Chapter 1

1310 Words
Nakaupo si Tyller sa mahabang sofa sa malawak na sala ng kanyang bahay habang nakapatong ang kanyang mga paa sa salamin na center table. Hinihintay niya ang pagdating ni Caleb, ang kanyang kanang kamay. Hinihintay niya ang magandang balita na dala nito para sa kanya. Hindi nagtagal ang paghihintay niya kay Caleb dahil mabilis itong dumating na may dalang magandang balita. "Confirmed, Boss. Nasa loob nga ng Music and Resto Bar si Delfin," pagbabalita ni Caleb sa kanya. Pumalakpak siya ng tatlong beses pagkatapos ay agad na nagsipaglapitan sa kanya ang tatlo niyang bodyguard na sina Ador, Montes, at Kiko. Ang totoo ay hindi naman kailangan ni Tyller ng bodyguard dahil kayang-kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa kanyang mga kalaban. Isa siyang black belter champion, kick boxing champion sa underground contest at champion din siya sa martial arts na aikido at iba-ibang bansa pa ang kanyang nakalaban at natalo niya. Kaya hindi na niya kailangan pa ng bodyguard para lamang maprotektahan siya. Ngunit nasanay na siyang kasama palagi ang tatlo at madali niya silang nauutusan kapag kailangan niyang turuan ng leksiyon ang may utang sa kanya nang hindi na kailangan na siya mismo ang gumawa. "Yes, boss?" tanong ni Montes nang makalapit sila sa kanyang harapan. "May lakad tayo. May kailangan tayong turuan ng leksiyon ngayon," sagot niya kay Montes. Tumayo na si Tyller sa kinauupuan niya. Agad namang kinuha ni Caleb ang kanyang itim na jacket na nakasampay lamang sa upuan at isinuot sa kanya. Kaagad silang lumabas ng bahay niya at sumakay sa kanyang magarang kotse. Ang kanilang destinasyon? Ang Music and Resto Bar kung saan naroon si Delfin. Si Delfin ay dating tauhan ni Tyller. Ito ang humahawak sa kanyang tatlong casino sa Olongapo. Palaging maraming tao ang casino niya roon kaya limpak-limpak ang kinikita niyang pera araw-araw. At lahat ng kita sa casino niya sa Olongapo ay dumaraan kay Delfin bago napupunta sa kanya dahil ito ang kanyang accountant manager. Nabulag si Delfin sa laki ng pera na kinikita ng casino kaya naman itinakbo niya ang thirty million na halaga na kinita ng casino sa loob lamang ng isang buwan. Pagkatapos nitong itakbo ang kinita ng kanyang casino ay nagtago ito ng ilang buwan. Hindi ipinahanap ni Tyller si Delfin dahil alam niya na mauubos din ang perang ninakaw niya at lalabas din siya sa kanyang lungga kapag wala na siyang pera. At kapag lumabas na ito sa lungga nito ay doon naman siya aatake. Nagkalat sa buong Luzon ang kanyang mga koneksiyon kaya nang lumabas na nga sa kanyang lungga si Delfin dahil ubos na ang perang ninanakw nito ay mabilis iting natunton ng kanyang mga galamay. At pagsisisihan ni Delfin ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Dahil mabuti siyang kaibigan, mabait na boss ngunit masama siyang kaaway. Siya si Tyller Craig, thirty years old at pinakabatang pinuno ng Mighty Dragon, isang mafia gang na naka-base dito sa Pilipinas. Kilala siya bilang mabagsik at walang awa na pinuno ng mafia kaya marami sa mga kaaway niya ang nangingilag sa kanya. Ngunit marami rin ang matapang na kumakalaban sa kanya dahil kung sino man ang makakapagpabagsak sa kanya ay tiyak na katatakutan ng lahat. Ngunit malas lamang nila dahil hindi nila magawang mapabagsak ang isang Tyller Craig dahil wala siyang kahinaan. Walang mahanap na kahinaan ni Tyller ang mga kalaban niya kaya kahit magtulungan pa silang ibagsak siya ay hindi sila nananalo laban sa kanya. Kaya ang tanging magagawa na lamang nila ay kumilos ng palihim para hindi niya malaman kung sino ang nagpapabagsak sa kanya dahil kapag nalaman niya ay tiyak na sa ilalim ng lupa ang bagsak nito. Sa kabilang banda naman, sa loob ng Music and Resto Bar ay naroon si Samantha or Sam to her friends. Kasama niya ang mga tatlo niyang mga kaibigan na sina Engrid, Rayna, at Elsa. Kaarawan ngayon ni Elsa kaya hindi siya nakatanggi nang niyaya siya nito na mag-celebrate ng kanyang birthday sa isang night bar. Kahit na may pagka-liberated si Sam at spoiled sa kanyang ama ay hindi pa niya nararanasang pumasok sa loob ng isang night bar kaya naman nang niyaya siya ni Engrid na mag-night bar ay agad siyang pumayag. "Ang unfair mo naman, Sam. Birthday ko ngayon tapos iyang ladies drink lamang ang iinumin mo? Hindi ka naman na bata para hindi uminom ng nakalalasing na inumin, ah," nagtatampo ang boses na wika ni Elsa. "Guys, hindi sa ayaw kong uminom ngunit nakita niyo naman kung paano ako malasing noong birthday ni Elise, 'di ba? Mahina ang tolerance ng katawan ko pagdating sa mga hard drinks kaya hanggang ladies drink lamang ang kaya kong inumin," sagot ni Sam kay Elsa. Noong birthday ng matalik niyang kaibigan na si Elise ay sobra siyang nalasing. Hindi pa nga niya nauubos ang isang basong alak ay lumulutang na ang pakiramdam niya. Akala niya tuloy ay talagang lumulutang siya kaya naman naisioan niyang maglakad sa swimming pool nina Elise. Ngunit pagtapak na pagtapak ng isa niyang paa sa tubig ay agad siyang lumubog. Muntik na siyang malunod dahil kahit may malaking swimmimg pool sila ay hindi siya marunong lumangoy. Kung hindi nakita ng nakatatandang kapatid ni Elise na si Elton na nalulunod si Sam ay tiyak na patay na siya ngayon. Kaya magmula noon ay ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na ulit siya iinom ng nakalalasing na inumin. "C'mon, Sam. One shot lang naman. Pagbigyan mo na si Elsa, birthday naman niya ngayon," pamimilit naman sa kanya ni Engrid. Huminga ng malalim si Sam bago tinanggap ang baso ng alak na iniaabot sa kanya ni Engrid. "Pagbibigyan ko kayo pero isang shot lang, ha?" sumusukong wika niya sa mga kaibigan. Mabilis na ininom niya ang isang shot na ibinigay sa kanya ni Engrid. Nagtawanan ang mga kaibigan njmiya at nag-high five pa sa harapan niya. Ngunit ilang minuto lamang ang nakalilipas ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. "Isa pa, Sam. Kaya mo iyan," muling pamimilit ni Elsa. "Ayoko na. Nahihilo na ako," sagot ni Sam sa kaibigan. Ngunit hindi siya tinantanan ni Elsa. Talagang nais pa nitong uminom siya ng alak na ibinibigay nito kaya nagpaalam na lamang siya sa kanila na mauuna na siyang umuwi. Walang nagawa ang mga kaibigan niya nang tumayo siya at bitbit ang kanyang shoulder bag ay naglakad siya papunta sa labasan ng bar. Habang naglalakad si Sam palabas ng bar ay lalong tumindi ang pagkahilo na kanyang nararamdaman. Naisipan niyang bumalik sa mesa ng mga kaibigan niya para magpatulong na kumuha ng taxi na masasakya niya dahil talagang hilong-hilo na ang pakiramdam niya. Habang naglalakad siya pabalik ay muntik na siyang matumba kung hindi lamang siya maagap na nahawakan sa braso ng kung sino mang tao na tumulong sa kanya. "Be careful, Miss. Hindi ka dapat mag-isang naglalakad ng lasing," sabi kay Sam ng isang lalaki. Lalaki na para sa knmanya ay napakaganda ng boses. Ngunit pagharap niya para tingnan ang mukha ng lalaking nagsalita ay nakatalikod na ito sa kanya at naglalakad na palayo. Hindi naman niya ito magawang habulin dahil nahihilo na talaga siya ng sobra. Nagkibit na lamang siya ng balikat at ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad palapit sa mga kaibigan niya. "Kawawang, Samantha. Wala siyang kaalam-alam na hinaluan mo ng gamot ang alak na ibinigay mo sa kanya. Tiyak na hindi siya makakalaban kay Delfin kapag hinila siya papunta sa isang tabi ng lalaking iyon. Makakarating na siya sa glorya." Napahinto sa paglapit sa kanyang mga kaibigan si Sam nang marinig niya ang sinabing iyon ni Rayna. Kaya pala sobrang pagkahilo ang kanyang nararamdaman dahil may halong gamot pala ng ipinainom sa kanya ni Elsa. Pero bakit? Bakit nila ginawa sa kanya iyon? Itinuring niyang mga kaibigan silang tatlo iyon pala ay may masama pala silang balak sa kanya? Ano ba ang kaasalanan niya sa kanila para gustuhin nilang may masamang mangyari sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD