may lumabas na dugo sa katawan nito. Kusa ng humakbang ang aking mga paa. Paalis na sana ako ng mabangga ko si Asher. Nasa likod ko nga pala siya. "Shhhh..." Inilagay niya ang isang daliri sa kanyang labi. Hindi ko alam kong bakit pero nanginginig ang buo kong katawan kahit anung gawin kong pagpipigil hindi ito tumitigil sa panginginig. "Heyy Azu, look at your wife she's scared and now she's crying!" Sigaw ni Asher kay Azu . Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Itinago niya ulit yung hawak-hawak niya sa ilalim ng lamesa. Tumakbo si Asher doon sa lalaking duguan at binuhat niya iyon atsaka lumabas. "Hindi kaba uupo?" Malabing na sabi niya. Dahan dahan akong naglakad papunta doon sa sofa para umupo ng makaupo ako binigyan niya ako ng isang basong tubig at pagkatapos umupo ito sa harapan ko. Hindi ko alam kung pano siya kakausapin natatakot ako sa kanya. "Hey, baby look at me." Malambing parin na sabi niya. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para makita siya. Hindi na nanlilisik ang mga mata niya gaya kanina. Tumayo ito at lumipat sa tabi ko. Hinila niya ako palapit sakanya at pagkatapos niyakap ako. "Sorry..." Malabing parin na wika niya. Bakit sa tuwing didikit siya sakin lagi na lang lumalakas ang t***k ng puso ko? May sakit na ba ako sa puso? Kanina ko pa gustong umuwi pero alam mo yung pakiramdam na ayokong sabihin sa kanya? Feeling ko kasi kapag sinabi ko sa kanya na pagod na ako baka magalit siya at mangyari sakin ang nangyari kanina. Kaya minabuti ko na lang na manahimik dito sa kinauupuan ko. "Masyadong delikado kung isasama pa natin siya alam mong magkakaroon tayo ng transaction sa lugar na iyon at kung mamalasin pa tayo baka magkaroon pa ng bulilyaso." Seryosong wika ni Asher. Tumingin siya sa direksyon ko at seryoso ang mukha niya gano'n din si Azu. Ano ba meron? Transaction? Ano ba ang pinagsasabi ng isang ito? "Gusto siyang makita ni daddy at gusto ko rin siyang ipakilala sa lahat." Seryosong wika naman ni Azu kay Asher. "Dude, pwede naman natin siyang ipakilala kay tito sa susunod na araw." Seryosong wika parin ni Asher. "Alam mo naman na bigla bigla na lang sumusulpot ang mga assassin lalo na kapag nagkakaroon ng transaction." Aniya pa niya. "Pero alam mong hindi natin pwedeng balewalain ang sinabi ni daddy kapag sinabi niya sinabi niya." Seryosong sabi parin ni Azu kay Asher. Hindi ko alam pero sumasakit ang ulo ko sa usapan nila kahit anong gawin kong pagiintindi hindi ko parin maintindihan. Transaction? Assassin? Hinawakan ko ang ulo ko sa kadahilanang kumikirot ito. "Baby are you okay?" Tiningnan ko siya at kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala. "Hu-huh? Oo medyo nanakit lang ang ulo ko." May kumatok ng tatlong beses sa pinto. May limang lalaking pumasok at lahat sila ay naka-tuxedo. Tumayo si Azu at isinuot rin ang tuxedo na nakalagay sa upuan niya. Teka nga bakit ba lahat sila na naka-tuxedo? "Pupunta ba tayo sa patay? Bakit lahat kayo naka-tuxedong itim?" Nagtatakang Tanong ko. Napahalakhak nang malakas si Azu sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Napanguso ako. Inayos niya ang sarili niya ng mapagtanto na siya lang ang tumatawa sa tanong ko. "Let's go." Naiilang na wika niya. Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming lumabas ng office niya. Ito na naman po ang puso ko. Sobrang lakas ng t***k nito at parang gusto niya ng lumabas dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. Huminto ulit kami doon sa pinto na pinanggalingan namin ni Asher. Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Azu. "Pwede bang maghagdanan na lang tayo?" Seryosong wika ko. "Ano ba ang tawag diyan sa sasakyan na yan? Kapag sumasakay kasi ako diyan feeling ko naiiwan ang kaluluwa ko." Dagdag ko pa. Napahalakhak ulit ito nang malakas at sa pagkakataong ito na mimilipit na siya sa kakatawa. Gano'n din sila Asher. Hindi ko alam pero may mali ba sa sinabi ko? "Sasakyan raw." Natatawang wika ni Asher. "Kailan pa naging sasakyan ang elevator." Tawang-tawang wika nito. Naiiyak na ako. Pinagtatawanan ba nila ako dahil hindi ko alam na elevator pala iyon at hindi sasakyan? Ang sama nila iiyak na talaga ako! Tumigil naman si Azu sa kakatawa nang mapansin niyang paiyak na ako sa kinatatayuan ko. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. Ngumiti ito sakin at pinitik ang noo ko. Napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at sabay kaming pumasok doon sa elevator. . . . . . Himinto ang sinasakyan naming kotse sa isang napakalaking building, bumaba si Azu at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha niya ang aking kamay at ipinulupot sa kanyang braso. Sabay kaming naglakad papasok doon sa building. Pagpasok namin may nagsasayawan at lahat ng mga tao doon ay mamahalin ang mga kasuotan. Nasa gitna kaming dalawa ni Azu sa gilid ko si Asher habang ang isang lalaki naman ay na sa gilid din ni Azu habang ang iba naman ay nasa likod namin. "Magandang gabi Mr. Atticus masaya akong makita kayo dito sa party." Maypaggalang na wika ng lalaki. "Did you see my Father?" Seryosong tanong naman ni Azu doon. "Sorry, wala po dito si Mr. Alfredo Atticus ang pagkakaalam ko po ay nasa amerika pa siya hanggang ngayon." Maypaggalang paring na sagot niya. Tumango naman si Azu bilang tugon. Inihatid kami ng lalaki doon sa mga taong naka-tuxedo rin. "Masaya akong makita kayo Mr.Atticus." sabi nung isang babae. "Masaya rin akong makita ka." Tugon naman ni Azu. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkairita. "Who's that girl?" Turo ng babae sakin. "She's my wife." Tugon ulit ni Azu at tumingin siya sakin at ngumiti. Gulat na gulat ang babae sa sinabi ni Azu. Tinulungan niya akong makaupo at pagkatapos umupo na rin siya. Pinaggigitnaan ako ni Azu at Asher. Hinawakan ni Azu ang kamay ko ng sobrang higpit. "Dala niyo ba lahat ng armas na sinabi namin?" Panimulang tanong ni Asher. "Eh kayo sapat ba yang dala niyo?" Seryosong tanong naman ng lalaki. "Uminom po muna kayo Mrs. Atticus." Nakangiting sabi nung lalaki kanina. Inilapag niya yung hawak hawak niyang baso na may lamang juice. "Thanks." Nakangiting wika ko sa kanya. Hahawakan ko na sana yung basong inilapag niya pero mabilis itong inilayo ni Azu sakin. Tumingin ako sa kanya. Seryoso itong nakatingin sakin at umiling. Nakita ko na ang tingin na iyan ganyan na ganyan rin ang ibinigay niyang tingin doon sa lalaki kanina sa office niya. At kahit nauuhaw na ako hindi ko na pinilit ang sarili ko na kuhain pa ang baso na inilayo niya sakin, ayuko pang mamatay noh. Inilapag ni Asher ang kanina niya panghawak-hawak na malaking box na may zipper. "Anung tawag diyan sa bagay na yan?" Pabulong na tanong ko kay Asher. Ngumiti ito bago sumagot. "Suit Case." Tumango ako sa kanya bilang dugon. Binuksan ni Asher ang suit case at punong puno ito ng mga pera. Gulat na gulat naman ako ng makita iyon. May inilabas naman ang kabilang mga lalaki. Napakalaking box iyon at nasakop na ito ang buong lamesa. Binuksan ng isang lalaki ang box at tumambad samin ang iba't ibang klase na hawak-hawak kanina ni Azu nung nasa office kami. "Ano naman tawag diyan sa bagay na yan?" Takang tanong ko ulit kay Asher. "Baril." Tipid na sagot niya sakin. "Baril?" Patanong na sagot ko. "Oo, iba't ibang klase ng baril yan at lahat yan ay nakakapatay sa isang baril lang." Asher. Nanindig naman ang mga balahibo ko sa batok ng marinig ko iyon. Kinuha nila Asher ang napakalaking box na may lamang iba't ibang klase ng baril. Hahawakan na sana ng kabila ang suit case nang biglang may isang putok ng baril ang tumama doon. Mabilis akong hinawakan ni Azu at itinago doon sa ilalim ng lamesa. Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko ng may hawak na itong baril. Saan niya nakuha ang baril na yan? Wala naman siya nan kanina ahh? Inalalayan niya akong tumayo. Nakita ko sila Asher na may hawak na ring mga baril. Puro putukan ang aking naririnig sa paligid. Nagkakagulo na rin ang mga tao. Sobrang higpit nang pagkakahawak ni Azu sa kamay ko. Hindi ko alam kung paano ako maglalakad sobrang nanginginig kasi ang buo kong katawan sa sobrang takot. "Ito na nga ba ang sinasabi ko." Naiinis na wika ni Asher. Hinawakan ni Azu ang kwelyo ni Asher. "Wag kanang maraming pang sinasabi diyan, kunin mo na ang suit case para makaalis na tayo." Nagtatangis ang mga bagang na wika ni Azu. Azu Atticus Pov's Nilingon ko sa likuran ko si Aouie pero wala na siya sa pwesto niya. Hindi ko na masyadong maaninag ang paligid ko dahil nababalutan na ito nang nakalalason na usok. "Wife? Wife?" Malakas na sigaw ko. Nasaan ba kasi ang babaeng iyon nasa likod ko lang siya kanina. "f**k!" Me. "Boss, kailangan na nating umalis." Itinutuk ko ang baril na hawak hawak ko sakanya at pagkatapos ipinutok iyon sa ulo niya. "Hindi mo na kailangan pang ipaalala sakin." Umalis na kami sa lugar na iyon. Paglabas namin ng building isang hindi pamilyar na babae ang bumungad samin at hawak hawak niya si Aouie. Inabot niya sakin si Aouie na mabilis kong inalalayan. Pinalibutan siya ng mga tauhan ko at tinutukan siya ng baril. Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan siya. "Okay lang siya wag kang mag-alala nawalan lang siya ng malay." Mahinahon na wika niya. "Hindi mo na dapat siya isinama pa dito. Isang napakalaking pagkakamali na idinala mo pa sa lugar na ito si Aouie ngayong alam niya na nabuhay siya mas magiging delikado pa ang buhay ng babaeng yan." Seryosong aniya niya. Teka panu niya nalaman ang pangalan ni Aouie? Magtatanong pa sana ako pero mabilis itong sumakay sa motor niya at umalis. Someone Pov's Nabalutan ng nakalalason na usok ang buong paligid. Nakita ko si Aouie na nahiwalay kila Azu. Pinuntahan ko siya at inilayo sa lugar na iyon. Nasa labas na kami ng mahimatay siya dahil sa sobrang takot. Hinintay kong lumabas sila Azu sa building para ibigay sa kanila si Aouie. Isang familiar na lalaki ang lumabas sa building. Binigay ko sa kanya si Aouie. Pinalibutan ako ng mga tauhan niya at tinutukan ako ng baril. Nanlilisik ang mata niyang tumingin sakin. "Okay lang siya wag kang magaalala nawalan lang siya ng malay." Mahinahon na wika ko. Binigyan ko siya ng babala at pagkatapos ay umalis na sa lugar na iyon. Aouie Fortalejo Pov's Iminulat ko ang aking mata at ito'y inilakbay ko sa paligid. Nakita ko si Azu na nakaupo sa tabi ko. Teka na sa bahay na ba ako? Ang alam ko na sa party kami nila Azu ehh? "Hey, wife are you okay?" Maypagaalalang tanong niya. Inalalayan niya akong umupo. Inilakbay ko ulit ang aking mata sa paligid. Teka hindi ko naman ito kwarto. Bakit ako nandito? "Okay ka lang ba?" Tanong niya ulit. "Andito ka sa kwarto ko kaya wag kang mag-alala." Dagdag niya pa. Sa kwarto niya? "Teka diba na sa party tayo? Bakit andito na agad tayo sa kwarto mo?" Takang tanong ko sa kanya. "Sa susunod na mangyari ulit ang bagay na yun wag na wag kanang aalis pa sa tabi ko." Seryosong wika niya. Bakit hindi niya sinagot ang tanong ko? Masyado bang mahirap ang tanong ko sa kanya? Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos pinitik niya naman ito. Pangalawang beses niya na yang ginagawa ah? Nasasanay naman ata siya tsk! Ngiting-ngiti ito habang pinagmamasdan ang mukha ko. Iniwas ko ang tingin ko dahil naiilang ako sa ginagawa niya. Hinawi niya aking mukha paharap sa kanya. At pagkatapos dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magkadikit na ang mga bunganga namin. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Halos naririnig ko na nga ito. Lumayo ito ng kauntin sakin. "Pati pa naman kung paano humalik nakalimutan mo na rin." Nakangiting wika nito. Humalik? Yung ginawa niya ba yun ba ang halik na sinasabi niya? Muli niya na naman akong hinalikan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko? Lumayo ulit ito, ngumiti siya sakin at pagkatapos humiga siya sa tabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Wife, aalis ako mamayang madaling araw kailangan kong puntahan si daddy sa Amerika para tingnan kung ayos lang ba siya doon." Malambing na wika niya at habang yakap-yakapako. "Malayo ba ang Amerika?" Seryosong tanong ko. "Oo naman sasakay pa kasi ako ng eroplano makarating lang doon." Malabing niya paring tugon sakin. "Eroplano?" Takang tanong ko sa kanya. "Sasakyan yun na dumadaan sa himpapawid." Paliwanag niya. Tumango lang ako kahit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya sakin. "Wag kang magalala andito naman si Asher para bantayan ka." Bigla namang sumeryoso ang tono ng boses niya. "Eh panu ka naman?" May pagaalalang tanong ko sa kanya. "Pagdating ko sa Amerika susunduin ako ni Mavy sa Airport." Malambing na sabi niya. "Kaya wag kang mag-alala." Dagdag niya pa. Kaya pala hindi ko nakikita si Mavy nasa amerika pala siya. "Pagbalik mo ba, kasama mo na si Mavy?" Seryosong tanong ko naman sa kanya. Tumango ito bilang tugon. Nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. "Good night, my precious wife." Naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Azu Atticus Pov's Hinintay ko munang makatulog ng mahimbing si Aouie bago ako umalis sa kwarto ko. Nakita ko si Asher na naghihintay doon sa baba at kasama niya yung babae. "Iiwan mo siya ng walang proteksyon seryoso ka?" Natatawang tanong nito sakin. "Hindi ako tanga para iwan siya ng walang proteksyon." Seryosong wika ko naman sa kanya. "Alam ko naman na babantayan mo siya, kahit hindi ko sabihin sayo," Nginitian ko ito. "Andito naman si Asher para proteksyonan kayo." Dagdag ko pa "Lalo mo lang pinapahamak ang buhay niya dapat hindi mo na siya ipinakita pa doon." Mas lalong sumeryoso ang tono ng boses niya. "Bakit? Ano bang alam mo sa buhay niya?" Seryosong tanong ko sa kanya. Umiwas naman ito ng tingin sakin. Ramdam kong may alam ang babaeng ito, pero sa ngayon kailangan ko siya, para masiguro ang kaligtasan ni Aouie. "Nabalitaan ko na simula ng mamatay ang mama at Lola niya lagi mo na siyang sinusundan at noong na aksidente siya tatlong taon na ang nakaraan ikaw ang nagdala sa kanya niya sa hospital." Me. Iniwas niya lang ang tingin niya sakin. "Ano ba ang gusto mo?" Seryosong ang tono ng kanyang boses. "Gaya ng sinabi mo delikado ang buhay niya, kahit naman hindi pa siya nagigising madami nang nagtatakang patayin siya at kahit ako hindi ko alam ang dahilan nun." Seryosong wika ko parin sa kanya. "Ibig mong sabihin kahit na naka-coma na siya madami paring pumupuntang assassin para patayin siya?" Seryosong tanong niya ulit sakin. Assassin? "Ano naman ang kinalaman ng Assassin dito?" Seryosong tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam, pero sila ang nagtatangkang pumatay kay Aouie." Seryosong sagot niya. "Kung ganun tutulungan mo ba ako, Eileithia Evangelista?" Seryosong tanong ko sa kanya na siyang ikinagulat niya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong nito. "Hindi na mahalaga yun, ang mahalaga ngayon papayag kaba o hindi?" Seryosong tanong ko parin. "Kahit na sabihin ko pa na ayuko, alam ko hindi na ako makakalabas pa ng buhay dito." "Mabuti naman at nagkaintindihan tayo." Nakangiting sambit ko. Kinuha ko na ang gamit ko sa sofa at iniwan ko siya doon na may takot sa kanyang mukha. "Siya nga pala turuan mo siya sa mga bagay na hindi niya alam." Pahabol kong wika sa kanya at tuluyan na nga akong lumabas ng mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD